Chapter 13

7.7K 290 28
                                    

Eyanne





Tiningnan ko yung hawak nya. Isang plane white shirt at jogging pants.

Sunod ko syang tiningnan pero nakatitig sya sa'kin na para bang binabasa ang nasa isip ko. Agad 'kong iniwas yung tingin ko.

"Wag mo tatanggapin,mapapahamak ka na naman" sigaw ng isip ko.

Akmang tatalikod ako nung hawakan nya ako sa braso ko.

"Suutin mo na. Pagtatawanan ka na naman sa klase kung yan pa rin suot mo" aniya habang nakatitig sa'kin.

Tama,naawa sya sa'kin. Pero bakit? Dapat wala lang syang paki diba? Dapat hinahayaan nya lang ako.

"Ka-kaya ko sarili ko Di-Dice" nakayuko 'kong sagot dito,sinubukan 'kong tanggalin pagkakahawak nya pero sadyang mahigpit yun.

"Pero-.." naputol yung sasabihin nya nung may tumawag sa pangalan ko.

"Eyanne!" Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan nun.

Si Brix.

Papunta sya sa direksyon namin.
Malayo palang alam 'kong bad mood na 'to.

"Yanne? Okay ka lang ba hah? Sabihin mo sino gumawa nito?" Bigla namang nawala yung kunot ng noo nya nung malapitan ako. Hawak nya ako sa magkabila 'kong balikat habang hinahawi yung medyo basa pa at magulo 'kong buhok. Tumango lang ako bilang sagot.


"Sinaktan ka ba nila hah? Tss bakit kasi ayaw mong iganti kita eh. Sigurado kang walang masakit?" Kita ko sa mukha ni Brix ang pag aalala habang sinusuri ang mga kamay ko.

"Wag! ayokong madamay ka Brix. Kaya ko namang tiisin eh,salamat" sagot ko. Kapag iginanti ako ni Brix,siguradong mapapaaway sya at yun ang ayaw 'kong mangyari. Baka sabihin pa ng iba na bad influence ako sa bestfriend ko.

Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Brix. Hindi agad ako nakaganti ,pinikit ko nalang yung mata para damhin yung yakap nya. Pakiramdam ko kase lagi akong safe at walang mananakit sa'kin kapag yakap ako ni Brix.

"Ehem!" Napabitaw si Brix sa yakap at natauhan naman ako. Bigla akong napatingin kay Dice na nakakunot habang tinitingnan si Brix.

Kainis! Bakit ko nakalimutang hawak pa ni Dice ang kamay ko. Nakakahiya!

"Kunin mo na 'to Eyanne. Isauli mo nalang bukas" pagsisimula nya,pero hindi sya sa'kin nakatingin kundi kay Brix.

"Ah pre no need,ako na magpapahiram ng pamalit sa kanya. Saka kung pwede bitawan mo kamay ng bestfriend ko" may awtoridad na baling ni Brix habang nakatitig din kay Dice.

Hinihintay 'kong bitawan ako ni Dice pero ilang segundo na ay hawak pa rin nya ako. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

Magkaaway ba sila? Bakit ang sama ng titig nila sa isa't isa? Hindi ko na kaya yung ilang at kaba kaya ako na bumasag sa katahimikan nila.

"Eh D-Dice sige akin na" utal 'kong sabi kay Dice sabay kuha ng tshirt at jogging pants sa kanya. Napalingon sya sa ginawa ko,yung kunot nyang mukha biglang bumalik sa dati.

"Brix tara na" buti naman at sinunod nya ako kahit masama pa rin yung tingin nya kay Dice. Nakakailang hakbang palang ako ng mapahinto ako ng konti. Hindi pa rin pala ako binibitawan ni Dice.

"Tss pre nanananching ka na yata eh" si Brix,bigla akong nahiya. Babae ba ako para chansingan? Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak ni Dice kaya ako na mismo umaagaw ng braso ko.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon