YNO#5

36.3K 537 13
                                    


SAM

•••




Natapos ang dinner na hindi ako talaga pinansin ni Brye. Ni isang tingin, wala akong nakuha mula sakanya. Mas ikinakainis ko pa ay iyong model na makakasama sa photoshoot bukas ang tanging pinapansin niya.


Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa nakabulagta ang dalawa sa harap ko. Parang walang tao sa paligid nila kung makapaglandian, at bakit ba kasi ako pumwesto sa harapan nila. Naghihimutok tuloy ako dito. Wala naman akko magawa kasi, sino ba naman ako? Baka lalong mainis si Brye sakin, eh bumabawi pa nga lang ako sakanya.


Pagkatapos ng dinner, bigla nalang umalis si Brye at kasama pa iyong model! Hindi ko alam kung saan sila pupunta kaya di ako mapakali at gusto ko silang sundan. Ayoko isipin ang pwede nilang gawin. Masakit. Sa ginagawa ni Brye, iniisip ko kung dapat ko pa ba ipagpatuloy itong ginagawa ko na ipagsiksikan ang sarili ulit sa buhay nito.


I know, wala akong karapatan. Na ako din nagdala nitong sakit na ito sa sarili ko, pero minsan naiisip ko na sana hindi naman ganitong paraan ako bawian ni Brye. Kasi kung ibabalik ako sa nakaraan, wala akong babaguhin sa ginawa ko. Dahil alam ko na para kay Brye din iyong ginawa ko.


Wala din naman ako nagawa nang magpasama ang ibang staff sakin maglibot sa resort, pero hindi naman matagal iyon at bumalik narin kami kagad sa tinutuluyan namin. Sa sobrang stressed ko sa kakaisip, naisipan kong bumalik na lang sa suite ko. Nag-stay lang ako dun sa veranda na tanaw ang dagat. Rinig na rinig ko ang alon and it relaxed me.

Hindi naman nagtagal ay nakaramdam ako ng antok kaya napagdesisyunan kong matulog na lang habang iniisip kung ano kaya ginawa ni Brye at nung model.


Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Kaya kahit nakapikit ay sinagot ko pa rin.



"Hello?"


"Hoy Sam! Aba mahal na prinsesa, bumangon ka na at may good news ako sayo!"


Inilayo ko sa tenga ang phone dahil sa lakas ng boses ni Dino. "I'm awake. What's the good news? Nalunod sa dagat yung model na kasama ni Brye?" 


"What? No! Ano ka ba? Mamaya ko na sasabihin, but get your ass here sa may seashore malapit sa mga windmills kasi start na ng shooting ng TVC ni Brye. You need to be here since you're the winner afterall." he said.


"What for? Para makita kong naglalandian sila Brye at yung model? Ayoko nga! Call me when it's finished then I'll come." I said with irritation.



"No honey, it's either you're here or I won't tell the good news. Ikaw rin, makakatulong pa naman ito sainyo ni Brye."



Wala naman siya choice kaya tumayo na siya at nagsimula na mag-ayos. "Okay, I'll just take a shower then expect me in less than twenty minutes. Nako Dino ha! Make sure that good news is gonna work or I'll make you a straight man myself!"


I ended the call without letting Dino protest. I immediately went to the shower, lahat ng parte ng katawan ko sinigurado kong nasabon at sinigurado kong mabango ang shampoo na ginamit ko. Watermelon scent ang shampoo ko and conditioner. Brye's favorite scent of me.


Your Number One [Editing]Where stories live. Discover now