Ang set-up namin araw-araw, siya ang daldalera at ako naman, nakatulala lang. Madalas lang akong nakadungaw sa bintana dahil katabi ko lang naman ito. Maganda ang view sa labas dahil kitang-kita ko ang quadrangle ng school, pero nasisira ang moment dahil sa boses ni Railey. Kung hindi pa niya kailangang lunukin ang pagkaing nasa bibig niya, hindi siya tatahimik. Her attitude makes her different among our classmates. If there's a chance that I'll have a friend, it's gonna be her, though I'll need some time to adjust. Kailangan kong masanay sa boses niyang parang hindi na mawawala sa pandinig ko.

Kinuha ko ang isa pang bottled coffee sa bag ko at ininom 'yon habang nakadungaw pa rin sa bintana, kasabay ng pagdaldal ng katabi kong daldalera. Ang kasalukuyan niyang ikinukuwento ay ang pagsagot ko sa tanong ni Mrs. Rodriguez kanina. Akala kasi niya ay hindi ako nakikinig sa klase niya kaya ako ang tinawag para sumagot. Well, totoo naman, hindi ako nakikinig, pero nabasa ko na ang topic namin kanina sa Biology kaya hindi na ako nakinig. Gano'n lang naman 'yon. During class, you only have the right to float your mind in the air if and only if you already know what they're discussing. That's what I believe, at least.

Isa ang paniniwala kong 'yan sa dahilan kung bakit madalas akong mabiktima ng stereotyping. Maraming nakakakilala sa akin bilang nerdy introvert na masama ang ugali-what the heck? Ang hirap sa mga tao ngayon, nauuna silang manghusga kaysa alamin ang katotohanan. Wala naman silang alam pero ang dami nilang nasasabi tungkol sa 'kin. They don't even feed me, yet they're the ones who seem to know everything, when in fact they've only seen the tip of the iceberg.

Mukha lang akong walang pakialam, pero alam ko kung paano ako tingnan ng ibang tao. Siguro, dahil na rin sa ugali ko. Hindi ko naman itatanggi na mukha akong unapproachable. Naikuwento pa nga sa akin ni Railey minsan na may iba raw kaming classmates na ayaw akong maka-group, dahil baka English-in ko lang daw sila at husgahan dahil "matalino" ako. Tinawanan ko lang 'yon noong narinig ko. Another stereotype: Matalino ka kung marunong kang mag-English. Isa pa sigurong dahilan ang pananaw at mga sagot ko sa philosophy class namin. Ako kasi ang madalas tawagin ni Mr. Castillo dahil gustong-gusto raw niyang naririnig ang mga sagot ko-ang mga opinion at say ko sa mga topic.

"Hoy, naintindihan mo ba ang mga pinagsasasabi ko rito?" Naramdaman kong may tumapik sa aking pisngi kaya napapitlag ako. Nawala sa isip ko na recess pala namin kaya katabi ko na naman siya.

Napalingon akong bigla sa kanan ko at natagpuan kong nakatitig lang sa akin si Railey, mukhang naaasar dahil hindi ko na naman pinakinggan ang chika niya. Pero hindi naman lahat, dahil may napakinggan naman ako kahit papaano.

"Nakikinig ako, hindi lang ako nakaharap sa 'yo," sabi ko na lang at hindi pa rin siya gaanong pinapansin. Sana tumunog na ang bell.

"Tse! Sa pagtunganga mong 'yan, hindi malabong ang lalim na naman ng iniisip mo. Ano ba'ng iniisip mo, ha? May imaginary friend ka ba dahil annoying ako?" may halong pang-aasar niyang balik sa akin, at talagang may diin sa salitang "annoying."

Nag-i-imagine ako na mayroong zombie apocalypse sa campus natin, at ikaw ang una kong ipakakagat. "Wala nga akong iniisip-" Napapikit ako nang bahagya sa tuwa dahil narinig kong tumunog na ang bell, hudyat na makakalaya na ako mula sa kadaldalan niya.

Nang nakaupo na ang lahat, saktong bumukas ang pinto ng kuwarto at agad naming nakita si Sir Marco-ang teacher namin sa Contemporary Arts.

Tumayo kaming lahat dahil 'yon na ang nakagawian namin kapag siya ang teacher namin. "Good morning, sir."

"Good morning, class," pagbati niya sa amin bago maupo. "You may take your seats."

One thing about him that I like the most is that we don't fight. Natatawa na lang nga ako kapag naiisip ko ang ilang beses kong pakikipagtalo sa mga teacher namin. Hindi naman ako against sa kanila, it's just that hindi nila gusto ang ugali ko at hindi ko alam kung bakit. I guess that's what makes them pissed off sometimes-or frequently, I must say. Naiiba kasi ako sa mga kaklase ko.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now