Singko

59 2 0
                                    

~ ☆ ~


"Wag ka na bumaba."

Saad ko sa kaniya habang inaayos ang aking mga gamit. Nandito na kami sa inuupahan kong bahay at kanina pa nagtatalo kung papabain ko siya o hindi.

Kulit kasi.

Napatingin ako sa mga kapitbahay na todo na naman kung makatingin sa kotseng pagmamay-ari ni Neil. Napairap ako sa hangin.

"Paano mo bubuhatin 'yan?"

Nag-isip ako. Wala naman akong kakilala dito na pwedeng tumulong sa akin. Sana man lang may magpresinta.

"Edi ako na lang."

"Hindi mo kaya."

"Kaya ko nga. Basta 'wag kang bababa ng sasakyan." Sagot ko at lumabas sa kaniyang kotse. Ang mga maliliit muna na supot ang binitbit ko papasok ng bahay.

Dali-dali ko itong ipinasok. Pababa na ako ng hagdan nang mapatingin ako sa kotse ni Neil. Nanlaki ang aking mga mata nang lumabas ito sa kaniyang sasakyan.

Kita ko kung paano magsinghapan ang mga tao at nagbubulungan. Lumapit ako kay Neil na nagbubuhat na ng mga karton na may lamang groceries.

"Diba sabi ko, ako na?"

Inis kong saad. Aagawin ko sana ang karton pero agad niya itong inilayo sa akin at naglakad papasok ng bahay.

Napatingin ako sa paligid. Pero agad silang nagsi-iwas ng tingin. Wala akong nagawa kundi bumitbit ng ilang pang mga supot bago sumunod kay Neil.

Baka akalain ng mga tao na pineperahan ko lang si Neil lalo na't anak siya ng gobernador. Hindi rin naman sila maniniwala kung sasabihin kong kaibigan ko siya.

Napabuntong-hininga ako.

"Saan ang kwarto mo?"

Tanong sa akin ni Neil nang makaakyat siya ng hagdan. Katulad na katulad ko siya ng reaksyon noong maapakan ko ang hagdan.

Natatawa nga ako kanina dahil pinapagaan niya ang kaniyang sarili para hindi masira ang hagdan. At todo kapit pa sakin.

Itinuro ko sa kaniya ang kwarto ko. Napatingin siya sa paligid pabalik sa akin. Dumapo rin ang aking tingin sa paligid.

Nagsisi-iyakan na naman ang mga bata at pakalat-kalat sa paligid. Ang mga nanay naman nilang mukha pang menor de edad ay nakatingin kay Neil at pasimpleng inaayos ang sarili.

Napailing ako.

Sana man lang inisip nila ang mga anak nila na puro dumi ang mukha. Ang ayos ng pananamit nila pero 'yung mga anak nila, hindi man lang nila maasikaso.

Nilibot ni Neil ang kaniyang paningin sa aking kwarto. Ito ang pinakamalawak at pinakamahal na kwarto dito. Hindi kasi ito ordinary.

Ang mga ibang kwarto ay mga ordinaryo lamang at wala pang sariling banyo. Isang kwarto lang ito at medyo masikip pa.

Nagkalat ang aking mga gamit. Hindi ko pa naaayos ang aking maleta dahil nasira ang cabinet. Sobrang luma na kasi.

Baka sumunod ang kama ko.

"Wala kang balak na ayusin 'tong kwarto mo? Ang kalat kasi 'e." Medyo nahiya ako at inilagay muna ang maleta sa gilid at ang aking mga damit sa kama.

Aayusin ko mamaya.

"Walang cabinet 'e. Bibili ako sa Linggo." Saad ko at itinuro kung saan ilalagay ang karton.

"Bakit hindi pa bukas? Samahan ulit kita." Saad niya pero umiling ako. Nagtungo ulit kami sa sasakyan para kunin ang natitira.

Methamphetamine (ON-GOING)Where stories live. Discover now