TWENTY SIX

39 4 27
                                    


Ang biglaang party nyo ay nagsimula na pagsapit ng alas quattro ng hapon.  Naka set up na ang lahat sa rooftop kasama ang karaoke. Bakit nga ba naisipan nyo mag party samantalang matagal pa naman ang alis ni Taeyong? Wala lang. Gusto nyo lang magsulit ng oras ng todo.

Kagaya ng mga party nyo, puro kantahan at sayawan lang naman ginawa nyo. Kasama na din dun ang kulitan at asaran syempre. Ikaw muna ang nagprito ng fishball dahil pagod si Taeyong sa pagtitimpla ng barbeque. Katulong mo naman si Yuta at Jungwoo. Pinicturan naman kayong tatlo ni Johnny.

"Kanina ka pa kanta ng kanta Hyung. Ako naman." Haechan demanded sa pinaka matanda.

"Anong ikaw? Ako susunod." Alma ni Doyoung.

"Ano ba yan. Edi after mo." Sagot ng pinaka bata.

"I'm next." Singit naman ni Jaehyun.

"Grabe talaga kayo sakin." Hirit ni Haechan. "Isasalang mo pa nga lang yung kanta mo eh."

"Kanina pa sya nagsabi eh." Doyoung replied.

Wala ng nagawa si Haechan kung di ang hintayin si Jaehyun na matapos. Mga bully daw talaga mga matatandang ito. Makasabi kala mo hindi rin sya bully.

Tinawanan nyo naman si Haechan na nagdadabog kunwari dahil after ni Jaehyun ay binigay nya ito kay Mark dahil gusto raw kumanta. He felt betrayed ika nga.

"Ako sunod. Bakit binigay mo kay Maaaark?" Pagrereklamo nito kay Jaehyun na tinawanan lang ng lalaki. "Hoy Mark ako na talaga sunod jan. I'm watching you."


Six ng gabi kayo nagsimula magsalo-salo sa pagkain. Di syempre mawawala ang picture  then you all ate happily.

"Wow daming nakain na fishball ni Jaehyun." Sabi ni Doyoung.

"Favorite na nya yan. Naghahanap yan nung mga nakaraang araw." Jungwoo replied.

"Buti naman nagustuhan mo na." Taeyong said na mukhang proud dahil nag improve na ang kasama nyong RK. Ngumiti naman sa inyo si Jaehyun.

"May naisip ako guys." Haechan announced kaya napatingin kayong lahat sa kanya. "Pagbentahin kaya natin si Jaehyun hyung ng fishball sa harap ng bahay. Sure maraming bibili. Malaki kikitain natin."

Nagtawanan naman kayong sa suggestion na yan ng bata. Si Jaehyun natatawa na kinabahan.

"Oo nga no." Johnny said na natatawa pa. "Nang maranasan mo rin magtrabaho kahit saglit."

"True. Saka iba talaga pag pinagpaguran mo yung pera." Dugtong pa ni Jungwoo.

"Experience din yun Jae." Dagdag ni Doyoung.

"After mo, ikaw ang masusunod sa kakainin natin." Suhol pa ni Taeyong. "Ipagluluto ka namin ng mga favorite mong pagkain."

"Masahe gusto mo ba?" Yuta asked.

"We'll help you." Mark added.

"Oo nga Jaehyun." You said.

Ang ending kayo ay masaya dahil pumayag na si Jaehyun sa alok nyong temporary job sa kanya. Nag suggest pa nga ang mga tarantado na mag topless daw habang nagpiprito sa labas.

"Wholesome ang tindahan. Hindi bar." Paalala ni Taeil.

Naging seryoso ang inyong usapan nang malapit na lumalim ang gabi. Ang iba ngumangata ng ng snacks, ang iba ay uminom ng beer.

Mark realized something. Taeyong easily said his soon departure unlike him na umiwas iwas pa sa inyo na hindi naman sya sigurado kung aalis na sya o hindi. This time napagdesisyunan narin nya na magsabi sa iba nyong kasama.

"Guys, this is about my problem last time." He started. "I talked to ate Lex last time about it but didn't share it to you guys. I am very sorry for that."

"Okay lang yun Mark. Willing naman kami maghintay pag handa ka na magkwento." His closest friend, Haechan, assured him.

He smiled lightly. "Like Taeyong hyung. My parents contacted me last time and asked me to return home and study there." He finally announced.

Nagkatinginan naman ang mga kasama mo. Napansin na din kasi nila yung aura ni Mark pag nag-uusap tungkol sa school. Now they understand. Maybe it is really hard for Mark just like Taeyong.

"Pero di pa naman sure kung matutuloy or kung kelan guys. Hayaan nalang muna natin." He then smiled and stayed positive para lahat naman kayo ay sumaya rin. "Sorry guys, I didn't mean to ruin the fun."

"Okay lang Mark. At least, alam na nating lahat." Doyoung said.

Tumayo ka naman na kinagulat nila. You excused yourself saglit at may kinuha sa kwarto mo. Bumalik ka na may dala dalang mga construction paper. Marami kang ganyang papel syempre. You distributed each of them lots of paper na may kanya kanyang unique na kulay.

"Since mga umuupa lang kayo dito at hindi nyo permanenteng tirahan ito, darating yung oras na aalis din kayo dito. Naisip ko na gumawa tayong lahat ng sulat para sa lahat. Gets nyo ba?" Pag anunsyo mo.

Bale lahat sila ay gagawan mo ng sulat isa isa at ganun din ang mga kasama mo. The twist is ibibigay nyo lamang ito kapag aalis na ang isa para mas dama. Hindi naman kailangan ngayon gawin basta pag may time basta kailangan bago umalis ang isa sa kasama ay nakahanda na ang sulat.  Nakakalungkot man ang gagawin nila pero atleast kahit sa liham na yun ay masabi mo lahat ng gusto mong sabihin sa taong yun at baunin nya ito kahit na malayo na sya.

"Good idea." Johnny said.


Nagligpit na kayo at nagsibalikan na sa kwarto. Isa isa ka na nilang niyakap bago sila bumaba papunta sa kani-kanilang kwarto.

Pumasok ka na sa kwarto mo para magpahinga. You are ready to sleep when your mom sent you a message again, asking you to live with her sa states.

Why all of a sudden gusto ka nya patirahin dun? Alam naman nya na nagpapaupa ka. You miss your mom so much pero di mo kayang iwan ang bahay ng papa mo at di mo rin muna iiwan ang mga kasama mo sa bahay. You are asking for more time and didn't reply to your mom.

You really want to live with her pero hindi mo talaga gusto sa ibang bansa. Bakasyon ay pwede na sayo pero sobra na kung dun kapa titira.

"I'm really sorry mama. I love you pero hindi ko kayang tumira dyan. Dito ang tahanan ko." You replied then logged out.


💚💚💚

Just want to say Rest in Paradise to Taeyong's best friend Ruby. She is with her for a very long time and it is hard for him right now. Ruby please always guide him.

 Ruby please always guide him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon