Chapter 15

7.7K 290 55
                                    

Dedicated kay pareng hailouyin29.

__

Eyanne's PoV

"ARAAAAAAYYYY! TAEEE!" Sigaw nya sabay hawi sa kamay 'kong may hawak na bulak. Napabusangot nalang ako sa asal ng mokong. Ang yabang,bwisit!

"Soorry pooow!" Pang aasar ko dito. Inakto ko pa yung ginawa ni chichay sa got to believe. Mukhang napikon naman ang mokong dahil sinamaan ako ng tingin,inirapan ko naman sya. Huh!kala nya ah.

Dinampot nya sa kamay ko yung bulak na hawak ko saka nya sinumulang idampi sa sugat nya sa mukha.

"Grabe! Ako na nga itong tumulong ako pa susungitan,walang utang na loob." Bulong ko. Baka kasi marinig eh. Umupo nalang ako sa tabi ng mokong.

"May sinasabi ka?!" Nagulat ako. Narinig pa nya yun? Umm.

"Wala! Sabi ko ang gwapo mo kahit may pasa ka!" Pabalang 'kong sagot. Ngumisi naman ang g*go. Huh?! Anong na- ..

shocks!

Napatakip ako ng bibig nung mag-sinked in sa'kin yung sinabi ko. Gosh! Sinabi ko ba talaga yun? Sinabi ko bang gwapo sya kahit may pasa?

O.o Juicekolord na orange flavor! Sinabi ko nga.

"Ah..eh..ehe he he! Sabi ko ang dami mong pasa" pagpapalusot ko saka kumuha ng isang bilot ng bulak at binuhusan ng alcohol saka ito pinahid sa mga pasa nya.

"What the- arrghh! F*ck you Eyanne! ANG SAKEEEET" sigaw nya. Halos gumuho ang bahay nila sa lakas ng sigaw ni mokong. Tss napaka-eskandaloso naman haha.

"Ang exaggerated mo naman tsong" ani ko at diniin pa yung bulak sa may bandang labi nya. Ayun,nagsisigaw ulit ang g*go sa sakit. Haha buti nga! Serves you right, mister. Tatawanan lang kita.

Natauhan ako sa pagtawa ng bigla nyang kuhanin yung bote ng green cross at akmang isasaboy sa'kin. Agad akong dumistansya sa mokong at kumaripas ng takbo.

"Humanda ka. You're dead!" Sigaw nya.

"Waahhh! Hindi ko sinasadya!" Ganti ko.

___

Hanggang ngayon pakiramdam ko ang pula pula pa rin ng mata ko dahil sa ginawa ng mokong. Paliguan ba naman ako ng alcohol sa mukha. Grabe lang! Talo ko pa ang taong may sore eyes sa pula ng mata ko eh.

Kasarap nyang upakan sa adams apple. Letse!

"Hoy! Pakibilisan namang kumain,marami tayong tatapusing subjects!" Sabi ko dito. Kanina pa sya kumakain. Shems nya! Ganoon ba kasarap yung tinola?

"Tss napaaway na nga yung tao oh? Saka kumakain ako,tapusin mo mag isa mo!" Singhal nya sa'kin. Pinag-iinit nya talaga ulo ko. Urgh!

"So ganun? Sige sasabihin ko nalang sa mama mo na nakipagbasag ulo ka." Ani ko habang akmang tatayo. Pero bago ako tuluyang makatayo nagsalita na sya.

"Don't you dare! Tss..tatapusin ko lang 'to okay!" Pabalang nya ulit na sagot na ikinangiti ko. Haha wala pa sya eh! Binalaan nya kasi ako na 'wag na 'wag ko sabihin sa magulang nya ang nangyari kundi patay daw ako. Wow! As in wowowee! Wala syang galang sa hero nya.

Ilang sandali pa natapos na rin syang kumain. Nagpaalam sya na magtu-toothbrush sandali,inayos ko naman yung gagamitin namin. Wala pang sampung minuto ay bumalik na sya at nakabihis.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napatitig sa kanya habang palapit sya sa kinauupan ko.

Parang naging slow motion ang lahat nung oras na yun. Yung paglalakad nya na sinabayan ng parang pumuputok na fireworks sa likod nya.

Dug.dug.Dug.dug.Dug.dug

Yung puso ko,rinig na rinig ko ang tibok. Parang nais nyang lumabas sa ribcage ko sa bilis ng tibok.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito?

Sa sobrang page-space out ko hindi ko namalayang nakalapit na sya sa'kin.

"Hoy unano!" Sya. Naramdaman ko yung kamay nya na inaayos yung salamin ko.

Dug.dug.Dug.dug.Dug.dug

Bakit kinakabahan ako? Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan sa loob.

Naguguluhan na ako. =.=

Pinagmasdan ko lang sya.

Yung singkit nyang mata. Matangos na ilong. Pulang labi at yung kilay nyang may kakapalan.

Ang gwapo nya.

Shocks! Sinabi ko na naman yung salitang yun.

Hindi kaya may gus- NO! Hindi pwede Eyanne. Wala!

Huminga nalang ako ng malalim bago magsimula. Ganun lang rin sa dati yung ginawa 'kong pagtu-tutor. Ipapaliwanag ko tapos binigyan ko sya sasagutan. Ganun lang hanggang sa matapos namin lahat ng subjects. At mapagpasyahan 'kong umuwe.

Hindi ako makapag-concentrate. Tutal ay quarter to six na ay uuwe nalang ako. Naiayos ko na yung gamit ko. May kausap naman si Dice sa phone nya kaya hindi na ako nagpaalam.

Nilisan ko yung bahay nila na litong lito. Nakasalubong ko pa yung driver nila at sinabing ihatid na raw nya ako pero tumanggi ako sabi ko maaga pa naman. Hindi na sya nagpumilit,gusto ko din kasing mapag-isa.

Malayo na ako sa bahay nila Dice at malapit na sa gate ng subdivision nila. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung nangyari kanina. Bakit ganun? Ang gulo ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sinisipa yung madaanang malalaking bato. Bumalik ang tingin ko sa daan,napansin ko ang isang tao na nakatayo sa lugar kung saan ko nakitang binubugbug ko si Dice.

May namuong kaba sa puso ko. Bubugbugin din kaya nila ako.

Naging mabigat yung bawat hakbang ko. Nanginginig yung katawan ko sa takot. Unti unting naging malinaw yung imahe nya habang palapit pa ako.

Lalaki sya at nakahoody. Nakayuko ito at nakapamulsa habang yung kanang paa nya ay nakatukod sa pader na sinasandalan nya.

Gosh! Tutuloy pa ba ako? Malayo na ako kila Dice eh,anong gagawin ko?

Bibilisan ko nalang ang lakad. Tama.

Inumpisahan ko nang maglakad. Laking tuwa ko nang malagpasan ko sya. Para akong natanggalan ng bara sa dibdib at nakahinga ng maluwag.

"Delikado para sa tulad mo ang maglakad ng ganitong oras" malalim ang boses nya. Napahinto ako. Sinusundan nya ako.

Takot ko syang nilingon. At nagulat ako sa aking nakita. Nakatanggal na yung hoody sa ulo nya.

Siya?

"I-Ikaw?" Sya nga,hindi ako pwedeng magkamali.

Sya yung kaninang nambugbog kay Dice.

__

Ow yeah! Kamusta? Namiss ko mag-sulat. Sorry sa tagal ng update busy lang talaga ko,pero sana nakabawe na ako ah mahaba na 'to. Hehe.

Shoutout sa mga nag-aabang ng update. Inspired me more,comments and votes will do.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon