16

1.4K 36 11
                                    

Kabanata 16


I blinked twice, hindi nga ako nag hahallucinate. Totoo ito nag friend request nga siya saakin. Pero bakit 4 years ago? Naguguluhan ako?

Ang alam ko hindi siya nag s-social media dahil labag yun sa kanilang batas, bilang bodyguard ko.

Imbis na isipin ko pa ang kung ano ano, inistalk ko nalang kung ano ang nasa timeline niya ngunit wala akong napala. Bukod sa puro tagged lang sakanya ni Heather ay wala na siyang post or shared post man lang.

Pinatay ko nalang sa inis ang aking laptop at tumingin sa kisame hanggang sa lamunin na ako ng antok.

Paggising ko ay naligo na agad at pumunta saaking walk in closet. Binalikan ko iyong dress na binili ko kahapon.

Nakita ko na naman yung paperbag na may lamang polo, kinuha ko nalang ito at sabay kinuha na rin ang mga dress. Lumabas na ako pagkatapos kong magbihis. Umupo muna ako sa kama at binuksan ang paper bag.

Pagkababa na pagkababa ko ay excited akong pumunta sa kwarto ni Gino, alam kong sa oras na iyon ay wala na siya dahil hinatid niya ang aking ama papunta sa firm nila. Pagbukas ko ng pintuan hinanap ko na agad ang paperbag sa lugar kung saan iniwan koi to.

Wala na iyon sa pinag iwanan ko, napangiti ako at inisip kung sinuot na ba niya agad iyon. Baka naman nilagay niya sa cabinet. Tiningnan ko ang cabinet pero wala iyon duon.

Kinikilig ako sa naiisip ko kaya masaya akong lumabas ng kwarto niya, pero agad na sumalubong naman si manang Lourdes. Kumunot ang nook o at nawala ang aking ngiti sa kanyang hawak hawak.

Yaan yuong binigay ko bakit nasakanya?!

"Ahh ehh maam, Pinapabigay po ni sir Gino" kabadong sabi ni manang Lourdes

"Huh? Sakanya yan. Bakit? Hindi niya ba nagustuhan?"

"Hindi ko po alam maam eh, sabi niya lang bigay daw po sayo"

Tinanggap ko naman ito kahit labag man sa loob ko, kumirot ang aking puso dahil duon. Buntong hininga kong inilapag ang paperbag sa gilid ng cabinet at naligo na.

Yep! just got rejected again..

Bumaba na ako at sumalubong na naman saakin ang walang mata kong bodyguard.

"Good morning ma—"

Hinagis ko sakanya ang paperbag na iyon at naabot naman niya agad.

"huh?" Nagtatakang sambit niya

"Sayo nalang, nakatambak sa cabinet ko hindi ko naman alam kung kanino yan" Lumiko na ako at pumunta na sa para mag almusal.

Naabutan ko si papa na nagkakape habang nagbabasa sa kaniyang Tablet.

"Good morning pa"

"oh good morning, saan ka na naman pupunta ngayon?"

"Kay Andra po"

Napatingin saakin si papa "Andra? Close na agad kayo? Buti naman"

Tumikhim ako at ngumiti, kasabay ng pagpasok ni Brent sa hapag kainan.

"Oh Brent, sumabay ka na saamin. Aalis daw kayo ni Cresia" napakunot noo si Brent sabay baling saakin.

"Oh galing sa girlfriend mo?"

Nakatingin na pala si papa sa dala dalang paper bag ni Brent habang umiinom ng kape, napangisi naman ang loko at binalingan ang hawak niya

"galling ho sa anak niyo"

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon