29

1.4K 33 20
                                    

Kabanata 29

Nagtakha kaming dalawa ni Brent sa naging ugali ni Gio, ayaw kong mag isip na baka nagseselos siya pero alam kong hindi mangyayari yuon. Ayaw ko ng isipin pa kaya nagpaalam na ako kay Brent na aakyat na ako.

"You should take a bath, baka lagnatin ka" he said before I go.

Pagbukas ko ng pintuan sa aking kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo para maglinis, habang walang sawa ang pag agos ng tubig saakin, iniisip ko kung ano nangyari kay Gino bakit basang basa siya. Siya naman ang naunang umalis saamin, hindi kaya nag away sila ni Heather? Baka siguro ganun.

Pinikit ko nalang ang aking mata at pinailalim ko ang aking katawan sa tubig.

"I could not get over it" Gino said with full of emotions.

Heather looked at Gino with hopeful eyes, Kumapit ako ng mahigpit kay Andra. Tumingin si Andra saakin pagkatapos bumaling ulit siya sa pwesto nila Gino. Hindi ko alam kung ano ang pinag sasabi ni Gino pero sa salitang yuon mas lalo ako napaisip.

"I could not get over of us either"

Dumilat ako ng marinig ang tugon ni Heather. Nakaramdam ako ng sakit, nagulat nalang ako ng naramdaman ang pag alo ni Andra sa aking balikat. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking kamay. Umiiyak na pala ako.

Kumunot ang aking noo, gusto ko tignan ang pwesto nila pero natatakot akong makita ang realidad na hindi ako ang yakap yakap ni Gino. Natatakot akong malaman na hindi ako yung pinili. Pero huli na. Nakita ko na.

Umalis ako, habol habol ni Andra.

Patuloy na lumalandas aking luha ko sa aking pisngi, hindi inaalintana ang mga tao sa aking tabi. Masyado akong nasaktan para pansinin pa ako mga usisa nila. Agad akong sumakay sa kotse ko at hindi na hinintay pa si Andra dahil alam kong may susundo sakanya. Pero kahit ganuon pa man nakokonsensya pa rin ako.

Gusto ko muna isipin ang aking sarili, kasi yuon ang hindi ko ginawa habang nagpupumilit sa taong hindi ako gusto.

Hindi ako pumunta sa bar dahil masyadong maraming tao, hindi ko alam bakit duon lagi gusto pumunta ng mga tao kung gusto naman nila mapag isa. Hindi ba't mas maraming tao sa bar? Kaya pumunta ako sa simbahan, saktong walang tao. Lumuhod ako at nagdasal habang tahimik na umiiyak.

Dinasal ko na sana tumigil na yung sakit, na sana hindi ko nalang siya nakilala. Pero alam kong ako ang mali dahil nag pumilit ako, hindi ko lang maamin na ako ang may kasalanan kasi ako yung nasaktan.

Nanatili pa rin akong nakaluhod, tumigil na rin ako sa pag iyak. Maayos na ang aking paghinga ngunit nanatili pa rin aking nakapikit. Wala na akong iniiisp, gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam nang tumunog ang cellphone ko dinilat ko na ang aking mata at umupo nang maayos tsaka ko lang tiningnan na si Andra ang tumatawag.

Sinagot ko naman agad ito, "Okay lang ako Andra"

"Where are you?!" sabi niya saakin

"Sa tahimik"

"What?! Are you planning t----" pinutol ko ang kaniyang sasabihin.

"Im at the church"

Sudden silence began, wala sa amin ang naka imik sa sinabi ko hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga ni Andra.

"Please be safe Cresia" she said

"Yes..." then I ended the call.

Tumayo na ako at umalis, sumakay na ako sa aking kotse buntong hininga 'kong pinaandar ito.

Sa totoo lang wala pa akong naiisip puntahan bukod sa simbahan kanina, ayoko pang umuwi dahil posibleng anduon na si Gino. alas-sais na ng gabi kaya malamang nanduon na yun. Ayoko pa siyang makita dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magpapanggap ba ako?

Napabuntong hininga nalang at niloko ang kotse nasa tapat ako ngayon isang candy shop, gusto ko ngayon kumain matatamis kahit hindi kasing tamis ng pakiramdam ko ngayon, candy pa rin ang aking gusto.

Pinark ko muna sa tapat ang aking kotse bago pumasok sa loob, naamoy ko agad ang mababangong candy. Binati ako ng isang staff ngumiti ako at kinuha ang supot na dapat iaalok niya saakin pero inunahan ko na. Nanlaki ang kaniyang mata ng nakita niya akong kumuha nang isang sapot ng gummy bears, pagkatapos ay jelly beans. Kumuha na rin ako ng ibat ibang gummy worms, natuwa ako dahil may iba't ibang klase ng mga candy. Tumulong na rin ang isang staff sa akin.

"Dami niyan maam ah? sa mga anak niyo po ba?"

Hindi ako na offend kaya ngumiti nalang ako sakanya, "Para saakin"

Lahat ito ay kinuha ko at agad akong pumunta sa cashier, hindi agad nakagalaw ang staff na tumulong saakin. Pati ang cashier na nasa harapan ko ngayon. Tumikhim muna ako bago na sila nakagalaw.

Umalis na rin ako at habang nag dadrive kumakain ako ng isang mahabang kendi na parang hindi maubos ubos. Dumiretso ako sa isang lugar na hindi usually napupuntahan ng mga tao. Agad akong nag park at binuksan ang taas ng aking kotse. I'ts Aston Martin covertible car mabuti nalang at ito ay convertible hindi ako mahihirapan. Nakita ko agad ang langit ngunit walang mga bituin, dumampi agad saakin ang lamig ng hangin.

Pinindot ko ang bluetooth ng kotse at nag connect saaking cellphone kaya nag patugtog ako ngayon. It's december 3rd.

"I still remember third of December"
"Me in your sweater, you said it looked better"
"On me, than it did you, only if you knew"
"How much I liked you, but I watch your eye"

Tumingin ako sa langit, ngumiti ako habang ngumunguya ng candy. Ang tamis ay kasalungat ng aking nararamdaman.

"As she walks by"
"What a sight for sore eyes"
"Brighter than the blue sky"
"She's got you mesmerized"
"While I die"

Habang nakatulala lang ako sa kawalan ay biglang nawala ang kanta,may tumawag na naman saakin, hindi ko na tiningnan sinagot ko nalang agad alam ko si Andra ito.

"Where are you?!" rinig ko sa bluetooth ng kotse, kaya tiningnan ko sa mismong cellphone ko kung sino ito. It's Gino.

Tiningnan ko lang ang cellphone, wala akong ganang magsalita lalo na sakanya. Patuloy pa rin nagsasalita si Gino.

"Cresia!"

"Do you hear me?" patuloy pa rin hanggang sa ako na ang nag end call, nag text nalang ako sakanya.

Ako:

I'm okay.

Biglang nagpatuloy ulit ang kanta.

"Why would you ever kiss me?"
"I'm not even half as pretty"
"You gave her your sweater"
"It's just polyester"
"But you like her better"

Dumilat na ako at nagbanlaw na ng katawan, mabilis na nag damit at nagsuklay na rin ako ng buhok. I even did my skin care routine lazily. Hanggang sa bumagsak na ako sa kama at niyakap ang unan. Buntong hininga akong pumikit at hinigpitan ang yakap sa unan.

I could not get over too.

"I wish I were Heather"

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon