19

1.3K 39 13
                                    

Kabanata 19


Tuluyan na akong pumasok sa loob pagtapos niyang sabihin yun, hindi ko na naman alam kung ano ang pinagsasabi niya. Nauna na akong pumasok sa loob at hinayaan nalang siya sa labas.

Wala pa rin si papa, siguro mamaya pa siya uuwi kaya umakyat na ako sa taas. Naghuhubad na ako para maglinis ng katawan, binuksan ko ang Bluetooth ko para I connect sa speaker sa bathroom.

Nagsindi na rin ako ng scented candles to refresh my mind, I put the bathbombs in the bathtub and started to make a colorful and glittery one.

Tuluyan na akong nilamon ng antok pagsandal ko, dahil na rin sa kanta na nagmumula sa taas.

Wala na akong maisip na gawin bukod sa pag gala, ayokong maging Attorney katulad ni papa. Ang gusto ko ay maging model. Dati na akong naging model pero simula nung nangyari ang aksidente siguro ay nawala na rin ang aking pagka sikat.

Ayoko naman pagdating sa business kahit na may business din naman si papa kahit na abogado siya ay hindi ko pa rin naisip na mag handle nito.

Naalala ko bigla ang aking manager, kamusta na kaya ito? Sa pagkakatanda ko ang huli naming pagkikita ay ng nagpaalam siya nun dahil uuwi muna siya sa probinsya nila.

Siya ang naghahandle ng schedules ko bilang isang model, sa sobrang pursigido ko ay malapit na akong makapasok sa Victoria's Secret Model.

Lahat ng pangarap ko biglang naglaho dahil sa isang aksidenteng hindi ko naman ginusto..

Mas lalo ko pang sinandal ang sarili ko, pinikit ko ang aking mata para muling balikan ang lahat.

Simula sa pagpapakilala sakanya ni papa bilang bodyguard ko, habang ako naman ay busy sa pagiging trainee.

Wala siyang ginawa kundi nasa gilid ko lang, sa pagiging trainee sa lahat lahat. Nakita niya lahat ang paghihirap ko. Lahat ng kaartehan ko na sa tingin yuon ang dahilan kung bakit hindi niya ako magustuhan.

Pinilit kong maging simpleng babae na walang kaartehan, pinilit kong magsuot ng damit na hindi kumikinang. Pinilit kong hindi bilhin kahit sobra kong nagustuhan.

Pinilit kong maging ibang babae para magustuhan niya lamang..

Dumilat ako at huminga ng malamin, tiningnan ko ang paligid ko. Puro mamamahalin na bagay, sa kahit anong klaseng gamit umaabot ng milyones. Namuhay ako sa mayamang pamilya kaya sobrang hirap pilitin na maging ibang tao para lamang sa gusto mo.

Totoo nga ang sabi nila na unti unti kang binabago ng taong hindi para saiyo, lahat ng bagay nagiging pilit at masakit kung hindi sumasang ayon ang kapalaran mo sa taong gusto mo. Masakit man tanggapin pero yuon ang totoo.

Wala siyang kasalan, ako lang naman itong nagpumilit. Lahat ng paraan ginawa ko kulang nalang ipa kulam ko siya.

Ang hirap initindihin na kung bakit hindi ka magustuhan, diba dapat maging masaya siya dahil pinilit ko namang maging babaeng tipo niya?

Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?

Binanlawan ko na ang aking sarili at nagpunas bago magbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako at naglakad papunta sa veranda. Isa yung malaking sliding door made of glass. But it is not just a simple glass it is a Bulletproof glass.

Hinawi ko ang kurtina at napatigil ako...

Nakita ko ang isang rebulto na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa gawi ko. His eyes are like powerful the way he stares at me makes my heartbeat faster.

I cannot breathe! Definitely breathe.

He is wearing some kind of badboy style, the leader jacket screams death. Still those stares he have makes him more cooler. The fire in his blank stares. That I knew I might burn.

Hindi ko alam kung iilang oras kami nagtitigan, hindi ako maka galaw miski makahinga. Nagtatalo sa isip ko kung totoo ba o baka ilusyon na naman.

Biglang may kumatok sa aking pintuan at sinulyapan ko na iyon. Pinuntahan ko ito at binuksan. Bumungad si manang Lourdes.

"Hija, halika na kaon na" saad niya

Tumango ako, at bumalik sa kaninang pwesto. Pag tingin ko sa labas wala na siya. Wala talaga si Gino..

Napangiti ako ng mapait at pinatay ang ilaw para lumabas. Bumaba na ako at bumungad saakin si papa. Ngumiti agad ako sakanya at nagmano.

"I heard you visited Andra again?"

"yup, because Im bored"

Tumingin na ako kay papa bago umupo, "Ano nga po ulit yung naging trabaho ko dati?

"Uhmm you are a Model" sabi ni papa

"Pwede pa rin po ba ako maging model papa?"

He sighed, "Sure, I will contact your manager right away"

I smiled, "Saan po ba ako nag momodel?"

"I don't know, I just knew that you are a model and I support you for that"

Tumango na ako at kumain, Nauna na akong matapos at nag paalam kay papa na umalis pero bago iyon ay nag salita na muna ako.

"Papa, thank you for everything. I just want to begin my new life again" I said

Umakyat na ulit ako at pumunta na sa aking kwarto, I brushed my teeth then after that I went up to my bed but before I sleep. I checked again my social media. My notifications suddenly popped up. 

Binuksan ko ang notifications ko at nakita ko ang manager ko na nag message saakin.

Wensetell:

OMG! IS THAT TRUE? YOUR FATHER MESSAGED ME! YOU WANT TO FLY YOU WINGS AND BECOME A MODEL AGAIN?! A VICTORIA'S SECRET MODEL?!

I chuckled, I miss him so much

Ako:

oh you are my manager? btw, yes.

Wenseltell:

Oh my Im sorry, nakalimutan kong nagka amnesia ka.

Ako:

It's okay, can we meet tomorrow?

Wenseltell:

Sure!!! Good night!! Beauty Sleep kana. I missed you so much alaga ko!!

Hindi na ako nag reply, dahil excited na akong makita siya ulit. Hindi na naman ako makakatulog pag excited ako. Pero bago ko patayin yung laptop ay muli kong tiningnan ang friend request. Nanduon pa rin si Gino. Naalala ko yung nangyari kanina.

Parang totoo, pero impossibleng pumunta siya dito. Para saan at ano? Para makipag titigan lang? 

Biglang may nag pop up na notification at saktong natabunan yuon ang friend request ni Gino. I clicked it pero huli na dahil nawala na ang notification. Kaya ang naclick ko ang accept sa friend request ni Gino.

You and Gino are now friends..

Dali dali na naman akong nagpanic dahil duon, hinampas hampas ko ang unan sa sarili kong katangahan. Tiningnan ko ang timeline ni Gino dahil duon.

at kitang kita ko ang bumungad kundi ang larawan nilang dalawa ni Heather...


HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon