"Nothing" sagot ni Ezekiel at itinuon na lamang ang tingin sa kaniyang dinaraanan.

"Aleah! Buti naman at nakasunod kayo agad" bungad ni Maxi sa kanila na siyang nagbukas sa back compartment ng kanilang sasakyan.

"Good thing nakita ni ate si Ezekiel, kaya tinulungan niya kami" sabay lagay ni Aleah ng mga eco-bags sa likod ng sasakyan na naglalaman ng pinamili nila.

"Ayos na ang lahat, handa na tayo para sa biyahe!" Sulpot ni Dheo sa gilid ng sasakyan kasama si Niño na kakagaling lamang sa pag ch-check sa buong sasakyan.

Kailangan na nilang siguraduhing maayos ito baka maulit na naman ang nangyari kanina. Pero ngayon, mas handa na sila, bumili na kasi sila kanina ng mga karagdagang tools and equipments kung sakaling masiraan sila ulit sa daan.

"Mabuti kung ganon!" si Maxi, habang napapatingin sa relong suot.

Mag-aalasingko na, at marami-rami rin ang tao sa parke na isang open field.

"Niño, Aleah, Maxi at Dheo! Hali kayo! Mas mabuti pa't kumain na muna tayo bago bumyahe, hinanda ko na lahat, kain na tayo!" si Reggie, habang hinahanda ang pinadala sa kanila ni Reign na mga pagkain.

"Diba bawal magdala ng pagkain pag galing sa libing o lamay? Hala, baka magaya tayo nung pelikula na 'Pagpag' napanood niyo 'yon?" Pagsasalaysay pa ni Dheo.

"Edi wag kang kumain" pagbawi ni Reggie sa ibibigay sana niyang pagkain.

"Kakain na nga eh" sabay hablot nito sa pagkaing dala ni Reggie.

Binuksan ni Reggie ang pintuang nakaharap sa parke at doon sa labasan niya naisipang umupo katabi si Maxi.

Si Aleah at Niño naman ay sa loob ng van samantalang nakaupo sa papag si Dheo at nakahilig naman si Ezekiel sa pintuan nito.

They were peacefully eating while watching the kids running in the feild. Others are doing their workouts, and some are just sitting in the grass with a bunch of friends, family and even lovers.

Napatingin si Dheo sa mga bata na ngayon ay naglalaro ng habulan, anim silang naglalaro habang malawak na nakangiti sa bawat isa, kaya di niya mapagilang mapangiti na rin.

The feeling was nostalgic. Kagaya noong mga bata pa sila, they usually have a get together every sunday sa bakanteng lote at doon sila nabubusog sa kanilang tawanan at samo't saring kuwentuhan.

How he wish he they could do it again, ngayon na magkakasama na sila ulit.

Napabaling siya sa mga kasama na ngayon ay masayang nagkukwentuhan habang kumakain dahilan para mapangiti.

"Niño, kumusta na yung pag track natin sa bus na sinasakyan ni Mamu?" Pag-iiba ng usapan ni Maxi sa gitna ng munti nilang kuwentuhan at tawanan.

Agad naman napatikhim si Niño at napabaling sa kaniyang kuya Maxi.

"Kung pagbabasehan natin ang binigay sa ating impormasyon nung bus driver sa Oriño, maaaring nasa Naga na sila bandang alas sais ng gabi, pero dahil kailangan nilang mag stop over sa terminal ng Naga, mas mabibigyan tayo ng oras para mahabol sila, lalo pa't pagka alas diyes ng gabii pababyahe ulit ang sinasakyan nilang bus papuntang Albay. Kaya kung ipagpapalagay nating aalis tayo mamayang Alas Sais, baka maaari natin silang mahabol pagkarating natin sa Albay" pagsasalaysay ni Niño.

Tila nabuhayan naman ng pag-asa sina Maxi, Reggie, Ezekiel, Dheo at Aleah sa narinig.

"Kailangan ipaalam na natin to sa mga pulis, para kung sakaling mahuli tayo roon ay may mga pulisya nang nakaantabay sa terminal ng Albay. Diba, Ate Reggie?" Aleah gleefully suggested.

Our Broken StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang