Surprise Sa Food Court

196 4 0
                                    

Katryn

Paano kung naging matapang ako? Paano kung naging matapang ako nung araw na yun?

Hindi naman natin alam talaga ang eksaktong mangyayari sa hinaharap natin hindi ba?

Walang accurate na fortune teller. Kahit halungkatin mo ang bawat sulok ng Pilipinas, I bet, walang super accurate na manghuhula kang makikita.

Yung tipo na, huhulaan ka niya ng, "makikita mo ang jowa mo na niloloko ka sa May 4, 2014, 4:18pm, Sunday, sa SM sa food court habang naglalakad ka papunta sa 2nd floor galing ng Cubao habang naka soot ka ng paborito mong t-shirt kasi swerte yan, at naka skinny jeans at black na doll shoes", yung ganyang ka accurate na hula, ay nako, kung makikita mo yang ganyang manghuhula, call me. Now na.

Magpapahula agad ako sa kaniya. Kahit mamulubi pa ako sa pera.

Naniniwala din ako sa salitang, "to know is to feel", or vice versa, basta, hindi ko maalala yung exact words, pero ang idea na gustong sabihin jan ay hindi mo mararamdaman ng tunay ang isang bagay hangga't hindi mo ito naranasan.

Iba kasi talaga pag nandoon ka na sa sitwasyon eh, kaysa nakikiramdam ka lang na alam mo yung sitwasyon.

Kaya kung hihingi ka ng advice, dun nalang sa may experience na. Mas malaki kasi ang chansa na matutulungan ka nun kasi naranasan na nya ang pinagdadaanan mo ngayon, kung sakali man, diba?

Mahirap kasi itong napasukan ko. Para na akong sinasakal ng tali sa aking leeg habang naka lambitin ang katawan ko na may tali sa leeg ko doon sa mga matataas na building sa Manila.

Mahirap ang proseso ng pag mo-move on. Never na naging madali ito. Lalo na kung mahal na mahal mo yung taong pinipilit mong makalimutan.

Ang hirap magalit sa taong mahal mo. Nagtatalo sila eh, yung mga emosyon mo. Pagmamahal. Galit. Kagustuhan. Inis. Hindi malaman kung sino ang mas matimbang, dahil sa ginawa niya sayo o dahil sa nangyari sa inyong dalawa.

Niloko niya ako eh. Yun yung nakakainis dun. Okay lang yung mga little white lies, na nagsisinungaling siya na may lakad siya kahit wala. Okay lang na mainis siya sakin, okay lang na mag away kami. Basta magkakabati sa huli.

Okay lang sakin yung mga yun. Pero eto? Parang hindi ko na kaya to eh. Sobra na to. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako? Or may pagkukulang ako? Or ano man.

Bakit ba? Ano bang problema ko? Kapos pa ba ang pagmamahal ko? Kapos ba na mahal ko siya?

Akala ko ba, love is the most powerful thing in the world? Yung mapapakilig ka, yung mapapasaya ka, yung mapapa inlove ka kapag naranasan mo 'to. Kasi mahal niyo ang isa't isa. Tulad ng isang scene ni Sam at ni Toni sa kalsada na nasa taas si Sam tapos si Toni nasa baba hawak hawak ni Sam.

Yung parang ganung kilig factor, yung ganung ka intense na sitwasyon niyo sa tuwing magkikita kayo, tapos hahalikan ka niya sa harap ng maraming tao. Ganun daw makapangyarihan ang pagibig.

"Daw"

Siguro hindi ako naging considerate. Dahil yung positive lang yung tinignan ko. So ibig sabihin may bad sides din ang pag-ibig?

Ito ba yun? Kaya niyang magbigay ng sakit sa iyong dibdib, na kahit tiisin mo, kikirot at kikirot parin ito. Na whether you like it or not hindi ito titigil basta basta.

Tanga. Yun siguro ang salitang makakapagdescribe sa akin ngayon. Tanga.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko eh. Tama bang lokohin ko ang sarili ko? Madali lang naman lokohin ang utak, pero ang puso?

Tanga nga diba?

Palakad kami ni Harvey sa mga kainan sa second floor, french baker, pizza hut, kfc, wendy's. Pero sa Jollibee, may isang babae akong napansin, isang babaeng mag-isang nakaupo sa silya sa labas ng Jollibee, kumakain siya pero wala lang, parang ang lungkot niyang tignan, napapansin kong tinitignan niya si Harvey.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum