Chapter 1

25 1 0
                                    


"Ches, ano kaba naman? Diba sinabi ko sayong umuwi ka ng maaga dahil may paguusapan tayo!?"

Ayan agad bumungad sakin pagpasok ko palang ng bahay, si mama na nakapamewang at nakataas ang kilay. Hindi ko nalang ito pinansin at dere deretsong umakyat sa kwarto 

"Ayan ka nanaman Chescka Lorraine huh! Kinakausap pa kita!"

Buntong hininga nalang akong naglakad papunta sa closet at nagpalit ng pang bahay

"Leslie! Tawagin muna nga yang kapatid mo at mukhang wala nanamang balak kumain yang batang yan!"

Yeah right ma. Naririnig kita

"Ma. Hayaan mo nalang si Chescka, baka pagod yun baba naman yan kung gugustuhin niya"

Ate leslie is the only person who understand my attitude, never in my ever existence she intruded my decision. Sadly nakatira na siya sa states at doon nagwowork. Dalawa lang kaming magkapatid. Ang ate leslie ay nakapagtapos na bilang fashion designer at doon siya sa ibang bansa nagtayo ng clothing line niya dahil mas kilala naman talaga sa states ang mga ganyan kesa dito sa pinas. While me? Nah. College student palang ako pero nagmomodel ako paminsan ng mga gawa ni ate kaya nakakabili ako ng mga luho ko isa pa si mama at papa may business sila sa probinsya kaya hindi naman talaga kami mahirap hindi rin mayaman. Sakto lang sa panlasa ng mga taong maluho kagaya ko.

"Hay nako leslie! Tawagin mo na ang kapatid mo at may sasabihin kami ng papa niyo!" Tsk.

Sa sobrang ingay ni mama hindi kuna kayang pagtiisan pa kaya bumaba nako, nakasalubong ko pa si ate na nakangiti sakin tanging tango lang an sinagot ko sakanya at nauna na sa dinning room kung nasaan ang parents ko. Si papa nagbabasa ng dyaryo habang si mama naman ay nakapamewang nanaman na nakatitig sakin habang papaupo ako

"Kamusta school Lorraine" papa ask me. And papa is the only person who i allowed to call me by that name i hated the most. I don't even know why

"Ok lang"

"Ok lang? Oh nagcut ka nanaman!?"

"Isipin mo kung anong gusto mo isipin"

sabay ang pagbaling ni ate at papa sakin habang si mama naman ay pinandilatan ako ng mata dahil sa naging sagot ko.

"Ikaw na bata ka talaga, hindi kuna alam gagawin ko sayo. Noong ate mo ang nagaaral hindi ako nakunsume!"

"Ma naman. Bata pa si chescka kaya hayaan mo siyang magenjoy"

"Nako leslie huh! Palagi mong kinakampihan yang kapatid mo kaya lumalaking sutil"

Hindi ko pinansin lahat ng sinasabi ni mama. What for? Wala namang use kung magpapaliwanag ako, hindi din naman kasi siya maniniwala

"Franchescka tama na yan, kumain na muna tayo"

Nanahimik na si mama ng magsalita si papa, kaya natapos ang gabihan ng wala ng ingay ang ina ko. Aalis na sana ako ng paupuin ako ulit ni papa

"May paguusapan pa tayo"

"Oo at ikaw na bata ka, wag kang kokontra kung ayaw mong kurutin ko singit mo" turo sakin ni mama

Umirap nalang ako at tahimik na nakikinig saknila

"Kailangan naming bumalik sa probinsya leslie dahil nagkakaproblema daw ngayon doon, tutal babalik kana sa biyernes sa states, kami naman ay byabyahe nadin"

"Ahh oo nga papa, nakausap ko din si tita yannie at nasabi niya na sakin yung about dyan, pero paano si chescka dito?"

"Ano pa? Edi isasama namin yan"

Lost Soul (Your Eyes Tell 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon