Sa Jollibee Sa Mall 2

247 4 0
                                    

Marie

Paano kung may perfect boyfriend ka? At nasa harapan mo na? Tatanggapin mo na ba? O magdududa muna?

Parang laging ganun naman ang nararamdaman ko kapag may kaharap ako na poging lalaki eh. Gusto kong mag go. Bakit ganun?

Basta pogi, ang assumption natin ay perfect agad.

Wala bang benefit of doubt?

Naaalala ko pa.

Memoryado ko ang lahat eh. Yung sakit na naramdaman ko. Yung pait na naranasan ko. Yung hirap na pinagdaanan ko.

Parang fresh parin, kahit na matagal na yun. Ilang buwan narin ang nakakalipas. Pero.

It feels like it was just yesterday.

Alam mo yung feeling na iniwan ka? But not for the reason you think? Diba napapahiya ka kapag sinabi mo yung assumption mo, tapos iba pala ang dahilan kung bakit ka niya iiwan? Diba?

Tapos, yung iba pa jan, gusto nila tama sila. Kaya kahit hindi tama ang assumption niya na yun ang dahilan ng pag be-break nila, gusto nila tama yun.

Period.

Case closed.

Pero.

Hindi ako eh. Iba ako. Kaya ang nangyari nun, hindi ko sinabi ang assumption ko. Kasi worst case scenario ang nasa utak ko. Akala ko pinagpalit na niya ako.

Hindi pala. Well, pinagpalit in a sense, pero hindi niya yun magagawa. Diba nga sabi nila sa law.

"An act against my will is not my act"

Yun pala yung dahilan.

Pero yung sakit, yung pait, at hirap. Dinanas ko. Dahil akala ko tama ang assumption ko.

Parang she's dating the gangster lang yung buhay namen, except, wala akong sakit.

Ganito kasi.

First love ko kasi si Ken. Ayan.

Matindi nga naman ang mga first love, and most of the time, first relationships don't work out.

Swerte mo pag nag work, dahil hindi ka na maghihirap pa, hindi ka magluluksa, magluluho, wala. Working things out nalang kayo ng jowa mo.

Pero para sa mga naiwanan, nasaktan, nasugatan. Ayan, marami tayo jan. Isa na ako dun.

Biktima lang din ako. Parang people of the Philippines vs rapist who shall not be named.

Diba ganiyan na ang rapist cases ngayon? Pwede nang magdemanda kahit sino, hindi lang yung na-rape?

Ah hinde?

Anyway, ang point ko ay...

Pinagdaanan ko yan eh, yung sakit ng mga na broken hearted. Yun kasi yung nangyari samin ni Ken.

So ngayon isama mo pa yung parang eksena sa she's dating the gangster.

Ken left his ex (kasi ayaw na ni girl), Ken loves me now, Ken's ex has cancer (hindi ko na siya tinanong kung anong type dahil late nalang din niyang nalaman), then Ken lies to me and says, "may mahal na akong iba", yun pala babalikan niya yung ex niya kasi pinakiusapan siyang mahalin muna niya yung ex niya, hanggang sa makakaya niya, and the end.

Ayun.

Pero eto ang long story. (Author's note: naglagay po ako ng bonus part para kay Carla, doon niyo nalang po basahin yung kwento niya, thank you!)

Diba? Paano kung hindi naging sila no?

Paano kung, ako ang first love din ni Ken? Eh di siguro, hindi na dapat nangyari ang mga dapat na nangyari. Yung mga awayan, yung sakitan, yung sugatan.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Where stories live. Discover now