Chapter 9

103 6 3
                                    

Libraria

Nakatayo kami ngayon sa harap ng library ng campo. Ang sabi ni Master kailangan raw naming malaman kung bakit nga ba kami nandito. Sa madaling salita, kailangan naming malaman kung ano ang nakasaad sa propesiya.

Tumunog ang bell pagkatulak ni Sir Comet ng pinto. Pumasok agad siya sa loob at sumunod naman kami agad.

"Nandito pa kaya si Ysha?" Narinig kong sabi ni Summer. Ysha? Lumingon naman ako sa kanya.

"Sino yun?" Tanong ko. Kaibigan siguro nila nung dito pa sila nakatira.

"Kung tama ang pagkakabasa ko sa isip mo, ang masasabi ko lang ay kaibigan nga nila ako."

"Ysha!" Tapos biglang tumakbo papalapit sina Summer at Autumn dun sa nagsalita at niyakap ito.

Hindi ganoong katangkaran ang babae, tama lang rin ang kulay nito, may buhok na sa tingin ko ay hanggang bewang, bilugan ang mukha na may magandang mata. May suot itong salamin at may hawak na libro na sa tingin ko ay may ilang taon na ang tanda.

"Kamusta na? Bakit manang ka pa rin ngayon?" Tanong dito ni Autumn, tumawa lang ng mahina si Ysha.

"Hindi ko kailangang mag-ayos masyado, nandito lang naman ako sa campo eh." Sagot nito sa malumanay na boses. Napaatras ako ng kaunti nang tumingin ito sa akin.

"Ikaw si Fina, tama ba? Sana matulungan mo kaming masupil ang kasamaang pwedeng sumakop sa mundo." Lumapit ito sa akin at bigla akong hinawakan sa braso, sabay pikit ng mga mata nito.

"'Wag kang matakot. Alam kong maninibago ka talaga dito sa campo, pero sana hindi mo kami biguin. Hayaan mo't mamaya sasabihin ko sa inyo ang propesiya." Inalis na niya ang pagkakahawak niya sa akin at dumilat.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Lahat ng iyon ay ang mga iniisip ko habang hawak niya ako. Na natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Na naninibago ako sa mga pangyayari dito sa Elementum. At higit sa lahat, na gusto ko nang malaman kung ano ba talaga ang nakasaad sa propesiya.

"Para pormal na magpakilala sa iyo, ako nga pala si Ysha Hubilla, ang tagapamahala ng libraria. Kasing-edad niyo lang ako. Kung kayo, ang kapangyarihan ng apat na elemento ang nasa sa inyo, kaya ko namang basahin ang isip ng mga tao. Common lang naman ang kapangyarihan ko since kaya ng mga masters na bumasa ng isip." Tumigil siya saglit at pumunta sa tapat ng isa sa mga bookshelves.

"Pero aside dun, mas malinaw kong mababasa ang isip kung hahawakan ko ang taong yun," kumuha siya ng isang libro sa shelf at ipinalit dito yung librong hawak niya kanina.

Nagulat ako nang biglang nalaglag ng sabay-sabay yung tatlong libro sa may kanan nung pinagkuhaan niya at parang naging opening yun ng isang compartment. Lumapit dun si Ysha at may kinuhang isang libro sa loob.

Unlike the other books in the library, may mga gintong linings yung librong kinuha ni Ysha. Medyo may kalakihan din ito sa iba pang mga libro. Nilapag niya ito sa isang lamesa at sumenyas na lumapit kami sa kanya.

Pagkalapit namin, binuklat niya yung libro sa pahina kung saan nandun ang isang balahibo ng ibon. Laking gulat ko naman nang makitang walang kasulat-sulat yung libro.

"p'eur"

Pagkasabi nun ni Ysha biglang lumiwanag yung paligid ng libro. Lumakas rin ang hangin at bigla na lang nagkakaroon ng sulat yung pahina ng libro, pero hindi ko maintindihan. Makikita mo ring may mga illustrations dun na parang mga symbols at meron ring parang mga pangyayari. Hindi lang yung pahinang binuklat niya yung nagkakaroon ng sulat, dahil sa hangin, lumilipat yung pahina at bawat pahinang madadaanan ay biglang magkakaroon ng laman.

Ignis || Hiatusحيث تعيش القصص. اكتشف الآن