"BENEDICTO! BAKIT MO KAMI INIWAN!" Naghihisteryang drama ni Reggie habang nagpapaakay kay Niño na ngayon ay nakayuko at nahihiya sa ginagawa ng kaniyang ate.
Sina Ezekiel at Maxi naman ay nakatalikod at inilalayo ang tingin sa kahihiyan. Hindi kinikilala ang kaibigang naghihisterya ng iyak.
Si Aleah naman ay nasa gilid lang ni Niño, suot-suot ang kaniyang aviator glasses habang nakatakip ang kanang kamay sa mukha.
Samantalang si Dheo naman ay pasimpleng kinukuhanan ng larawan si Reggie. Magagamit niya kasi 'yon sa birthday nito sa susunod na buwan.
"Benidicto...ang sakit... bakit mo kami iniwan?" si Reggie. Napapatingin naman ang ilan sa mga dumalo ng libing sa kanila at tila naguguluhan sa nangyayari.
"Sinong Benidicto 'yang pinagsasabi ng babae?" Tanong nung matandang may dalang payong sa kaniyang katabi.
"Ewan, baka naligaw lang 'yan ng libing" tugon pa nito.
Hindi nalang inintindi ng dalawang babae ang ginagawang paghihisterya ni Reggie dahil pareho silang nagluluksa.
"Kasama niyo ba 'yang babae?" tanong ng isang matandang naka balabal na itim.
"Po? Di po. Di ko nga 'yan kilala eh" Pagtanggi ni Maxi.
Tumingala si Niño at iginala ang kaniyang tingin nang marinig niya ang pag-uusap ng kanilang katabi. Doon may nakita siyang isang malaking frame na may pangalang nakaimbeda.
'Regina De Jesus'
Napahimalad na lamang si Niño. Nagdadrama na nga, maling tao pa ang binabanggit.
"Ate, Regina ang pangalan niya hindi Benidicto" bulong ni Niño sa kaniyang ate.
"Ano? aherm...REGINA! BAKIT MO KAMI INIWAN!" paghagulgol ni Reggie.
Napailing na lang si Aleah at hindi na kinaya ang pinaggagawa ng kaniyang ate, kaya mas pinili na lamang niyang umalis sa tabi nina Niño at Reggie. Tinabihan na lamang niya ang isang babae na ngayon ay palihim na tumatangis malayo sa ginaganap na libing. She approached her and pat her back to console her.
"I'm sorry for your lost. You have my deepest sympathy. I'm sure she's now happy in paradise" sambit niya sa babae na ngayon ay lumingon sa kaniya na namumugto ang mga mata.
"T-thank you..." Aleah opened her arms and asked her if she wants a hug. Kaya hindi na lamang napigilan ng babae na mapayakap na lang din. She appeared younger than her, so it's like hugging a younger sister.
Hanggang sa matapos ang ginanap na libing, Aleah was with Reign the whole time. She was just watching over the distance kasi masakit daw sa kaniya kung makikita niya itong ilibing sa malapitan.
"She's my mother" sagot nito sa kaniyang tanong habang tinatanaw ang puntod nito na tinatambakan na ng lupa.
"Im sorry about what happened, my condolences" tipid na ngiti lamang ang ginawad nito at tahimik paring umiiyak sa malayo.
"Sumama kayo sa amin, doon na lamang kayo magtanghalian" suhestiyon ni Reign sa kanilang magkakaibigan. Habang tinuturo ang isang service sa labas ng sementeryo kung saan sila puwedeng sumakay.
Hindi naman mapigilan ni Reggie na mapangiti dahil 'yun talaga ang plano niya. Para may free meal daw tapos makakapunta pa sila sa kabisera at makakabili na ng pang gasolina.
"Hali na kayo" pagtawag sa kanila ni Reign.
Agad naman tumalima ang magkakaibigan at sumunod sa itinuro ni Reign. Napailing na lamang si Aleah. They are decieving other people, siguro sasabihin nalang niya mamaya kay Reign ang totoo, dahil nababagabag talaga siya sa kanilang ginawa.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 7
Start from the beginning
