The Break Up

674 5 0
                                    

June

Paano kung hindi pala para sayo ang tingin mong para sayo? Ang hirap niyan.

Mahal mo yung tao eh, pero hindi pala siya para sayo. Kung itatanong mo yan sa taong bitter or single, madali nilang masasagot iyan, karamihan jan sasabihin nila, "kung hindi eh di hindi", pero mahirap kasi pag nandoon ka na sa sitwasyon, kaysa tinitignan mo lang ang isang sitwasyon.

May malaking pagkakaiba ang pagiging involved sa isang relationship kesa sa visualizing you're involved in a relationship.

Dalawang point of views yan, kaya hindi mo parin masasabi na parehas ang tingin niyo dahil in the first place, magkaiba kayo ng side ng fence.

Kaya ang tanungin mo yung kapwa may ka-relasyon mo.

Pero kung ako yung tatanungin, baka ang masabi ko ay, depende.

Depende yan sa sitwasyon kung anong nangyari at bakit hindi naging kayo para sa isa't isa.

Pero, may isang bagay akong gagawin na sa kahit anong sitwasyon, gagawin at gagawin ko.

Malulungkot, at magluluksa.

Bigla akong nagising dahil sa alog ng jeep na kakadaan lang ata ng humps.

Napatingin ako sa kalsada.

Kinakabahan ako.

Di ko na alam kung paano ko pa ito pagagandahin pa.

Tinignan ko yung check list ko.

1. Buy a rose

2. Coffee for 2 sa starbucks

3. Watch a movie

4. Give the gift

5. Travel to Tagaytay

Game na to.

Kaso hindi ko pa alam ang gagawin namin sa Tagaytay. Siguro kakaen muna kami ng hapunan, tapos. Ay! Malagay nga sa checklist.

6. Eat dinner sa mga bulaluhan

7. Check in

8. Breakfast in bed

9. Sight seeing

Okay na siguro yan, tapos bahala na kung ano pang gustong gawin ni mahal.

Tinago ko na ang cellphone ko kung saan ko nilagay yung listahan, at naghintay na makarating sa sinasabi niyang SM Fairview kung saan siya malapet.

First ever monthsary namin kasi, tapos siya pa yung kaunaunahang babaeng nagpatibok ng puso ko, kaya dapat super memorable ang first monthsary ko, namen. Ilang linggo ko ring pinagtiyagaan na ligawan siya, at sa huli, napa-oo ko naman.

Ang sarap ng feeling na mahal ka rin ng mahal mo. Kahit na yung simpleng "I love you" lang, napapainit yung dibdib mo, tapos umiikot ikot yung tiyan mo sa sibrang saya, na may halong kaba at excitement.

"Ohh mga SM jan oh" Sabi ni manong. Tumingin ako sa labas kung nasaan na yung SM.

Nakita ko agad sa side na inuupan ko, nakisabay na ako sa mga taong bumababa rin at nagpunta na sa entrance.

Parang lagi namang ganito ang entrance sa kahit anong mga SM eh. Nangangapa lang, pero yung hindi thorough, yung tamad na nangangapa.

Yung, hahawakan lang yung tiyan mo at likod mo, tapos pasok ka na, paano kung may bomba ka sa gilid ng pantalon mo diba? Eh di hindi na nakita yun.

Pinakita ko rin yung laman ng bag ko, nung binuksan ko, kinuha ng lalake yung stick niya tapos tinapik lang yung regalo tapos wala na. Yun na yun. Paano kung nasa ilalim naman ng bag ko yung bomba diba?

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon