Chapter 17

5.7K 264 19
                                    

Eyanne's PoV


"Hoy! Sasama ka talaga?!" Muli 'kong tanong dito nung marating namin yung gate ng apartment.

Nilingon ako nito at humakbang palapit sa akin.

"Sabi nang OO diba,pandak!" Aniya sabay pitik sa noo ko na ikinasimangot ko ng todo.

URGGHHHHH! bwisit ka Dice! Napakalaki mong epal sa buhay ko.

Nilampasan n'ya ako at naunang pumasok ng gate.. 'tss kapal ng mukha' sa isip isip ko.

Inayos ko na muna yung nalalaglag 'kong salamin bago s'ya sinundan.

.

.

.

.

.

.

"Ate pasensya ka na ah.. hindi ko naman inimbita yang kapalmuks na yan eh. Sorry talaga" paghingi ko ng pasensya kay Ate Wap. Tinawanan lang ako nito habang pinagi-interwined yung braso namin.

"Ahaha ayos lang! Ang hard mo naman kay pogi." Aniya habang nakatingin kay Dice na pinalilibutan ng mga ka-board ko sa pangunguna ni Jojo. Tss. Talande!

Sinulyapan ko 'to bago sagutin si ate Wap.

"Hindi naman..singkit lang!" Madiin 'kong sagot na ikinatawa n'ya ng bongga.

Bakit? Totoo naman ah. Singkit at maputi lang yang bwisit na kapalmuks na yan kaya gwapo. Wala ngang sinabi kay Brix,eh. Hihi

"Napaka-defensive mo..napaghahalataan ka hahaha" sagot nito sa pagitan ng tawa n'ya.

"Totoo naman eh... saka anong napaghahalataan ba?" Naka-pout 'kong hinarap si ate Wap. Hindi ko kasi na-gets yung napaghahalataan.

Nginisihan lang n'ya ako ng makahulugan kaya mas napanguso ako. Kaasar.

"Wala haha. Sabi ko gayak na at aalis na tayo." Nilampasan ako nito. Naiwan akong nakaburaot dito sa terrace.

Sinulyapan ko muna si Kapalmuks (Dice) na nakikipagkwentuhan sa mga babae 'kong kasama ,napa-tss nalang ako.

Sanay na sanay s'yang makipag-flirt,eh.

Pumasok ako ng kwarto para igayak yung dadalin 'kong gamit. Isang araw lang naman yun kaya dalawang pares lang ang dinala ko.

__

Nang maiayos ko na ang gamit ko at nang isasara ko na ang zipper ng back pack ko ay s'ya namang pagbukas ng pinto ng kwarto.

Hindi ko iyon pinansin dahil baka si Ate Shie or si Jojo lang ang pumasok. Tuloy lang ako sa ginagawa ko.

Kinuha ko damit na inilabas ko sa aking damitan bilang pamalit. Isa isa ko hinubad yung saplot ko habang bumabanat ng side to side ni Ariana G.

I've been there all day,

I've been there all night,

And boy..

Got me walking from side to side

Kinarir ko ang pag-giling habang nagbibihis. Hindi naman na issue kung makita akong hubad ni Ate Shie or Jojo eh, jusko! Eh magkakalahi kaya kami.

Napatigil lang ako nung magsalita yung tao sa likod ko.

"Woah! Sh@t!"

Naestatwa ako sa narinig ko. Nanlaki ng todo ang singkit 'kong mata sa sobrang gulat.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon