"Kumuha lang kayo, huwag kayong magpagutom" si Reign.
Nandito na sila ngayon sa bahay ng tita ni Reign na hindi naman masyadong malayo mula sa sementeryo; and the good thing is katabi lang nito ang isang maliit na gas station.
"Nakalimutan ko nga palang magpakilala. Aleth Reign De Jesus but you can call me Reign" pagpapakilala nito sa kanila na siyang tinugon naman ng kanilang mga kasama at nagpakilala na rin.
"My conscience is killing me" saad ni Ezekiel na nag-aalinlangang kainin ang kaniyang pagkain.
Napailing naman si Maxi "Di naman siguro tayo susundan ni Aleng Regina no?" Nababahalang tanong nito.
Si Niño naman ay kanina pa nakayuko habang kumakian, nahihiya talaga siya sa pinaggagawa ng ate niya kanina.
"Kumain na kayo, ako na ang magsasabi kay Reign mamaya" Si Aleah.
"Kailangan mo na talagang magkumpisal Reggie, baka di ka papasukin ni San Pendro sa langit" sambit ni Dheo habang sumusubo ng Caldereta.
"Aba nakapagsalita ang nakakatatlong plato na" Sumbat pa ni Reggie at nagsimula na namang magbangayan ang dalawa.
Nang magpalaam si Aleah sa mga kaibigan para hanapin si Reign ay doon niya natanaw ang dalaga sa likod ng bahay at nakaupo sa isang de-kahoy na silyang nakaharap sa isang puno ng mangga na may duyan sa sanga.
"Would you mind if I sit right next to you?" Tanong niya. Bumaling ito sa kaniya at umiling.
"How lucky you are to have a place like this. It's so calm. It's peaceful" wala sa sariling sabi ni Aleah habang inililibot ang tingin sa paligid.
There was a garden full of orchids and other colorful flowers. May malaki pang puno ng mangga that brings shade to where they are sitting. It's a beautiful place indeed. How she wish she had a place like this in Manila.
"Kaya nga ito ang paborito naming lugar ni mama. We usually had our picnic here" tugon ni Reign, while reminiscing the memories with her mother.
"Growing up, I just wanted to have a happy family. Kahit simple lang ang buhay ay ayos lang. Wala na akong hihilingin pa. Mas gugustuhin ko pang maglaro kami ng habulan, magbahay-bahayan at makinig sa ibat iba niyang kwento habang nakatingila sa kalangitan at inaabot ang mga bituin. How I wish I didnt grow up, how I wish to be just her little girl... her princess for life" salaysay ni Reign habang di namamalayan na tumutulo na pala ang kaniyang luha.
"Maswerte ka nga, you have spent your time with your mother" si Aleah, habang pinagmamasadan ang ngayo'y mga paru-parong bumibisita sa hardin.
"Bakit? Nasaan na pala ang nanay mo?"
"Wala na siya. She died when she undergone labor. Meanwhile, my father left us before I was given birth, kaya lumaki ako kasama ang lola and tita ko. Lola had also left, kaya ngayon... I'm living alone in my condo at Manila, but I always visit my tita whenever I'm free " sabay baling niya sa katabi as she flash a sweet smile bago ibinaling ulit ang tingin sa harap.
"Dati, I always ask myself how it feels like to have a mother... and a father. Dati nalulungkot talaga ako pag iniimbita ako ng tita Valerie ko tuwing may celebrasyon sa bahay nila. But they didn't treat me differently. They treated me as if I was their daughter as well... lalo na ang mamu Blessy ko" Salaysay niya.
Kaya malapit siya sa kaniyang Mamu Blessy because she really treats her as if she was indeed her daughter. Kaya ngayong kailangan ng kanilang mamu ang tulong nila. Ay handa siyang isakripsyo lahat para lang makita at maligtas ito.
"Mukhang pareho pala tayo. Iniwan na rin ako ng tatay ko bago pa ako pinanganak at nakikitira lang din kami sa tita ko" tugon pa ni Reign at sabay namutawi sa kanilang mga labi ang munti nilang tawanan.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 7
Start from the beginning
