Pumunta ako sa damitan ko kung saan may nakatagong box sa ilalim ng isa sa mga drawers na nakalimutan ko na sa tagal na ng panahon

Pag kakuha ko nito ay napaka dami ng alikabok ang naka palibot dito at yung kahon na ito ay lalagyanan ng pinaka unang sapatos na iniregalo sa akin ng isang babaeng sobrang espesyal saakin. Binuksan ko na ito at agad tumambad saakin ang mga gamit na halos nabaon na sa limot at habang hinahawakan ko ang bawat isa sa mga ito ay naaalala ko ang mga istorya sa kung bakit nasa akin itong mga ito ngayon isang half shaped moon na kwintas, At sandamakmak na letter

Napangiti ako dahil parang kahapon ko lang nakuha ang mga ito pero 52 years na pala ang nakakalipas. Sa ilalim ng lahat ng letter ay natagpuan ko din yung librong ginawa ko bago ko pa makilala ang asawa ko, In fact this book was the reason why I met her at the first place

Binuklat ko yung libro at biglang nalaglag yung picture na sinasabi ni Lucas, pinulot ko iyon at pinag masdan kong mabuti yung babae doon sa larawan. Totoo ngang hindi kumukupas ang pag mamahal ng isang tao sapagkat aminin ko man o hindi ay talagang may puwang parin siya sa puso ko

Binuklat ko ang unang pahina ng Libro at agad kong binasa ang nakasulat doon 'A mi Única Amelia Lopez' (to my one and only Amelia Lopez)

Habang binabasa ko yung libro ay naging sariwa lahat ng alala saakin at nag simula ito noong February of 1968

"Ayoko na, ayoko na talaga" sabi ni Amelia sakanyang mga kaibigan, pang apat na taon niya ng gustong ibigay ang mga sulat niya na naipon na at nakalagay sa isang kahon para binatang napupusuan niya na si Gabriel, alam niyang ito na ang huli niyang pag kakataon dahil sa susunod na taon ay sa Maynila na siya mag kokolehiyo at napag alaman niya rin na babalik na ng America si Gabriel. "Kung hindi ngayon edi kelan??" Tanong ni Celia na pinaka malapit sakanya

"Hindi ko alam baka pwede namang bukas" napahawak nalang ang mga kaibigan ni Amelia sa kanilang mga noo dahil sawang sawa na sila sa mga pag dadahilan nito, alam naman nilang hindi nito magagawang ibigay ito kahit pa paabutin nila ito ng bukas kaya naman isang kaibigan nila ang bigla nalang umalis, "Lucia saan ka pupunta?" Sigaw ni Amelia pero hindi siya nito pinansin

Napaupo nalang si Amelia tabi ng kanyang mga kaibigan at saka nilapag ang kahon sa kanyang kandungan at saka napatakip ng mukha niya, "taon taon nalang akong ganito, alam ko naman na bawal manligaw ang babae sa lalaki pero ughh hindi ko alam"

Sandaling natahimik ang mga kaibigan ni Amelia sapagkat hindi na nila alam kung ano pang ipapayo nila dito sapagkat nasabi na yata nila lahat. Napatingin sa may kaliwa ang mga kaibigan ni Amelia at para bang nakakita ito ng mga multo sa gulat, agad nilang tinapik ang balikat ng kaibigan at sabay turo kay Lucia na nag babalik na at may kasama ito, "Anong?" Napa iwas ng tingin si Amelia at napahawak siya sakanyang pisngi na mistulang kamatis tuwing nakikita niya si Gabriel

"Gabriel may gusto daw ibigay sayo si Amelia" panimula ni Lucia, nag tinginan naman ang mga kaibigan ni Amelia na hindi na maawat sa pag ngiti ngayon, "Amelia ano na pag hihintayin mo ba si Gabriel gayong pinatawag mo pa siya kay Lucia" Pang aasar rin ni Celia kaya naman wala ng nagawa si Amelia kung hindi lumapit kay Gabriel at ng mag kaharap sila ay biglang nanigas si Amelia sa kinatatayuan niya sapagkat ngayon niya lang natitigan ng ganito kalapit ang mukha nito 'napaka tangos ng ilong niya, ang mapula niyang labi, ang mga mata niyang kulay Amber na nagiging mala ginto pag nasisikatan ng araw' Masyado na-occupy ang isip niya sa sobrang pag hanga niya sa binata kaya hindi niya na napansin na namumungay na ang mga mata niya

"Okay ka lang ba Amelia?" Tanong ni Gabriel sakanya, bigla namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanang buhay niya ay kailanman hindi niya narinig na ganoon pala kaganda ang pangalan niya, nagising lang siya sa kanyang kahibangan ng bigla siyang sanggin ng isa sa mga kaibigan niya. Napatikhim siya at inayos niya ang kanyang postura at ekspresyon sa mukha, "Gabe I-I mean hindi ko gustong bigyan ka ng nickname or what a-an--" biglang sumenyas si Benjamin na tumigil na muna siya sa pag sasalita, "Huminga ka muna ng malalim, tsaka wag kang kabahan hindi naman ako artista at isa pa ikaw na ang bahala kung anong gusto mong itawag saakin at kung saan ka pinaka komportable ayos na iyon sa akin" Sabi nito

The Edge of Never (ONESHOT)Where stories live. Discover now