"OI, MISS pres, huwag ka masyadong kabahan," tatawa-tawang sabi ni Aaron pagkapasok namin sa suite ni Evankhell. Ako na ang nakaalalay sa kaibigan nito. Hindi naman ako nahihirapan dahil nakakatayo pa naman si Evankhell. Lupaypay pero nakakatayo.

"Sinasabi ko sayo, hindi pa kayo umaabot sa kama ay tulog na 'yan kaya huwag ka masyadong ma-disappoint a?" Ngumisi ito na nagpakulo ng dugo ko. "Kung siya nga ay hindi na nakakatayo 'yung alaga ni-Aray!"

Daing nito nang masipa ko ito sa binti. Napangiwi ito. "Sadista."

Saka lang ako tumuloy sa pag-aakay kay Evankhell nang makaalis na si Aaron at maisara na ang pinto ng suite.

I half-dragged him towards his bedroom. Napatigil ako sa aktong pagbababa sa kanya sa kama nang marinig ko ang mahinang ungol na nagmula sa lalamunan niya. Ginapangan ako ng kilabot sa katawan. Mukhang mas may tama pa yata ako kay sa lalaking 'to. Agad ko siyang binitawan na para bang napapaso ako sa paglalapat ng mga balat namin.

Lalayo na sana ako sa nakahiga niyang katawan nang bigla niya namang hawakan ang kamay ko. My eyes widened when he pulled me and I landed on top of him.

'Oh my God.' I silently muttered when he received all my weight. Lumunok ako at sinubukang igalaw ang hita ko para makatayo. Ngunit bigla naman nitong itinaas ang isa nitong hita dahilan para dumausdos ang hita ko payakap sa bewang niya.

I wanted to dead ass scream in panic. This is a very dangerous position to be in. My chest on his, pelvis aligned, and I swear I could feel a bulk between his legs.

Sinubukan ko ulit tumayo ngunit natigil ako nang dahan-dahang bumuka ang mga mata niya, kasabay niyon ang paggapang ng kamay niya pataas sa gilid ng labi ko.

Nanuyo ang lalamunan ko. "E-Eva-"

"Fuck you," he growled.

Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. What?!

"But I'm more fucked up for feeling this animal hunger whenever I lay my eyes on you."

My eyes widened when he bridged the gap between us, his arms tightening around my waist.

He pressed his lips against mine and my eyes widened a bit more when I felt his gentle bite on my lower lip. For a brief moment, I felt his tongue slipping inside my mouth.

Ngunit bago pa man ako makarecover sa pagkagulantang ay lumuwag na ang hawak niya sa bewang ko, hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw at bumagsak patihaya sa kama. Dead asleep.

I clutched my chest and bit my lower lip on the exact spot he did. Sinulyapan ko si Evankhell na patay na patay ang tulog sa kama niya. Mula sa gwapo nitong mukha ay bumaba ang tingin ko sa leeg nito. His necktie was askew and he looked...

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. My lips and cheeks feels warm. It wasn't even a proper kiss but it was my first. It made me painfully aware that I may be the most cool-headed person in the whole world but at the end of the day I'm just another young lady filled with raging growth hormones.

DATI na akong hirap sa pagtulog dahil sa lamig pero dumoble pa yata ang hirap ngayon dahil sa mga bagay na bumabagabag sa utak ko. Dinaig ko pa yata ang may insomnia.

Hindi ko alam kung anong oras ako dinalaw ng antok, ang alam ko lang ay nagising ako ng ala-syete ng umaga, masakit ang ulo at kulang sa tulog. Para akong nakalaklak ng isang case ng beer kagabi gayong nalunod lang naman sa kakaisip ang utak ko.

Kahit mabigat ang katawan ay pinilit kong gawin ang mga gawain ko. Pinagluto ko at inihanda na ang hapag para sa lalaking kung maaari'y ayaw ko munang makaharap.

I badly need to rest and I need to see my siblings. Linggo naman ngayon kaya baka, BAKA payagan ako ni Evankhell na umuwi samin.

Mag-aalas otso y medya na nang lumabas sa kwarto niya si Evankhell. Mamasa-masa pa ang buhok nito, halatang kakaligo lang.

He looked so fresh in a white tee and sweatpants while I, in comparison, looked like I've been run over by a bulldozer.

'But I'm more fucked up for feeling this animal hunger whenever I lay my eyes on you.'

Nakakabingi ang tambol ng dibdib ko nang maalala ang tagpong iyon kagabi. He had kissed me, had awaken desires that were both foreign and dangerous. I braved myself to look into his eyes and see if he remembered. Nothing.

"If you have time to admire my face then I hope you also had time to prepare my breakfast," he said, brows furrowed.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mukhang wala siyang naalala sa nangyari kagabi o mabubwisit dahil paanong ako lang ang nababaliw sa kakaisip ng tagpong 'yun?

They said that alcohol are powerful igniter of truth. Totoo ba ang mga sinabi ng lalaking 'to kagabi?

"Naging pipi ka na rin ba?" Iritado nitong tanong. Sumulyap ito sa kusina at nang makitang may nakahain na ay pumwesto na lamang.

Napabuga ako ng hangin. Tama lang din siguro na wala siyang maalala. What exactly am I expecting if he remembers, anyway? That act may yet be another one of his sick and cruel little games.

Was I expecting that there's something more behind that kiss? He was drunk! For God's sake! This attraction is muddling my mind. And I hope to keep it that way. Just mere physical attraction.

Humakbang ako palapit sa mesa niya. "Uh, sir Dee, linggo ngayon diba? Siguro naman pwede mo akong gawaran ng day off sa pang-aalalay mo sakin."

I flinched when he dropped the spoon on his plate.

"Talaga bang hindi mo matiis na bumalik sa dati mong gawain? Nangangati ka na ba talaga?" Gumuhit ang nang-iinsultong ngisi sa labi niya.

The blow of his words left me dumbfounded. "W-What?"

"Let's see. Limang linggo ka na din palang hindi nakakapagbenta ng aliw. Hindi mo ba matiis na hindi balikan ang dating gawi, huh?" There was an ugly look in his eyes. He was angry and so unreasonable.

Tama na. Sobra-sobra na. I could only handle so much shit.

I slapped him as hard as I could. Tigagal siyang napatayo habang hawak ang nasaktang pisngi.

"Pagbebenta ng aliw?" Pagak akong tumawa. "Sapat na ba ang kaalaman mo sa pagkatao ko para husgahan mo ako? Oo, nakita mo akong sumasayaw sa isang bar pero bukod doon ano pa bang alam mo? Wala kang alam kaya huwag kang umastang husgado!"

Umiling ako. Pigil na pigil ang ang nagbabadyang mga luha. "Tingin mo magbebenta ako ng aliw kaya ako humihingi ng day-off? Minsan ba ay naisip mo na may pamilya akong naghihintay na bumalik ako? You were so engulfed with your own drama that you seem to have forgotten that the people around you have a life of their own." Hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng lahat ng kinikimkim ko. "Just because I reminded you of your mother doesn't mean you could own the right to treat me like trash."

"Who told you that?" Nagtagis ang mga bagang nito.

Umiling lang ako. "You know what?" I raised my hand and dropped them hopelessly on my side. "I'm done. Do whatever you want, wala na akong pakialam. Ruin me, expel me, I don't care." Tumalikod na ako at matatag na naglakad papunta sa sala. Mag-iimpake na ako.

Napatigil ako at saglit na lumingon ulit sa nagdidilim na anyo ni Evankhell. "Siyanga pala. Sana naisip mo din na magkaiba kami ng dahilan ng nanay mo kung bakit namin ginawa ang nagawa namin. Kaya utang na loob, huwag mo kaming tignan sa parehong anggulo."

There. Finally, it's all out in the open.
It's all over.

-next chapter will be the very much anticipated POV of Evankhell 'Dimunyu' Hanford hshs. Keep updated!
-ACmiks

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now