"So are you saying na walang kahit na anong chance na siya si Summer?" I asked.

"Sadly, Mr. President. I am really sorry."

I sighed. Even the blood type didn't match. Summer and I have the same blood type.

"Thank you, Ryan," I told him. Tumango ito at lumabas na.

Halos dalawang oras ko pa ring pinaggugulan ang mga files ni Rome at sa bawat pahinang inililipat ko ay nari-realize ko kung gaano sila magkalayong dalawa.

She is not Summer.

"Hindi siya ang asawa mo, Julian," I told myself. Isinarado ko na 'yong folder at itinago iyon sa drawer ko.

I had stuff to do, marami akong inasikaso kaya naman when I stood up and saw that it is past 2 AM ay hindi na ako nagulat. Tulog na marahil ang karamihan sa palacio.

Lumabas ako and decided to head to the east balcony.

Wala na ang Ace Team sa kusina.

Papunta na ako sa balcony ng makita ko ang pigura ng taong nagbabantay doon kaya napatitig ako sa kanya.

Rome is sitting quietly in the balcony.

"Hey pabos, can you check on the west side gate," she said.

I know she is talking to her team. They are using their own communication system built by Walter.

"Did you see anything down there, Zeiya?" saglit siyang huminto as if listening to the response from Zeiya. "Keep me updated," she added.

Habang tinitingnan ko siya ay mas lalong lumulungkot ang pakiramdam ko. She looks like Summer pero magkaibang tao sila.

"How long do you plan to stare at me?" Nagulat pa ko ng lumingon ito sa' kin.

I tried my best to smile at her. Lumapit ako sa kinaroroonan n'ya. Hindi ganoon kalapit pero enough para makita ang detalya ng mukha n'ya gamit ang liwanag ng buwan.

"Why are you here? Madilim dito?" I asked her.

"That's the point. I asked your staff to turn off the lights in here," She said.

"Why?"

Bumaba siya sa pagkakaupo at tila may sinisilip sa ibaba.

"This balcony is the closest to your room," she said at tinuro n'ya ang kwarto ko. "Yes, you can have people guard this area pero kung maliwanag kung nasaan sila. Madali silang makikita ng kahit sino. But if you close the lights like what I am doing, I can see everything from here without them seeing me."

"How did you know na riyan ang kwarto ko?" I asked.

Halos magsalubong ang kilay n'ya at dahan-dahang lumapit sa' kin.

"Sa dami ng sinabi ko, ang tanong mo sa' kin ay paano ko nalaman nasaan ang kwarto mo? Paano ka nga ulit naging presidente?" May pang-iinsulto doon pero she just smirked. "Well I hate to break the bad news to you, Mr. President but it looks like everyone knows where you are sleeping."

"What?"

"When I say everyone, meaning 'yong mga taong nasa loob ng palacio at mga hindi nararapat na makapasok dito!"

"Yaaaaaaaaaa!" Nagulat ako ng makarinig ako ng sigaw na tila papasugod sa akin mula sa likuran pero mas nagulat ako ng mabilis akong hilahin paatras ni Rome at mabilis na nilagay sa likod n'ya.

"Let's see what you got," sabi ni Rome rito at mabilis na sinipa 'yong lalaki sa kaniyang ulo.

Sinugod siya nito ng may hawak itong patalim na dapat gagamitin n'ya para saksa' kin ako. Mabilis na naiiwasan ni Rome ang mga indayog nito ng saksak.

"Alam mo, nauubos na 'yong pasensya ko sa 'yo eh." Sa isang malakas na bwelo ay nagawa n'yang ibalibag 'yong lalaki sa lapag at mabilis n'yang sinipa palayo 'yong kutsilyo nito. At mabilis na inapakan n'ya ito sa leeg. "Now let's do the talking? Para matapos na kami sa paghahanap sa boss mo."

She is really great. Ito ba 'yong sinisilip n'ya sa baba kanina pa? Malaki ito sa kanya pero hindi man lang siya nahirapan na patumbahin ito.

"We can do this the hard way or you know what they call easy way pero since ako ang gagawa it will not be that easy," sabi ni Rome at mas inapakan sa leeg 'yong lalaki na nagchochoke na.

"Summer, baka mapatay mo siya."

Mabilis n'ya kong tinapunan ng matatalim na tingin and that made me shut up.

"For the nth time, Mr. President, hindi ako si Summer and let me do my job dahil kung hindi ka pa aware ay papatayin ka dapat nito!"

Sabay kaming napalingon sa lalaki ng may ininom itong nakasupot at ilang segunda lang ay bumubula na ang bibig nito at tuluyan ng namatay.

"Great!" sabi ni Rome. Humawak siya sa tenga n'ya "Ace Team, naka-akyat nga siya rito. Kinagat n'ya ang pain natin but he killed himself. So another dead end there. Get up here and see what poison he drank maybe we can get a lead there," sabi nito at muling bumaling ng tingin sa' kin.

"You really are no Summer," mahina ang pagkakasabi ko noon pero tila narinig n'ya.

"Finally," sabi n'ya at nilabas 'yong flask na tila naglalaman ng alak.

"I am really sorry Rome if napagkamalan kitang siya pero I feel more sorry to my wife dahil nagawa ko siyang ikumpara sayo," I said.

Tumingin siya sa' kin pero hindi ko mabasa ang emosyon n'ya.

"She is not weak gaya ng sabi ko, she is so strong that she conquered all of the pain and sufferings all on her own to protect me and I lost her—"

"You know what sa tingin ko hindi mo lang sa' kin nakikita ang asawa mo. Okay, maybe she does look like me pero hindi mo ba siya nakikita sa ibang tao kahit characteristic n'ya?"

"Why are you asking me this?"

"Dahil pakiramdam ko kaya ka nagkakaganyan sa' kin ay dahil guility ka. I don't know what you did to lose her, Mr. President but whatever it is, it is eating you alive. Your guilt is eating you."

"My wife, she died because of the virus."

"Did she?"

Hindi ko narinig ang sinabi n'ya dahil hindi ako sure kung ako ang kausap n'ya or may kausap siyang ka team n'ya.

"Sorry, what's that?" I asked her.

Mabilis n'ya kong hinawakan sa balikat at iginiya papasok.

"Take a rest, Mr. President. Let us do our job. I know how hard this is for you to see my face every day pero as soon as mahanap ng team ko ang may kagagawan nito, we will go back to where we truly belong."

"Aalis ka? I mean kayo?" I asked her.

"Of course, Mr. President." tumawa siya. "Don't tell me, you wanna hit on me and marry me just because I look like her. Sorry, pero isa lang ang nararapat na first lady and I can see that you already figured out sino ang dapat kinakausap mo sa ganitong bagay."

"Rome."

"Goodnight, Mr. President."

I sighed.

"Goodnight, Captain Rome."

Nauna itong tumalikod sa' kin at naglakad para salubungin ng team n'ya.

Hon, did you see that woman, she looks exactly like you but acts completely opposite. You have a good heart and she seems to have a strong heart.

I just wish you are here.

THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now