Chapter 4

160 9 2
                                    


Hindi pa ako umalis, sinabi ko kasing kailangan kong malaman ang tungkol sa mga kapangyarihan nila. Gusto kong malaman kung bakit sila nagkaroon ng kapangyarihan. Malay ko namang ganun din pala ang dahilan kung bakit may kapangyarihan din ako.

"Kailangan ba talaga naming sabihin sa iyo? Baka mamaya ibenta mo lang ang mga impormasyon na yan," hindi ata mawawala sa magkapatid na 'to ang magtaas ng kilay kapag nagtatanong.

"Bakit ko naman ibebenta? Isa pa, kayo na rin ang nagsabing magkakaibigan na tayo. Friends share their secrets," sabi ko naman. Ano naman kasing makukuha ko kung ibebenta ko yun, di ba? Edi parang suicide din yun kasi balak ko ring sabihin na may kapangyarihan ako.

"May point ka diyan. Sige, sasabihin namin kung paano kami nagkaroon ng kapangyarihan. Kaso next time nalang dahil maraming tao dito," sabi sa akin ni Summer. Tumango lang si Autumn.

Nagvibrate naman yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Tumatawag pala si kuya. Tinaas ko yung phone ko para malaman nilang may tumatawag. Tumango naman si Summer at nag-okay sign si Autumn. Hindi na rin ako tumayo, wala naman akong tinatago.

"Hello, kuya?" Sagot ko.

|Ryuu! Hindi kita masusundo ngayon, ah?|

"Bakit?!" Anong hindi niya ako masusundo? Wala akong pamasahe pauwi sa bahay. Cellphone at sarili ko lang ang dala ko.

|Eh. He-he. Tawagan mo na lag si mommy para ipasundo ka sa driver. May lakad kasi talaga ako ngayon. Sige, babye!|

Pinatay na niya yung tawag. Son of cookies! Ano ba naman yun?! Muntik ko nang ibato yung cellphone ko, paano ko tatawagan si mommy eh wala naman akong load?!

"What's wrong, red hair?" Tanong sa akin ni Autumn. Naweweirdohan siguro sila sa kinikilos ko. Hihiram na lag siguro akong phone sa kanila.

"May load ka ba? Pwedeng patawag? Hindi kasi ako masusundo ng kuya ko tapos hindi ko macocontact si mommy wala akong load." Tanong ko sa kanya. Okay lang yan, friends naman kami eh.

"Meron akong load pero hindi kita patatawagin," nakangiting sabi niya sa akin. Eh? Kumunot tuloy yung noo ko.

"Ano ka ba?! Pwede ka naman naming isabay sa sasakyan namin. Pero huwag ka munang umuwi. Punta ka muna sa bahay namin para malaman mo yung mga sagot sa tanong mo." Sabi niya. Tumango na lang ako.

Nauna nang tumayo si Summer at naglakad palayo. Sumunod naman kami ni Autumn. Kwento naman nang kwento 'tong katabi ko. Na paborito daw nilag dalawa ang ice cream at may allergy siya sa hipon tapos si Summer sa balat ng manok.

"Ikaw? Wala ka bang gustong ishare sa akin? Friends na tayo eh," pagtatanong niya. Habang nagkekwento kasi siya nakikinig lang ako.      Sasabihin ko na sanang may kapangyarihan ako nang mabasa si Autumn.

"Ang kupad niyo namang dalawa! Dalian niyo maglakad!" Sigaw sa amin ni Summer. Binato niya siguro ng tubig si Autumn. Nainis naman ata 'tong katabi ko.

"Bwisit talaga 'tong babaeng 'to!" Bulong niya. Maya-maya, inihip ng hangin yung palda ni Summer, dahilan para umangat yun at makita ang short niya na may design na rabbit. Haha.

"Hoy, bunny girl! Sinong mabagal?!" Pang-aasar ni Autumn. Baliw yata 'tong magkapatid na ito. Mabuti na lang at walang nakakita ng mga pinaggagawa nila.

Akmang babatuhin ulit siya ni Summer ng tubig nang inawat ko na sila. Hinila ko na lang si Autumn papunta sa sasakyan nila. Masama pa rin yung mga tingin na binibigay nila sa isa't-isa. Natawa naman ako sa kanila kaya pareho nila akong inirapan. They're twins, indeed.

Pinagbuksan kami ng sasakyan ng driver nila. Nauna nang pumasok si Summer, pinauna naman ako ni Autumn. Nilagay talaga ata nila ako sa gitna.

Antahimik nilang dalawa. Hindi talaga nagpapansinan. Si Summer may sinusulat sa notebook niyang itim. Si Autumn may nakapasak na earphones sa tenga, nakikinig ng music sa iPod niya.

Ignis || HiatusWhere stories live. Discover now