"Ken, -" hindi niya ako pinagsalita pa.

"Ayokong marinig yan, as of now and as far as I'm concerned, ako parin ang boyfriend mo, okay?" Sabi niyang hinahawakan ang kamay ko ng isang kamay at ang aking pisngi ng kabila niyang kamay.

Parang yung mga napapanood ko lang sa telenovela.

Hinalikan niya ang aking pisngi. Namumula na ata ako.

"Kuha lang ako ng breakfast ko chaka sabihin ko na din sa nurse yung food mo, wait mo lang ako ah" Sabi niyang naka ngiti. Namiss ko yung ngiti niya.

Yung sweetness niya, yung concern, yung love, everything.

Grabe, lahat talaga.

"Ken" tawag ko.

Humarap siya sakin ng naka taas ang mga kilay habang nakangiti.

"Nasaan sila mommy?"

"Si tita nakila tita Elisa, may aasikasuhin lang daw, kaya ako muna sinabihan niyang mag bantay, si tito Bert naman hindi pa nakakaalis ng London, pero malapit na daw siyang matapos sa papeles para makauwi dito." Tumango lang ako.

Kinindatan niya ako bago siya umalis.

Kinilig naman ako.

Parang kami nga ulet. This has mommy's name written all over it. Even after na sinabi kong wag niyang sabihin kasi wala namang magagawa si Ken, sinabi parin niya.

Naghintay ako ng sandali bago dumating si ate Lyda, yung nurse ko, at pinakain na ako. Dumating si Ken sa kalagitnaan ng pagpapakain sakin ni ate Lyda.

"Ay, ate, ako na po magpapakain kay Carla" Aya ni Ken pagkapasok niya.

"Hindi okay lang sir ako nalang po, trabaho ko naman po ito eh"

May point nga naman si ate Lyda.

"Hindi ba mainit?" Tanong ni ate Lyda.

"Okay lang po" Sabi ko. Tumitingin tingin ako kay Ken, napapansin kong sumisilip silip siya ng tingin sa akin habang inaayos na niya yung pagkain niya.

Hindi nagtagal kumakain na rin siya.

"Boyfriend mo?" Bulong ni ate Lyda.

"Opo" Sagot ko.

"wow naman, pumapagibig ka te, fight ka lang ha, sweet sweet ng guy mo ohh, malulungkot yan pag hindi ka lumaban" Sabi niya.

Lumaban.

Paano kung hindi ako lumaban noon? Nandito pa ba ako ngayon kasama sa iisang kwarto yung naging crush ko noon na naging boyfriend ko gayon?

Magkasama pa ba kami ngayon?

Bibisitahin niya ba yung puntod ko? Tingin ko maiinis lang yun kasi hindi ko sinabi sa kaniya.

Paano kung hindi naging kami in the first place? Baka siguro sumuko na agad ako.

Si Ken kasi ang first ko eh. Hopefully my first and last.

Tingin ko wala naman nang ibang papalit sa kanya dito sa puso ko eh.

Talagang siya lang ang laman nito.

And to think na iiwanan ko nanaman ulit siya soon, nakakalungkot isipin yun.

That's one of the down sides of having cancer, kailangan kang ikulong sa kwarto, and hope for the best. Hinahayaan ka lang sa kwarto mo para makapagisip ng kung ano ano. Whether positive or negative.

Usually kasi pag sa mga ganitong sitwasyon, mas madalas mong isipin ang mga negative parts of your life or events that may happen eh.

Hindi ko rin alam kung bakit ganun pero ganun tayo eh.

Mas madaling makita ang pangit sa ibang tao kaysa sa mga mabuti. We're so quick to judge from just one mistake but criticize people from hundreds or thousands of correct actions.

Bakit ba?

Wag niyo ako tanungin kasi hindi ko din alam.

Ganito ang scene lagi sa hospital ngayong wala si mommy.

Si daddy, naka uwi na after the fifth day of being with Ken in the hospital.

Nakakalungkot minsan kasi iniiwan ako ni Ken para maligo.

Kahit na nag papromise siya na bibilisan niyang maligo para makabalik agad siya, hindi ko siya pinapayagang mag madali.

Siya na nga yung puyat, siya na nga yung nag papagod, siya pa yung pagmamadaliin kong maligo?

Eh pano kung siya naman yung magkasakit? Sino na ang magbabantay sakin? Hangin?

Hangin nalang?

Naalala ko nung nagising ako dahil nagaapoy ang dibdib ko.

Ang sakit sobra.

Ngayong naalala ko na, medyo nakakatuwa yung reaksyon niya eh, natataranta siya nun. Cute kaya.

I can't blame him though. Mag fe-freak out din ako kung siya yung nasa pwesto ko ngayon.

Pero thank God it's not him in this bed. Mabuti nang ako ang nandito, kaysa siya.

Nalaman ko nalang na malapit na kapag nararamdaman mo na.

Katawan mo naman kasi yan eh. Mararamdaman mo naman yan kapag alam mong hindi mo na talaga kaya.

Kaya...

Nagpaalam ako.

April 16, 2010.

Tinandaan ko yang date na yan. Alam kong yan na yun. At least alam ko na yung araw ko. Dalawang dates na yung alam ko, date of birth at date of death. Hindi naman importante yung exact time, I bet may iba sa inyo hindi nyo alam kung ano yung exact time na ipinanganak kayo diba?

So sa akin hindi ko naman talaga malalaman ang oras kasi, pano mo malalaman eh wala ka na nga diba?

Kung tatanungin mo ako kung natatakot ako, sasabihin ko sayo ng totoo, hindi ako natatakot.

Kinakabahan oo, pero hindi takot. Kinakabahan ako kasi baka ako lang mag isa ang nandoon sa paroroonan ko. Kung saan man yun. Ayaw kong mapagisa.

Parang lagpas na ng isang taon akong lumalaban.

Nangayayat, nanghina, napagod, at unti unting nauubusan ng lakas lumaban. Pero tulad ng sabi ni ate Lyda, laban lang.

Kaya hanggang dulo, lumaban ako.

Sabi nila, if you're going down, at least go down swinging.

Diba?

Paano kung nanalo ako dito no? Well isa sa mga reaksyon na alam kong meron is, happiness. Maraming matutuwa dahil nawala na ito sa akin.

Pero hindi eh, nandito parin.

Naka ilang session na ng chemo, nalagasan na ng buhok't lahat lahat, ayaw parin mawala.

Nung ilang linggo ko lang din naman natanggap sa sarili ko na hindi kakayanin ng katawan ko 'to.

Kaya ngayon nakapagipon ako ng lakas para magpaalam sa kanila. Sa mga mahal ko sa buhay.

Lalong lalo na kay Ken. Ang taong pinakamamahal ko ng buong puso. Ang taong sumubaybay sa akin dito sa ospital at sa kamang ito. Na hindi ako iniwan kahit ni isang araw.

Wala.

Araw araw siyang nandito.

Simula nung nalaman niya 'to, hindi lumipas ang 24 hours na hindi ko siya nakikita, kahit saglit lang.

Sobrang thankful ako sa kaniya para sa ginawa niya sa akin.

Kasi, kundi dahil sa kaniya matagal na akong sumuko.

At least, diba? Nakatagal ako ng ganito katagal.

Pinasaya niya yung mga araw ko dito hanggang sa mga huling araw ko, nanatili lang siya sa aking tabi.

Kahit na minsan nasasaktan na ako dahil umiiyak siya dahil nakikita niya akong ganitong nahihirapan na.

I couldn't ask for more from him.

I had more than I needed from him palang. Sobra sobra na yung binigay niya.

I'm just sad na hindi ko na magagawang suklian iyon.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें