Chapter 23

1.2K 54 16
                                    



puta! kanina ko kang napansin na chapter 13 pala yung nakalagay imbis na chapter 23.

pasensya ✌🏽

-

Natapos ang klase na sumasakit ang kanang kamay ko dahil sa pagsusulat. Nyemas na to. Di ako nakapag-notes ng sarili. Dibale, may session naman kami nitong si Dice mamaya, isasalin ko nalang sa notebook ko lahat.

Speaking of session. Isang linggo nalang at final term na, sem break at 2nd semester na naman. Konting tyaga nalang at graduate na ako ng high school. Hanggang ngayon undecided pa rin ako sa magiging kurso ko sa kolehiyo.

Gusto kong i-premed ang Biology or Nursing kasi gusto ko talagang maging Doktor. Kaso mukhang malabo. Saan ako kukuha ng pampaaral ko sa sarili sa ganun kagastos na propesyon isama mo pa na mahaba-habang panahon ang gugugulin ko sa med school.

Napahilamos nalang ako sa aking mukha dahil sa frustrations. Hays! Napalingon sa paligid at napansing iilan nalang pala kaming naiwan sa silid.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa orasan sa taas ng blackboard.

Pasado alas-singko na pala ng hapon. Tskk

Ilang minuto pa ay napagpasyahan ko nang iligpit ang gamit ko at umuwe. Hinahanap ng ng pagod kong katawan ang kama ko.

"nasaan kaya si Dice?"

Tanong ko sa sarili.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng hallway ay iniisip ko kung paano tutor ang gagawin namin ni Dice sa nalalapit na final term. Actually ko lang pala. Ako ang mamomroblema sa lahat, dahil imbis na sarili ko lang kargo ko may dumagdag pang asungot na super hirap pakisamahan.

Buti naman ay kahit papaano di nasasayang yung ginagawa namin nitong nakaraang mga araw. Pakiramdam ko matalino naman talaga sya eh, batugan at masyadong yolo lang. Sakit ng mayayaman.

Ilang metro nalang ang layo ko sa gate ng school ng may biglang tumabig na balikat ko. May kalakasan iyon kaya napabusangot ako sa inis.

"paharang harang psh"

ani nito at dire diretsong naglakad habang nakapamulsa.

Napakapapansin! Sikip na sikip ba sya sa daan? Hype sya! Tang ines ka Villabroza- naiwika ko nalang sa sobrang inis. Kanina ka pa nang-ttrip.

Kahit naiinis ako at gusto ko syang batuhin ng bag ko, napagdesisyunan ko nalang na wag. Sayang natitirang energy ko. hays. Napagdesisyunan ko nalang na sundan ang asungot pauwe, tutal dun din naman punta ko sa kanila.

Pinanatili ko ang distansya ko sa asungot. Pinanunuod ko lang ang likod nito. Minsan ay napapatingin ako sa langit dahil parang makulimlim ang panahon. Huwag naman sana kami abutan ng ulan nitong si asungot. Malayo layo pa naman ang subdivision nila.

Nakalayo na kami ni asungot sa school at nakasunod pa rin ako sa kanya. Napadaan kami sa mga street vendor at huminto si asungot sa mga nagtitinda ng candy. Dumukot ito sa bulsa at may inabot sa ale na sa tingin ko ay barya. May inabot naman ang ale dito. Di ko masyadong maaninag kaya medyo lumapit ako. Di mukhang candy eh. Paglapit ko. Nanlaki mata ko.

Nagyoyosi si Dice?!!

Teka ilan taon na ba to?

Wait, ano nga pala paki ko? Pero kasi...

Pagkayari nitong parang sindihan yung yosi ay naglakad ulit ito at umupo sa may isang upuan. Agad kong nilapitan si asungot.

"isusumbong kita sa mommy mo." bungad ko nang may pagbabanta. Nilingon ako nito at nginisihan.

"don't dare. mata mo lang walang latay pandak" nananakot ba sya o nang iinis? tsk!

Tumabi ako dito habang nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya. Ganito ba ito napabayaan ng magulang? Tsk! Di na ako magtataka kung nagda-drugs din to. Hay nako!

"kailan ka pa naggaganyan?" tanong ko. Di ako nito pinanain at sinubo lang ulit ang yosi na hawak. Maya maya'y lumingon ito sakin at binuga sa mukha ko ang usok. Dahilan para suntukin ko ito sa braso. Trip si gago!

"gago ka Dice!" aniko habang nakatakip sa ilong ang isang kamay at ang isa ay pinantataboy sa usok na nasa tapat pa rin ng mukha ko.

"tara na!" tayo nito at bakas ang munting tawa sa boses nito. Tumayo ako at dumistansya dito dahil naamoy ko pa rin yung usok ng yosi. Lumapit ako at umakbay sakin saka ako inakay maglakad. Napabalikwas ako sa gulat. Paglingon ko ay ang lapit ng mukha ko sa mukha.

"Pandak ka na nga mabagal ka pa magkakad. Bakla ka pa. Tsk! Pag tayo inabutan ng ulan!" aniya. Nanlaki mata ko saglit.

But I suddenly got my reflexes at bumalikwas na pagkakaakbay nya. Nagkunwari akong nababahuan sa kanya at sa hininga nya. Save!

Pinakawalan naman ako nito at naunang naglakad sa akin. Huminto ako para i-compose ang sarili ko. Di ko ba alam. Tsk!

Sinundan ko si asungot. Malapit lapit na kami sa subdivision nila ng marinig ako ang mahinang kulog. Napatingin ako sa langit at madilim na. Any moment ay parang uulan. Pagtingin ko kay kumag ay patuloy ito sa paglalakad. Binilisan ko na lang rin ang paglalakad.

Ilang sandali pa ay heto na nga. Bumuhos na ang ulan. Ewan ko ba kung bakit pinantakip ko sa ulo ko yung dalawang kamay ko. Kabobohan haha.

Rinig ko ang pagmura ni Dice habang lumilinga linga sa paligid. Nilibot ko rin ang paningin ko sa paghahanap ng maaring masisilungan nang may humila sakin.

Huminto kami sa isang waiting shed. Humihingal at nanginginig pa ako na napaupo ganun din si kumag sa kabilang dulo.

"shet" anas nito.

Ilang minuto pa kaming naghintay ng paghinto ng ulan pero parang lalo lang lumakas. Pati ako sa sarili ay napamura na rin. Gusto ko nang umuwe at magpahinga. Lintek naman. Medyo naririnig ko na rin yung nagrereklamo ko ring sikmura.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng tunog ng plastic or chichirya na parang binubuksan. Lilingon sana ako kay Dice ng may lumanding sa dibdib ko. Pinulot ko ito at tiningnan.





"Boy Bawang"

Okayyyyyyy

...

lapag ko agad yung sunod

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon