Prologue

15.1K 561 257
                                    

I'm in the urge of losing hope. I'm starting to lose this fight and I was about to give up. But then, I saw you.

"Ethan! Dito!" Rinig kong sigaw ni Cyrus mula sa isa sa loob ng kwarto na nire-raid namin na abandonadong building.

Abandonado pero ginawang hide out ng mga terorista tapos nang malaman na ire-raid namin sila ay inabandona ulit ang building dahil agad silang tumakas.

Ang dami nilang nagsitakbuhan nang isa-isa kaming pumasok sa building. Walang kuryente at sobrang dilim, ang mga ilaw na naroon lang ay nang-gagaling sa mga sniper rifles na hawak namin at handang pumutok kung sakaling may manlaban.

Nag-lakad ako papunta sa kung saang silid iyon. Sinundan ko lang ang boses ni Cyrus. Halos mabingi ako nang may biglang pumutok na bala galing sa malapit lang sa likuran ko.

Mabuti at bobo ang nagpa-putok kaya sala ang tama ng bala at hindi ako ang natamaan. Kung natamaan ako no'n ay sa batok ko iyon tatama at patay agad ako no'n.

Mabilis kong itinutok sa kanya ang hawak kong baril at agad ipinaputok iyon sa kaliwang balikat niya.

Pagkatapos no'n ay hinayaan ko na siya. Mabubuhay pa naman siguro 'yon. Hindi naman kasi talaga ako pumapatay ng tao. Terorista man o hindi. Lagi ay sa bandang braso, balikat, o binti lang ang pinapatamaan ko at isang putok lang 'yon.
Gusto ko kasi na mabuhay pa sila, at sana ay mag bagong buhay na kung mabibigyan man ng pagkakataon.

Natanaw ko si Cyrus sa loob ng isang silid. Pinasok ko ang silid at nakita na may iilan pang naiwan na mga babaeng terorista. May iilan pang mga bata ang naroon din. Hindi na siguro nakatakbo pa kaya naiwan na rito.

Nagkatinginan kami ni Cyrus.

"Posasan mo lang." Sinabi ko kay Cyrus at tumango naman siya agad.

Agad niya rin kinuha ang mga posas na dala niya at isa-isang pinosas ang mga naiwan na terorista.

Nag hintay akong matapos siya sa ginagawa at nang natapos ay bumaling siya sa akin.

"Nasaan na 'yong iba?" Tanong niya, tinutukoy ang mga kasamahan namin.

"Napahiwalay tayo sa kanila. Dalian na natin at para maka-alis na tayo rito. Hindi natin alam baka marami pa silang kasama, dadalawa lang tayo." Sagot ko at napatawa siya.

Kumunot ang noo ko at tinanong siya, "Bakit?"

"Si LTC. Ethan Kendrick Saldivar, natatakot sa mga terorista?" Pang-aasar niya at agad ko naman siyang binatukan.

"Aray! Ang sakit no'n!" Inis niyang sambit at hinimas nang kaunti ang parte ng ulo na sinapok ko.

"Sino ang takot? Ako?" Pagmamayabang ko. "Hindi ako natatakot. Ayaw ko lang na mamatay rito sa abandonadong building na 'to tapos ikaw pa ang kasama." Ako naman ang nang-asar sa kaniya.

"Alam mo, pasalamat ka at mas mataas ang rango mo sa akin. Kung hindi ay kanina pa kita ginulpi." Ani Cyrus at napatawa ako.

"Kahit naman mas mataas ang rango mo sa akin, hindi mo pa rin ako kaya." Ngisi ko sa kaniya.

Inis na inis naman ang mokong.

Nag-seryoso ako, "Kung mamamatay man ako, gusto ko sa gitna ng malaking giyera, at iyong alam kong naka laban ako nang husto para sa ipinaglalaban natin. Hindi ganito. Hindi rito."

"Alam ko naman 'yon. Nag bibiro lang ako." Ani Cyrus at nag-seryoso na rin.

"Alam mo, para kang hindi sundalo. Ang daldal mo, para kang babae." Sinabi ko para mapagaan ang atmosphere dahil masyadong mabigat.

Necklace of Hope (Military Series #1)Where stories live. Discover now