CXXXVIII

7 3 0
                                    

Sa kay tagal ng panahon, tayo'y biglang nabuo,
Ang sabi mo, "Ngayon at kailanman, ikaw at ako."
Tila nagliwanag ang pira-pirasong abo,
Ang sabi mo, "Nagbalik-ningning ang patay kong puso."
Ngunit sa isang iglap, matatamis na ngiti't masasayang alaala unti-unting naglalaho,
Ang sabi mo, "Hindi ko na alam kung saan na 'to patutungo."
Dating tingin na nababalot ng kasiyahan pawang napalitan ng luhang hindi natutuyo,
Ang sabi mo, "Mas maiging humanap ka ng ibang lubos na nararapat sa'yo."
Hindi ko inasahang darating na pala tayo sa punto,
Na sasabihin mong, "Tama na... ihinto na natin 'to."
Nawala na parang bula ang mga inialay na pangako,
Nang sabihin mong, "Ayoko na, hanggang dito na lamang tayo."
Ngunit sa huli, tanging nasambit ko'y, "Pa'no 'ko makakahanap ng bago;
Kung magpahanggang ngayon at sa kailanman, ikaw pa rin ang tanging hinahangad ko?"

Sad WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon