Red: Glimpse of the Past

213 10 1
                                    

My mom despises me because of my hair. She even tried to kill me. Nakakatawa.

Ang sabi niya nakuha ko daw yun sa tatay ko. Na kaya kinamumuhian niya ako kasi bunga daw ako ng isang bangungot. Poor me.

Hindi ko alam kung bakit pula tong buhok ko. Siguro nga namana ko sa tatay ko. Inborn to eh. Ibig sabihin ba ganun din siya? Weird.

"Walang hiya kang bata ka! Dapat pinapatay ka eh! Abnormal!"

Nilubog niya yung ulo ko sa lababong puno ng tubig. Hindi ako makahinga. Bumabara sa ilong ko yung tubig.

Inangat niya na yung ulo ko.

"Ano?! Lalabas ka pa ng bahay?! Ha?!"

"H-hindi na p-po. S-s-sorry p-po m-mama."

I don't wanna remember those days. Yung mga pagkakataong sinubukan niya akong patayin. Lalo na yung kung ano pa yung binalak niya sa akin, yun pa yung nangyari sa kanya.

Kinakadkad niya ako papunta sa kusina. Nahuli na naman niya akong naglalaro sa labas.

"Matigas talaga ang bungo mo ha?! Lumabas ka pa rin talaga ng bahay eh no?!"

Tinulak niya ako paupo sa sahig. Tumama yung ulo ko sa may kanto ng lamesa. Ang sakit.

Nakita kong kumuha siya ng tali sa may aparador sa may gilid. Pati lighter at gasul. Kinakabahan na ako. Iyak lang ako ng iyak habang hawak yung ulo kong nagdudugo.

"M-mama! Wag po! Di na po ako lalabas!"

Sigaw ko habang tinatali niya ako sa may upuan.

"Hindi ka na talaga makakalabas! Dahil makukulong ka na ditong abo."

Sabi niya sabay buhos sa akin ng gasul. Tama na, mama.

Kinuha niya yung lighter at sinindihan. Iyak lang ako nang iyak.

"Paalam na, Ryuu Fina."

Tinapat na niya sa akin yung lighter pero hindi man lang yun nagging dahilan para masunog ako.

Nanlaki naman ang mata niya at tinapat ulit sa akin. Nilapat pa nga niya sa braso ko ngunit walang nangyari.

Iyak lang ako ng iyak. Nagulat na lang ako nang kumuha ng gasul si Mama at binuhos sa sarili niya. At ang mas kinalaki ng mga mata ko at ang pagsindi niya sa lighter dahilan para lumiyab siya.

"MAMA!"

Nanigas ako. Nakita ko na lang na umaapoy na yung paligid. Kumalat yung apoy. Pero wala akong naramdaman.

Isa lang ang alam ko, gumagaling yung sugat ko sa ulo.

Ignis || HiatusWhere stories live. Discover now