YNO#2

53K 753 18
                                    


BRYE

•••

"Hello Brye, how are you?"


I want to laugh so hard. Suddenly I had the urge to show off to this girl who I am now. Ilang beses ko bang inisip ang pagkakataon na magkikita ulit kami ni Sam? Ilang beses ko din ba ipaulit-ulit isipin ang gagawin ko sa oras na makita ko ang ex ko?


Tinignan ko si Dino na walang bahid na pang-aasar sa mukha. Nagsalubong ang titig naming at nagkibit-balikat ito na para bang sinasabi na wala din itong alam sa nangyayari. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.


"Hi," I lazily answered and didn't looked at her again.


I took a seat and act as everything is normal. Tanging si Dino lang ang nakakaramdam ng tension sa paligid dahil ito lang naman ang may kilala talaga sa babaeng nasa harapan ko. Ang babaeng binaon ko sa limot apat na taon ng nakakaraan.


Maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga waiters upang pagsilbihan kami. Daldalan ang ibang staff habang kaming tatlo nila Dino at Sam ay tahimik lang na kumakain. Pero bigla namang nagpaalam ang lahat ng staff na mauuna na dahil may gagawin pa daw silang trabaho kaya naiwan kaming tatlo. Naisip ko tuloy na parang nananadya lang ang pagkakataon.


"So.." basag ni Dino sa katahimikan. "..ikaw ang addition sa team namin. May contact number mo naman kami so I'll let my secretary text or call you for the additional details."


"Okay!" tugon ni Sam na halata naman pinapasigla lang ang boses.


Mas lalong naging awkward matapos nun dahil wala na muli nagsailita hanggang sa may lumapit na staff nila at tinawag si Dino.


"Sir Dino.." tawag ng isang staff rito.


"Yes?" sagot niya.


"Pinapatawag po kayo ng manager ng hotel tungkol sa event mamaya."


"Okay, excuse me guys."


Naiwan kami ni Sam. Great. Hindi sinasadyang napatingin ako rito. Nagulat ito pero ngumiti ito ng pagkalaki-laki sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Bahala siya diyan.

••••

SAM

••••

Sobrang tahimik talaga. Halos mabingi na nga ako kasi walang nagsasalita saamin ni Brye. Huh! Asa pa ako diba? Asa pa ako na kakausapin ako ng lalaking nasaktan ko ng sobra. Bakit pa kasi ako asa ng asa? Alam ko naman na mahirap pero hindi naman ako susuko agad. Malaki ang naging kasalanan ko kay Brye at handa akong gawin ang lahat para lang mapatawad niya ako.


"So, how are you Brye?" tanong ko sakanya, pero bigo ako dahil wala akong sagot na nakuha mula sakanya. He is busy with his food na hindi naman niya kinakain. Nilalaro lang.

Your Number One [Editing]Where stories live. Discover now