Chapter 21

98.1K 3K 493
                                    

Melissa

"Na set-up ko na 'yong mga gamit natin sa venue ng event ni President Julian," Walter said.

"Okay, you know the game plan. As usual, makikihalubilo tayo sa mga tao to better see sino 'yong mga pwedeng umatake sa presidente, first lady at sino mang parte ng pamilya."

I heard her voice again. Parang tila bibangungot pa rin ako. Papalakad ako papuntang kitchen area.

"Here Summer ay este Captain Rome. I-try mo itong banana bread na ito, ipinagbake kita, I mean kayo ng team mo," Ferdie said.

Pumasok ako at sabay-sabay naman silang nagtayuan. Tama lang, matuto silang gumalang. Ako ang first lady ng bansa, dapat alam na nila iyon.

Maigi kong tinitigan 'yong Rome dahil mula sa boses at mukha ay parehas na parehas sila ng namayapang si Summer.

"Good Morning, My Lady." Sabay sabay nilang pagbati including Rome.

"Good morning, Ace Team." Magiliw na pagbati ko sa kanila. "At ease, bakit dito kayo kumakain ng breakfast sa kitchen, may dining hall tayo."

"We prefer po na rito na lang dahil mostly naman po sa amin ay hindi naghi-heavy breakfast," sagot sa' kin nung Draven.

"I just wanna thank you all for doing this for us." I smiled at them at umupo ako sa harapan ni Rome. Nakatingin lang siya sa banana bread nung una tapos ay nagsimula ng kumain ito. "Hi, Rome."

"Captain Rome," she corrected me. "We are not just your normal PSG, my lady." Nagpagpag siya ng kamay at tumingin sa' kin ng diretso.

'Yong tingin n'ya ay nagdulot ng kaba sa' kin. Her stares are full of authority na kahit ako ay hindi komportable. Ano bang meron sa babaeng ito?

"I see. I'm sorry, Captain," sagot ko. Why did I apologize?

"I'm just kidding," sabi n'ya at tumawa ng bahagya kasama ang team n'ya. "You can call us by our first or last name, whatever works for you."

"Nawalan na ako ng ganang mag-almusal kaya I'll just wake Pam. Kumain ka lang dyan, Rome ha." Ferdie said. Sinadya kong iharang ng bahagya ang sarili ko sa daraanan n'ya. "Excuse me, kagalang-galang naming first lady." Nag-smirk ako sa kanya kahit pa may sarkasmo sa tono n'ya.

Lumabas na siya ng kitchen. Bumaling ako sa team.

"Sorry about that, they are kinda fanatic doon kay Summer."

"It's alright, my lady," sagot ni Zeiya.

"You do know by now who Summer is, right?" tanong ko.

"Yes, I did a research about her. Siya ang long time wife ng Presidente pero ang sabi raw sa chismis inagawan siya ng kapatid n'ya ng asawa," Walter said that to me in a straight face habang kumakain ng tinapay. "What?" tanong n'ya at tila wala siyang kaalam-alam sa sinasabi n'ya pero nagkibit-balikat ito ng walang sumagot sa kanya.

"Pasensya na po, my lady." Yuki said.

"Why?" Walter still asked.

Napipikon na ko sa kanila. I wanna kick them all out. Makita ko pa lang sila ay naiirita na ako!

"Siya 'yong kapatid ni Madam President," bulong ni Yuki rito.

Madam President?! They still call her that? Namatay na nga at lahat nasa kanya pa rin ang titulong matagal ko ng gustong makuha.

"Really?" Walter surprisingly asked.

Ininom ni Rome ng isang diretso ang tubig at mabilis iyong binagsak.

THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon