Bonus Part: Hospital

194 3 0
                                    

Carla

"Ayoko na mommy"

"Hindi anak, kaya mo pa"

"Hindi na ma, tama na po, wala naman na sa akin si Ken, wala na akong rason para mabuhay" Umiiyak na kaming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang kapalaran ko.

Naging masama ba akong tao sa kapwa ko?

O baka, may nagawa akong malaking kasalanan kaya ako pinalad ng ganito?

Paano kung wala akong sakit ngayon? Paano kung wala akong cancer? Paano kung magaling ako? Maligaya, malakas, energetic, at healthy?

Kami pa siguro ni Ken ngayon no?

Ewan ko ba.

"Matulog ka muna anak" Sabi ni mommy.

Hindi nalang ako kumibo at tinignan ang dextrose na nakakabit sa katawan ko.

Napabuntong hininga siya at umalis na habang pinupunas ang mga mata niya.

Hindi ko na kaya 'to. Ang makitang nasasaktan ang mga taong mahal ko.

Sinaktan at hiniwalayan ko na nga yung taong pinakamamahal ko para lang maging masaya siya, tapos ngayon pati magulang ko nasasaktan ko na.

Ang sakit sa loob eh. Alam kong I have to be strong for them pero, they are showing me more reasons to just give up than fight.

Sabagay, inevitable nga naman ang death.

Bakit mo pa patatagalin hindi ba?

Nagising na ako kinabukasan, may isang lalaking nakayuko sa bed side habang nakaupo sa monoblock.

Familiar yung buhok, familiar yung damit, familiar yung amoy.

Siya ba to? Or nananaginip lang ako?

"Ken?" Tawag ko. Hindi kumibo.

Hinawakan ko yung malambot niyang buhok. Kahit medyo panot siya, cute parin naman. Lalo na yung mga mata niya. Nako, kung hindi ka niya mahuhuli sa ngiti, baka sa tingin mahuli ka niya, kasi pag ngumingiti yan, sumisingkit yung mata niya.

Halatang sincere masyado yung pagka ngiti niya.

Kala mo pinagpapractice-an niya yung pagngiti.

Huminga yung lalaki ng malalim para bang kakagaling lang sa ilalim ng tubig ng pool at grabe kung maka hagilap ng hangin sa ilong. Baka masinghot pa ako.

"Carls, morning" Sabi niyang naka ngiti. Si Ken nga. Ang cute niya pala pag bagong gising. Nakaka inlove lalo. May isang luhang tumulo sa mata ko, pero hindi naman niya napansin kaya okay lang.

Ang hindi ko macontrol eh yung pagka-kaba ko dahil nandito siya.

Namiss ko yung boses niya, yung itsura niya, yung siya mismo. Namiss ko siya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Eh naka monitor 'to.

Eh di lalo akong namula nung marinig kong bumibilis yung pag beep sa monitor.

Too bad he's not mine anymore.

I heard na may bago siya? Good for him. Sana masaya silang dalawa. At sana napapasaya niya si Ken.

At hindi tulad ko na sinasaktan lang siya.

"Anong ginagawa mo dito" Sabi ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, alam mo namang hindi kita iiwan kahit may sakit ka pa o wala eh" yung nga yung ayaw ko eh. Ayaw kong umasa ka lang sa wala, sa isang timebomb na malapit nang sumabog, sa isang taong pawala na sa mundong ito.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Where stories live. Discover now