Sa Jollibee Sa Mall

1.2K 10 0
                                    

Beaflor

Bilang isang tao, marami na tayong nagawang mali sa buhay.

Hindi ka tao kung hindi ka pa nagkakamali, dahil walang perpektong tao, kasi kahit genius, nagkakamali yan.

Logical naman hindi ba? Talagang nagkakamali ang tao, it's in our nature, it's in our blood, nakasanayan na natin yan. Ang ginagawa lang natin habang tayo'y nabubuhay ay nililimit natin ang ating pagkakamali.

Bawasan ang maling sagot sa exams para pumasa, mag practice ng mag practice para mabawasan ang pagkakamali, aralin ang report para mabawasan ang maling masasabi.

Nasa nature narin natin ang mga yan, na bawasan ang pagkakamali na maaaring mangyari.

Dahil natututo tayo, dahil ayaw na nating magkamali pa, pero magkakamali at magkakamali ka parin, so walang takas, ganun talaga ang buhay.

We fall, but we learn, then we fall again, but not for the same thing twice. Unless magpapakatanga ka para sa parehas na bagay. Well, di ko na alam kung bakit gusto mo pang gawin yun.

Pagandahin nalang natin ang ating buhay hanggang sa makakaya natin.

Approve?

Nandito ako sa Jollibee sa SM Fairview ngayon, sa labas ng store nila, nakaupo, nakatunganga, nakatitig sa kung saan man ang maaabot ng aking paningin.

Naghihintay, nagpapalipas ng oras.

Paano kung hindi nagkakamali ang tao?

Magandang tanong yan, paano kaya? Siguro magkakagulo din ang mga paligid.

O hindi kaya'y magiging maayos ang lahat?

Kasi, hindi mo parin masasabing balanse ang lahat eh.

Kung hindi nagkakamali ang mga kriminal, eh di mataas ang crime rate, pero kung hindi rin nagkakamali ang mga pulis, bababa ba ang crime rate? Eh paano kung yung kriminal pala ay pulis din, diba? Eh di hindi na siya nahuli.

Krimen palang ang pinaguusapan, mukhang magkakanda leche leche na ang buhay natin. Paano pa kaya kung sa business side ang pinagusapan, o ang ekonomiya, what more kung sa mga halalan na yan, ay nako.

"Here's your order ma'am, enjoy your meal po" Inabot ni kuya yung order ko at kinuha na niya yung number 56 na nakapatong kanina sa table ko.

Extra large fries, coke, at jolly hotdog. Favorite meryenda ko tuwing pauwi na ako galing school.

Ay, oo nga pala, ako si Beaflor, pero tawag nila sakin Bea, parang Bea Alonzo lang. 2nd year college, BS Accountancy.

At kung tinanong mo na sa sarili mo ito,, sasabihin ko na ang sagot, kung nahulaan mo man, tama ka, magisa lang ako.

I don't mind. Pero what if diba? Paano kung may kasama ako? Siguro hindi ako ngayon mukhang tanga dito sa labas ng Jollibee habang kumakain ng frenchfries mag-isa at nakikita ng daan daang taong naglalakbay at nilalagpasan ako papunta sa kani kanilang mga destinasyon dito sa SM.

Hindi ko alam kung baket pero naging tradisyon ko na ito eh, ang kumain magisa tuwing hapon bago umuwi sa bahay, dito sa Jollibee sa SM Fairview, ayoko sa Jollibee sa labas ng mall, yung sa kanto ng Quirino Hi-way beside ng SM na ito.

Ayoko dun, konti lang yung pipol na palakad lakad, at walang libangan maliban sa kumain.

Mas gusto ko dito, maraming nakikitang tao, pwede mo silang panoorin, o lagyan ng dialogue yung mga sinasabi nila o iniisip nila, just to pass the time, minsan pa nga nanlalait ako, pero minsan lang, pag tinignan lang ako ng masama, mapalalake o mapa babae, pero kadalasan babae yan, kaso, medyo nakakahiya nga lang pag nakikita ka nilang kumakain ng mag-isa.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon