5

1.9K 33 0
                                    


Kabanata 5

"Ano ba? Nakakainis kana. Isa pang sunod mo saakin"

Kanina pa siya sunod ng sunod saakin, mula umaga pagbaba ko hanggang ngayong gabi na walang ginawa kundi sumunod lang saakin.

Ngumiti siya. "Miss yun po ang trabaho ko"

"Ang ano? Tagasunod ko? God! Kanina ka pa, Sumusweldo ka naman kahit hindi ka mag hapong sumunod saakin"

Hindi na siya sumagot pa at tuloy tuloy parin nakasanuod saakin, hanggang sa pumunta ako sa kusina at uminom lang ng tubig nakakatitig pa rin siya kaya bigla ako nabilaukan dahil sa pakiramdam.

"Brent iho tawag ka ni ser" biglang sabi ni Manang Lourdes

Tumango siya at tiningnan muna ako bago umalis ng tuluyan, agad akong nakahinga ng maluwag at nagsimula ng mag lakad lakad ulit, hanggang sa pumunta ako sa labas, sa garden namin kung saan lagi kong nakikita ang repleksyon ng buwan sa tubig ng Fountain.

Bigla kong naalala dito ang paghihintay sakanya tuwing gabi. Kahit ano mang oras ay nag hihintay ako sakanya, kahit abutin pa ng alas dose ng madaling araw. Tsaka na lang ako pag hindi ko na kaya labanan ang antok ko.

"Bakit nga ba minahal mo siya" sabi ko sa repleksyon ko sa tubig

Isa lang naman siyang guwardiya ko bakit siya pa?

"Makakalimutan rin kita" sabay ngiti ng malungkot.

Hindi ko maisip kung bakit, hindi ko siya malimutan ang hirap lang.

Bigla kong narinig ang isang tunog ng kotse paalis mula saamin, bigla akong tumakbo kasi alam ko ang sasakyan na yun, alam ko kung kanino..

Alam ko sakanya yun, yun ang sasakyan niya nung panahong sinusundan ko siyang nakikipag kita kay Heather. Pero baka hindi rin? Baka may kagaya siyang kotse? Impossible siyang pumunta rito, sino ba ang pupuntahan niya? Hindi ako yun! Si Heather parin ba?

Biglang kumirot na naman ang puso ko habang naka kapit sa gate, bakit masakit pa rin?

"Bakit ang sakit mo parin?" Habang nakatitig sa dinaanan ng kotse na yun. Napaupo nalang ako bigla

"Kasi mahal mo parin" bigla akong napatingin sa likod ko. Ngumiti na naman siya "pahinga kana? Pahinga na tayo" at inabot niya saakin ang kamay niya.

Kinuha ko naman ito at tumayo na.
Bigla nalang siyang tumalikod, ewan ko kung bakit pero nung tiningnan ko ang itsura niya ay para bang namumula ang kanyang tenga.

Nakita ko mula sa likod ang pagiging maskulado niya, ang haircut niya. Makikita mong gwapo na siya kahit likod pa lamang, mas matangkad sakanya yung dati kong bodyguard pero parehas lang sila ng pangangatawaan. Kabaligtaran ang kulay nila si Brent Maputi kasing puti ng gatas, siya ay Moreno na tamang tama lang ang kulay. Pero bakit ba pinag kukumpara ko sila?

Hanggang sa nakapasok na ako ng bahay, mas nauuna parin siya saakin hanggang sa nakapunta na ako sa aking kwarto, nagulat ako ng bigla niyang binuksan ang pintuan, ang akala ko ay papasok siya pero nanatili parin siya sa gilid, kaya pumasok na ako. Bago man niya isinara ang pintuan ay nag salita ulit siya.

"Makakalimutan mo rin yun, tiwala lang" napahinto ako.

Narinig niya ba?

Naligo muna ako bago matulog, pag higa ko ay agad ko ng pinikit ang aking mata. Pero paglipas ng 10 minuto ay hindi parin ako makatulog naiisip ko pa rin ang sinabi ni Brent, pero paano ko siya malilimutan.

Naisip ko kung paano ang pinagkaiba ni Brent sakanya.

Mas maalalahanin si Brent sakanya kitang kita ko agad yun, siguro parte yun ng trabaho ang pagiging maa lahanin sa boss mo, pero siya? ni kahit titigan ako sa mata hindi niya magawa, ano pa kayang pahagalagahan ako kaya nga napunta ako sa kalagayan ko ngayon. Maiintidihan ko naman na parte lang sa trabaho ang pag papahalaga niya saakin kasi kahit papa ko ni hindi ko nakitaan ng pag papahalaga pero nagbago yun nung nangyari ang hindi inaasahan.

Masyado akong nag assume, kaya humantong ako sa ganitong kalagayan. Kaya ngayon muli kong aayusin ang aking sarili ng mag isa kasi ako lang rin naman umasa at nagpakatanga ng mag isa.

Nagising na lang ako sa ingay na kumakatok sa pintuan ko, agad kong tiningnan ang orasan at alas diez ng umaga na pala, pero inaantok pa rin ako dahil sa pag iisip kagabi.

"maam?" katok muli ni Brent

"wait!!" dahil nakatulala pa rin ako ay agad akong umalis sa higaan at walang ayos ng binuksan ko ang pintuan. "what?" habang nakapameywang

tiningnan niya muna ako mulo ulo hanggang paa. "You need attend your appoinment with Dra. Dolcezza at 10:30 am" at saka siya ngumiti.

"huh" wala parin ako maintindihan dahil inaantok at bangag parin ako.

bigla siyang lumapit at ang kanyang ulo ay dumukwang para bumulong saakin kaya agad nawala ang aking pagka antok na napalitan ng pagkagulat sakanya.

"at 10:30 am, we need to attend your appoinment. right now its already 10:20 madame" in a husky way, biglang tumaas ang aking balahibo dahil sa hiya. pero naaalala ko ang kaniyang sinabi na 10:20 am na!

"shete! I need to take a bath now!!"

kaya agad kong sinarado ang pintuan kahit nanduon pa siya sa labas, kinuha ko na ang towel ko ng bigla siyang magsalita

"no need madame, you smell so good. strawberry huh?" lalo lang ako nahiya sa sinabi niya kaya hindi ako nakaligo ng maayos.

Nang natapos akong maligo ay agad akong tumakbo sa walk in closet ko, hindi na ako namili pa ng damit kahit ano na lang susuotin ko. pagtapos ko ay pumunta na ako sa salamin para mag lagay ng mga dapat saakin mukha hindi na ako nag make up pa. kahit simpleng nude lipstick lang ayos na, pagdating naman sa buhok ay naglagay nalang ako ng hair oil treatment kahit basa pa ang aking buhok, para pag natuyo ay pwede ko na siyang suklayin tiningan ko muna ang orasan ay 10:30 na!

Bumaba na agad ako at nakita ko si papa na kumakain ng almusal, naglalakad na ako palabas pero napatigil ako nang may sinabi siya

"wala bang good morning?"sabi niya sabay inom ng kape habang nakatingin saakin

bumalik ako at hinalikan ko ang kaniyang pisngi. "good morning po I have to go"

"ng ganitong kaaga? hindi ka man lang ba kakain" sabay kain niya ng bacon

"opo i have an appoinment with Dra. Dolcezza"kumain ako saglit ng kanin at bacon, sabay inom at tumayo na ako para umalis na.

"huh? haha early bird sweetie? 11:30 nagbubukas ang clinic niya, you don't have to be early bird, VIP ka you can attend to her meeting whenever you want" napatigil ako saglit at lumingon kay papa

"I-it's that true?"

"yes" at kinuha na niya ang dyaryo, agad akong nainis kay Brent kaya napayukom ang aking kamao at dahang dahang akong bumalik sa aking harap upang puntaan ang bwisit na lalaking yuon!

pagkita ko sa sasakyan ay nanduon siya sa luob habang nakikinig ng music, aba ang hayop nga naman kapal ng mukha! binuksan ko ang pintuan at nang makapasok ako ay agad ko siyang pinag hahampas ng aking gucci bag.

"hayop ka! pagtapos mo akong madaliin sa lahat lahat, maaga pa pala?! anong klase kang bodyguard?" sabi ko habang hinampas ko parin siya

"wait! ouch, I don't want to wait too much. Kaya mas minabuti kong maaga ang paggising sayo and look we still have 30 mins. We have to eat breakfast first, my treat" kindat niya sabay pag bukas ng makina ng kotse

"such an asshole" bulong ko

"No madame, matagal lang kumilos kayong mga babae" sabay lapit niya saakin para ikabit ang aking seatbelt pero hindi parin siya umaalis sa aking harapan, tiningan niya muna ako ng matagl.

"Good Morning" then he smiled.

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon