Chapter 3

167 8 2
                                    

Umupo ako sa isa sa mga bench na malapit sa parking lot. Nanginginig pa rin ako. Hihintayin ko na lang si Kuya dito. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina.

Marami-rami naman yung mga nakatambay na mga estudyante dito. Mga tapos nang mag-enroll at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Hay. Kung andito lang sana si Dy. Dy is my best friend. Nag-transfer siya sa ibang school last year for some reason na ayaw niyang sabihin sa akin.

Nakita kong nakaupo samay di kalayuang bench yung kambal na Choi. Nagbabasa si Summer habang si Autumn naman ay parang nakikinig sa iPod niya.

Tinitigan ko lang silang dalawa. Wala din naman akong ibang ginagawa. Kung titingnan mo sila para silang mga waleng pake sa mundong ginagawan nila.

Nakita kong napaangat ang tingin ni Summer mula sa libro na binabasa niya papunta sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Baka akalain niya isa ako sa mga fans nila dito sa academy.

Tumayo silang dalawa. Mas matangkad ng kaunti si Autumn kay Summer. Halos parehas ang features nila, except sa mas chinky ang mata ni Summer at maikli ang buhok ni Autumn.

Ewan ko pero sinundan ko sila. Para ngang bigla na rin akong tumayo at sumunod sa kanila, instinct kumbaga.

Dumaan sila sa maraming tao kaya medyo napalayo na talaga ako. Aalis na sana ako may humawak sa braso at tumakip sa bibig ko. Kinakadkad ako may sulok ng field malapit sa locker room.

"Sino ka at bakit mo kami sinusundan?"

Sabi ng isang boses matapos akong itulak sa may pader. Sina Autumn at Summer.

"Ha?" Tanong ko nang mawala ag pagkakatakip nila sa bibig ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. Lumunok muna ako bago sumagot.

"Ryuu Fina Reyes. Class IV-A." Sabi ko sa kanila. Tumikhim naman si Autumn at nagsalita.

"Oh. The famous red haired girl. Anong pakay mo? Gusto mo autograph?" At tumawa ito ng pagak. Napairap naman ako. Ang hangin talaga.

Tinapik siya ni Summer sa tiyan. Buti nga. Humarap sa akin si Summer at ngumiti, nakita ko namang tumaas angmkilay ni Autumn sa ginawa niya.

"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong nito sa akin. Wala na ang ngiti sa mukha nito, napalitang ng seryosong ekspresyon. Nag-shrug lang ako. Hindi ko din naman kasi alam.

Dumilim ang ekspresyon nito pati na rin si Autumn. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang may bola ng tubig sa kamay ni Summer. Napatingin si Autumn sa tinitingnan ko at nanlaki rin ang mata.

"Kumalma ka. Summer!" Kinakalma niya ito. How can she do that? Hindi lang ba ako ang may kapangyarihan dito?

Para namang nahimasmasan si Summer at nawala ang bola ng tubig sa kamay nito. Huminga ito ng malalim at saka tumingin ng diretso sa mata ko.

"M-may kapangyarihan ka?" Nanginginig kong tanong. Hindi pa rin makapaniwala sa nakita ng dalawa kong mata kani-kanina lang.

"Hindi pa ba halata?" At umirap siya bago ibinalik ang tingin sa akin. Napakahot tempered naman nito.

"Tutal alam mo na namang may kapangyarihan ako bakit di ko na rin sabihing pati itong peste kong kakambal ay meron." At tiningnan niya si Autumn na halata sa mukha ang pagkagulat sa sinabi ng kapatid.

"What the fuck, Summer?!" Sigaw niya dito. Inirapan lang siya ni Summer. Bumaling ulit sa akin si Summer.

"Tumigil ka nga diyan. Dahil alam mo na rin namang may kapangyarihan kami, alam mo naman din sigurong kailangan naming bantayan ka at baka ipagkalat mo yung nalaman mo, hindi ba?" Tumango naman ako.

"Good. Buti nagkakaintindihan tayo. Ngayon," kinakabahan naman ako sa sinasabi niya kaya't napalunok ako,"kailangang maging kaibigan mo kami. Yun lang naman ang pinakamadaling paraan para mabantayan ka." Sabi niya sa akin.

"Isa pa, para din hindi magmukhang kaduda-duda o kahina-hinala sa iba at hindi nila mahalatang binabantayan ka namin, red hair," patuloy ni Autumn sa sinasabi niya.

"Teka lang ha?" Pigil ko sa kanila. Hindi ko kasi kaya yung mga pinagsasabi nilang dalawa. Tumaas naman yung kilay nila sa sinabi ko. Sabi na eh.

"Hindi naman sa ayaw ko kayong maging kaibigan, pero hindi ba mukhang kahina-hinala kung makikita nilang naging magkaibigan tayo ngayong taon kung sa loob ng tatlong taon nating pagiging magkakaklase ay hindi tayo nagpapansinan?" Sabi ko. Lalo namag tumaas kilay nila. Bumuntong-hininga ako.

"Baka mamaya sabihan ako ng kung ano-ano ng mga fans niyo sa academy lalo pa't sikat kayong dalawa?" Ako naman ang nagtaas ng kilay. Pumameywang naman si Autumn sa akin kaya automatic na bumababa yung kilay ko.

"Red hair, sikat ka din hindi mo lang alam." Sabi niya sa akin. Oh, talaga? "Kung iniisip mo naman yung mga sasabihin ng iba edi sabihin nating nag-click labg tayo bigla. Kailangan ba simula't sapul magkaibigan na agad tayo? At saka bakit mo naman kasi talaga iisipin at iintindihin ang mga sinasabi nila?"

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Tama siya. Bakit ko ba kasi iniisip yun?

"So, friends?" Tanong sa akin ni Autumn. Tumango ako.

"Friends."

☆☆☆
Edited /Revised version

04/15/14

Ignis || HiatusWhere stories live. Discover now