CXXXV

15 4 0
                                    

Apat na Mukha ng Pag-ibig

Pusong tumitibok,
Pusong 'di magkandatuto sa paggagalugod.
Hindi lamang sa iisa nakalaan,
Hindi lamang iisa ang tanging laman.
Marahil ang ila'y nagsasasabi,
"Sana'y sa iba na lamang itinabi."
Ngunit ito'y hindi nawawasak, 'di napapagod,
Pag-ibig nito'y patuloy na umaagos.
Hindi lamang para sa'yo,
Hindi lamang sa usaping "ikaw at ako".
Nariyan ang para sa pamilya, ating kanlungan,
Para sa bansa, ating inang bayan.
Ito'y umiikot, kahit kanino man,
Maging sa Diyos, ating punong sandigan.

Sad WhispersWhere stories live. Discover now