Chapter 7

114K 3.8K 734
                                    

Summer

Lumulutang pa ata ang utak ko at hindi na ko nagulat ng hubarin ni Julian ang coat n'ya then he put it on me. He looked at me straight in the eyes at kahit na pagod na pagod na ko ay nagkaroon ako ng lakas.

The way those green eyes looks at me, parang katulad pa rin ng dati. 'Yong mga mata n'ya parang tulad pa rin ng damdamin ko sa kanya. Walang pinagbago.

Doon ko lang narealize na nagkakagulo na pala ang reporters sa labas at lahat sila gusto makasilip kung anong nangyari rito sa loob pero maraming PSG kaya hindi sila basta basta makapasok.

"Take her, ensure her safety," sabi ni Julian na mabilis namang tinanguan ng chief of security n'ya.

"Julian," pagtawag ko sa kanya. Despite everything that happened between the two of us, I still wanna say thank you pero tila napipi ako kaya nag-decide akong maglakad na.

"Go home, Summer, take a rest and we will talk soon." 'Yon lang ang sinabi ni Julian habang magkatalikuran kami.

Talk soon?

Malapit na kami sa kami sa backdoor ng may biglang pumasok dito.

It's Melissa and she is really shocked to see me. Tiningnan n'ya ako mula paa hanggang ulo hanggang sa bumagsak ang mataray n'yang tingin sa coat na nakabalot sa' kin.

Napakaingay rin dito sa loob dahil rinig na rinig mo ang ingay sa labas.

"Summer, you are such a disaster!" Akmang susugod siya ng mabilis na hinarang at inikot ng isang babaeng security ang kamay n'ya sa likod n'ya. She shouted in pain. "Let go of me! Don't you know who I am!"

"I am so sorry Ms. Melissa pero base sa protocol namin. Sunod sa presidente, Si Ms. Summer na ang pinakaimportanteng taong dapat naming protektahan kaninuman."

"What are you saying?!" Inis na inis na ang mukha ni Melissa.

"Protocol #**** we must ensure the safety of the First Lady of the Philippines and that is no other than Mrs. Summer Grayson," sabi nito at binitawan na si Melissa na tila natulala pa sa' kin ng ilang segundo.

"Wala akong time makipagtitigan sayo, uuwi na ako." Bored kong sabi rito at nilampasan siya.

"Hindi ka talaga titigil hanggat di mo nakukuha ang lahat sa' kin no?" Mahina pero inis na inis n'yang sabi, napahinto ako.

Napangisi ako at bumalik ng ilang hakbang.

Lumapit ako sa tenga n'ya at bumulong.

"Inagaw mo rin naman si Julian 'di ba? Karapatan ko pa rin naman sigurong bawiin ang asawa ko?" sabi ko and then I chuckled. Nanginginig sa galit n'ya kong nilingon "See you, Unnie," sabi ko at naglakad na.

Wala naman talaga akong balak gawin 'yon no! Inasar ko lang talaga siya dahil ako nga ilang taon ng bwisit sa mukha n'yang pakalat-kalat, hindi naman ako makapagreklamo.

Hinatid ako ng mga PSG ni Julian that night sa condo. We used some secret passage and exit para hindi ako makita ng mga reporters.

***

It's been a week after nang incident na iyon. Hindi ko alam paano nilinis ni Julian ang issue na bigla na lang iyong nag-evaporate. Hindi na rin producer ng TOP si Francis. Hindi ko alam kung nasaan siya at wala akong pake, dapat talaga kinasuhan ko iyon.

I decided to jog dahil bored na bored ako at marami akong nakain nung lumabas kami ni Primo kagabi, dinala n'ya ko sa isang Italian restaurant.

Pabalik na ko ng condo ko ng makita ko ang kumpol ng media peeps sa entrance. Hindi naman na ito bago sa' kin, hindi lang naman ako ang artista sa unit na ito, kaya naglakas loob akong pumasok.

THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now