"W-what happened? " tanong ni Aleah na bagong gising at tila walang kaide-ideya sa nangyayari.

Bago pa tumigil ang sasakyan sinugarado ni Dheo na maipuwesto niya iyon sa gilid ng kalsada na halos walang kabahay-bahay para hindi makaabala sa ibang dumadaang sasakyan.

Biglang bumaling si Reggie sa kanilang lahat, and she gave them her apologetic smile.

"Wala na tayong gas" anunsyo ni Reggie.

"Ano?! Diba nagpa-gas tayo sa San La Cresa?" Tanong ni Maxi.

"Oo pero di naman 'yon full tank. Sa Maynila kasi dapat tayo magpapa-gas ulit pero mukhang nakalimutan natin" sabay kamot ni Dheo sa kaniyang ulo.

"May malapit na gas station dito mga 16 km na lang ang layo nito mula rito" tugon ni Niño na ngayon ay tinitignan ang kinaroroonan ng sinasabi niyang gas station sa kaniyang cellphone.

"Ano?! 16 km?! Ang layo pa niyan, anong gagawin natin?" Tanong ni Dheo.

Nag-angat si Niño ng kaniyang ulo. Nagkatinginan silang lahat at tila alam na ang susunod na gagawin.

"Tulak niyo pa mga bes!" sigaw ni Reggie na siyang nanguna ngayon sa pagtutulak kasama sina Maxi, Niño, Ezekiel at Dheo. Si Aleah naman ang nagmamaneho ng van.

Halos mag-abot na ang sipon at pawis ni Dheo sa loob ng halos trenta minutong pagtutulak, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tanaw ang sinasabing Gas station ni Niño.

"M-malapit na..." humahangos na sambit ni Maxi. Na ngayon ay hinawi ang sleeves ng kaniyang t-shirt patungo sa kaniyang balikat dahilan para makita ang naglalakihang braso nito na ngayon ay pawisan.

Lumipat agad si Reggie sa tabi ni Maxi para asarin ulit ito.

"Bhie... wag kang masyadong mag-strong, nakakatukso yang biceps mo oh" bulong ni Reggie at pinisil pa ito, dahilan para titigan siya ng masama ni Maxi.

"Kalat mo talaga, Reggie" Pabulong nitong pag-awat sa ginagawang panghihipo ng kaibigan dahilan para tumawa lang si Reggie.

"Aba, ka aga-aga. Niño ang harot ng ate mo oh!" Sumbong pa ni Dheo kay Niño.

Agad pinandilatan ni Reggie si Dheo at aamba na sana itong papatulan ng pinagitnaan sila ni Niño

"Tss, tumigil nga kayo. Mga isip bata"

"Sa wakas!" sabay hilot ni Dheo sa kaniyang balikat at braso na ngayon ay nangangalay na kakatulak sa van ng halos isang oras. Subalit hanggang ngayon ay hindi parin nila iyon natatanaw. Kaya narito sila sa tapat ng isang maliit na sementeryo habang nagpapahinga sa lilim ng isang puno.

"Niño, tama ba 'yang mapa mo? Baka nililigaw tayo niyan ha" si Reggie. Napasandal naman sina Ezekiel, Maxi at Niño sa puno at nagpapahinga.

"Here, inom muna kayo ng tubig" sabay lahad ni Aleah ng isang malaking bote ng tubig sa kaniyang mga kaibigan.

It's already past nine in the morning at matirik na rin ang araw. Hanggang ngayon ay di pa nila nararating ang gas station na sinasabi ni Niño. Hindi rin sila nakakain ng agahan dahil sa wala naman silang nakikita na mga tindahan o anumang bahay na malapit sa lugar sa makalipas na isang oras nilang pagbabagtas sa daan.

"May pagkain ba tayong dala?" Tanong ni Maxi.

Umiling lang si Aleah, naghanap siya kanina pero naalala niya nag drive thru lang pala sila kagabi kaya sapat lang iyon para sa kanilang hapunan.

"Nagugutom na nga rin ako" sambit ni Niño habang nakatingala sa kaniyang ate na ngayon ay malalim ang iniisip habang may tinatanaw sa malayo.

Nang sinundan nila ito ng tingin may nakita silang kumpulan ng mga tao na nakasuot ng puti habang nakasunod sa isang sasakyan. Bigla itong nagngising aso at humarap sa kanila.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now