Bente

89 5 3
                                    

~ ☆ ~

Okay na ako sa nalaman ko. Kahit na hindi buong detalyo ay ayos na ako doon kaysa naman sa wala akong napala kay Tala.

Siguro galit nga si dad at mom sakin dahil sa pagtraydor ko sa kanila noon. Kaya siguro sinabihan nila si Tala na 'wag sabihin sa akin kung nasaan sila.

"You should eat ate."

Saad ng kapatid ko na kumakain ng umagahan. Isang araw lamang ako dito at uuwi rin mamayang hapon. Absent ako ng isang araw at nagtext si Aries na may quiz sila ngayon.

Sinubukan niya rin akong tawagan pero mahina ang signal dito. Kung ibang sim card siguro ay maayos ang signal pero 'pag TM mahina na.

"Don't mind me."

Sagot ko at nagsimulang kumain ng pakonti-konti. Nakokonsensya ako dahil sa nagawa ko kina dad. Pati kagabi ay hindi na ako nakatulog ng maayos.

Dalawa lang kaming kumakain ni Andrei dito sa loob ng kwarto ko. Gusto ko kasing kaming dalawa lang. Nasa baba yata sila at nag-uumagahan na rin.

"Andrei."

Tawag ko sa kapatid kong nakangiting bumaling sa akin. Hindi ko alam kung paano tatanungin ito sa kaniya gayong ang inosente niya pagdating sa sitwasyong ito.

"Smile ate. Umagang-umaga nakabusangot ka. Hindi ka naman dati ganiyan sa bahay noon." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain.

Bawat tauhan na nadadaanan ko sa bahay noon ay nginingitian ko. Ganun ako dati pero ngayon, hindi ko na alam. Sunod-sunod na problema na kasi ang kinakaharap ko.

"Galit ba sila sakin?"

"Who?" Nagtataka nitong tanong. Pero nasa pagkain ang kaniyang tingin. Bumuntong-hinga ako.

"Mom and dad."

"What for?"

Mygod? Sa pagkakaalam ko, nasabi ko noon sa kaniya na may problema kami nina dad. Nasabi ko rin sa kaniya na love ko 'yung tutor namin.

"About the letter thingy."

Pagkasabi ko pa lamang iyan ay nabitawan niya ang kaniyang kutsara at dahan-dahang tumingin sa akin. Seryoso ang kaniyang tingin.

Pinakatitigan niya ako ng mabuti. Seryoso rin akong tumitig sa kaniya hanggang sa umiwas siya ng tingin. Napabuntong-hininga ako.

"They are not mad at you."

"But I can sense that they are."

"They are mad sa tutor natin noon. I mean, maybe they are mad a bit at you but not to the point na kakahumian ka nila habang-buhay." Sagot niya.

Ako naman ang bumuntong-hininga at tahimik na kumain. Magkatapos naming kumain, tinawag ko silang lahat para mapag-usapan tungkol sa aming magkapatid.

"How?"

Tanong ni Tala. Siya ang bumasag sa katahimikan. Pati si Katkat ay nandito pa rin. Bale lima kaming lahat na nandito sa loob ng kwarto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Methamphetamine (ON-GOING)Where stories live. Discover now