Chapter 5

145 8 1
                                    


Dalawang linggo na kaming magkakaibigan ng mga Choi at nagsimula na ang klase nung Lunes. Wala namang naging problema. Lagi nila akong pinapasundo sa driver nila para kausapin ako at bantayan na rin.

Nang sabihin ko kasinvlg may kapangyarihan din ako ay talagang nagtanong sila nang nagtanong ng mga detalye na kung paano at bakit ako nagkaroon nv kapangyarihan. Sinabi ko namang dahil siguro sa tatay na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.

"Ano ba kasing sinusulat mo diyan, Summer?"

Kanina pa kasi siya sulat nang sulat dun sa notebook niya.

Sa dalawang linggo ko na silang kasama magkapatid may mga bagay din akong nalaman tungkol sa kanila. Si Autumn mahilig kumanta, ang ganda nga ng boses niya. Si Summer naman, mahilig magsulat ng kung ano-ano, lalo na dun sa notebook na lagi niyang dala.

"Wala lang." sagot niya. Sus. Lagi namang wala lang eh.

Di ko na lang siya uli pinansin. Nakita ko namang papalapit si Autumn sa amin. Nasa may bench kasi kami malapit sa mga puno dito sa campus.

"Tumayo na kayo diyan. Tapos na ang practice ng chorale kaya makakauwi na tayo!"

Kasali nga pala sa chorale ng Stellar Academy 'tong si Autumn. May magaganap kasing event next week dito para ipakilala ang mga clubs ng school para dun sa mga wala pang clubs at sa mga gustong lumipat.

Si Autumn, sa Stellar Academy Chorale, isa siya sa mga pinakamagaling dun. Si Summer naman, sa Tales and Feature Club, siya lang naman ang EIC dun at laging nanalo ang mga entry niya. Kaya wala na talagang nakapagtataka kung bakit sikat silang dalawa dito sa Stellar.

Ako? Dahil sa pag-iwas ng mga tao sa akin mas pinili kong 'wag ng sumali sa kahit anong club.

"Balita ko wala ka pang club, Ryuu?" tanong sa akin ni Summ habang naglalakad kami paunta sa kotse nila, pupunta kasi ako sa bahay nila.

"Oo eh, bakit?"

"Anong bakit? Hindi ka ba nanghihinayang at wala ka man lang social life? Gosh! Para mo namang sinabing gusto mong tumandang dalaga!" Eksaheradang sabi naman ni Autumn. Kahit kailan talaga palagi na lang siyang ganyan.

"Ang exaggerated mo naman, Autumn. Di ba nga may kapangyarihan ako? Akala ko kasi ako lang ng iba dito kaya naisipann kong 'wag nang sumali sa kahit ano. Mabuti nga at hindi ako nawawala sa first section eh," pagpapaliwanag ko.

Lahat kasi ng mga kaklase namin ay may mga clubs na simula first year o second year. Ako lang ang wala sa paniniwalang ako lang ang may kapagyarihan dito.

"Hindi ako exaggerated ano! Ang saakin lang, try mo namang sumama sa kahit isa this year since last year mo na 'to sa Stellar." Paliwanag niya, tumango naman si Summer.

"Oo nga naman, Ryuu. Tama naman itong si Autumn. Oo nga pala! Meron daw bagong club na ila-launch ang school this school year. Sali tayo!" Excited na sabi ni Summer.

"Pwede ba ang doble ang club?" tanong ko. Paano ba naman may club na sila eh.

"Pwede naman. Ayaw mo ba nun, kasama mo kami sa club?" Nakalabing sabi ni Autumn. Kahit kelan talaga ang isip-bata nito.

"Hindi naman. Hahaha. 'Wag ka ngang lumabi diyan mukha kang bibe." Natatawa kong sabi sa kanya. Inirapan niya naman ako.

"Anong club daw pala 'yon, Summer?" Hindi ko pa kasi alam yung club, baka mamaya sayaw-sayaw yun o kaya arte-arte kagaya ng ibang club dito. Naku! Wala na talaga akong sasalihan.

"Di ko alam eh.Secret pa daw muna sabi ng faculty. Yung bagong teacher kasi ang gumawa." Napatango naman kami ni Autumn.

Bakit kailangan pang isikreto? Ganoon na ba yun kaganda?

***

Dumiretso kami sa bahay nila dahil magpapaturo ako sa isang subject namin kay Summer. Naabutan kong naglalaro si Spring sa tapat ng bahay nila, bitbit niya yung itim na rabbit stuffed toy na palaging nasa tabi niya.

Pumasok naman kami sa loob at napangiti ako nang masilayan ko ang loob ng bahay nila na naging saksi kung paano naging totoo ang pagkakaibigan namin na nagsimula sa pagbabantay sa akin. It was a proof that even people with extraordinary ability can become friends. Extraordinary friends.

"Yes, I have an elemental ability,"

Napatanga lang silang dalawa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. I feel like riding a roller coaster full emotions. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero nasabi ko na eh, kailangan ko nang panindigan.

Natatakot din ako na ewan. Natatakot ako kasi kung kailan may mga kaibigan na ako tsaka pa sila pwedeng mawala sa akin. Pumikit ako nang mariin. Magkakaibigan ba talaga kaming ituturing eh nandito sila para bantayan ako?

"What ability do you have?" Napamulat ako ng mata nang magsalita si Summer. She was the first to recover from the shock. Hindi siya nakatingin sa akin. Nagsusulat lang siya. Huminga ako nang malalim.

"Fire, I guess," sabi ko, hindi sigurado. Yun lang kasi ang naiisip ko since hindi ako napapaso sa apoy, gumaling rin ang sugat ko noong bata ako at ang matindi pa, yung nanyari nakaraang dalawang linggo.

"Hindi ka sigurado?" Tanong naman ni Autumn. Tumango lang ako. Kumunot ang noo niya sabay tanong uli.

"How come? Paanong hindi ka sigurado?" Ikinwento ko ang pagtatangkang pagpatay saakin ng nanay ko, pati na rin ang nangyari noong enrollment. Nakinig lang sila. I felt relief dahil hindi nila ako hinusgahan pagkatapos. After all, parehas lang naman kami ng kalagayan.

Akala ko hindi sila maniniwala pero laking gulat ko nang yakapin nila akong dalawa pagkatapos kong magkwento.

"Manang Celia, juice please!" Sigaw ni Autumn kay manang. Umakyat na kami papunta sa kwarto ni Summer dahil nga kailangan ko ng tulong sa isang subject.

Nilapag ko yung bag ko sa kama nila dahil nagbibihis pa sa banyo si Summer. Tumuloy naman si Autumn sa kwarto niya para makapagbihis din ata.  Maya-maya may tatlong baso na ng orange juice sa study table ni Summer, kumuha ako ng isa at pumunta sa may bintana.

Nakita ko si Spring na naglalaro sa bakuran nila. Hanggang ngayon bitbit pa rin niya yung itim na ravbit stuffed toy. Umiinom ako ng juice habang pinagmamasdan siya.

Umupo siya sa damuhan at inilagay ang stuffed toy sa harap niya. Ganun na lang ang gulat ko nang umangat ang stuffed toy ng hindi niya hinahawakan at sumayaw ito sa ere. Tumayo na rin si Spring at nagsimula na ring sumayaw.

"Bakit tulala ka diyan?" Nilingon ko si Summer na nakapambahay na at tinuro ang labas ng bintana. Sinilip naman niya at nanlaki ang mata niya.

"Oh my God. Lumabas na ang kapangyarihan niya," maya-maya tinawag niya si Spring kaya't napalingon ito sa amin at bumagsak sa damuhan ang laruan niya.

Lumabas kami ni Summer ng kwarto niya at nakasalubong namin si Autumn na mukhang papunta sa kwarto ni Summer. Sabay namin siyang hinatak ni Autumn pababa. Naabutan namin si Manang Celia na abala sa paglilinis sa sala.

"Manang, pakidala po dito si Spring," utos dito ni Summer. Lumabas naman si Manang at sa isang iglap lang nandito na silang dalawa sa harap namin.

Umalis na si Manang at natungo sa kusina. Yumuko naman si Summer para magpantay sila ni Spring.

"Spring, pwede mo bang gawin ulit yung ginawa mo kanina?" Mahinanong tanong niya dito. Tiningnan naman siya ni Spring na parang nagtatanong.

"What, Ate?" Tanong nito sabay balik ng tingin sa hawak na laruin na kani-kanina lang ay pinasasayaw niya.

"I want to see your bunny dance. Can you do it for me?" Pakiusap sa kanya ni Summer. Binigyan naman niya ito ng malapad na ngiti bago tumango.

Tinaas niya ang laruan niya at maya-maya nagsasayaw na naman ito sa ere. Napatanga na lang kaming tatlo. Napakapit pa si Autumn sa balikat ko na parang hindi talaga makapaniwala sa nakitang ginawa ng bunsong kapatid.

☆☆☆

Edited/Revised version

05/03/15

Ignis || HiatusWhere stories live. Discover now