Kinse

35 2 0
                                    

~☆~

Buong magdamag kong inisip kung ano ang nais niyang sabihin? Minamaliit? Bakit may mga connections ba siya sa politika kaya ganun ang sinabi niya? Pero wala naman akong nababalitaan.

Sangkot kaya ang pamilya niya sa politika? May kapamilya siyang senador sa bansa? Gulong-gulo na ako dahil wala akong kaalam-alam sa pamilya niya.

Hindi ako pwedeng magtulong kina Aries dahil tiyak na bibigyan na naman nila ito ng malisya. Pero bakit nga ba gusto akong tulungan ni Keano? Hindi naman kami magkaibigan.

Hindi ko rin gustong magtanong kay Neil kahit na paniguradong may alam siya. Tsaka magtatanong iyon ng magtatanong kung ano ang koneksyon namin ni Keano. Baka malaman pa niya ang plano ko.

Kinaumagahan, nakasalubong ko si Keano kasama ang girlfriend nito. Nag-uusap sila pero nakita ako nito at binigyan ako ng kakaibang tingin. Napatingin rin si Shan sa akin at sabay na kumunot ang noo namin.

Pero nagpatuloy sila sa pag-uusap at linagpasan na ako. Npabuntong-hininga ako at pakiramdam ko'y may kakaiba rin sa tingin ni Abby sa akin. Hindi naman sa galit pero ewan ko.

Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Nagtataka rin ako dahil ilang araw ko ng hindi nakikita si Neil dito sa school. Napatingin ako sa aking cellphone pero wala siyang message sa akin.

Dati-rati naman may message siya kung saan siya pupunta. Hindi kaya absent siya? Bibisita na lang siguro ako mamaya sa bahay nila. Makikibalita na rin ako tungkol sa paghahanap niya sa kapatid ko.

Pero kung sakali ngang totoo ang hinala kong may kinalaman sila sa pagkawala niya  ay hindi ko sila mapapatawad. At kung sakali ring hindi sila ang may pakana nito ay magtitiwala ulit ako sa kanila.

Wala naman masyadong ganap dito sa shool bukod sa exhibit. Ilan rin ang nagkaklase at puro mga junior high school ang mga iyon. Pero may mga ilan sa kanila na tumatambay sa field.

Biyernes na at naisip kong ibalik na ang librong hiniram ko. Papalubog na ang mga araw at iilan na lang kaming natitira. Palabas na ako ng library nang makita ko si Keano na nasa labas.

Hinihintay siguro si Shan pero wala naman si Shan sa loob ng lirary. Lalagpasan niya sana ako ng tawagin niya ako. Lumingon ako sa kaniya at kumunot ang noo.

"Pumapayag ka na ba?"

"Sa alin?" Sagot ko.

"Sa paghahanap sa bata."

"Paano mo ako matutulungan kung ganun?"

Tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin ako kumbinsido na tutulungan niya ako. Paano na lang kung tutulungan nga niya ako sa paghahanap pero may iba siyang intensyon sa kapatid ko kung mahanap nga namin siya?

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

Umiling ako agad na nagpalaki sa kaniyang mga mata. Bakit pa ako magsisinungaling sa kaniya eh hindi naman kami magkaibigan? Total strangers sa madaling salita.

"Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo sa bata. Paano pala kung may plinaplano kang hinndi maganda?" Kumunot ang kaniyang noo at napangisi.

"Then let me tell you a secret."

Nakuha niya ang aking interes. Anong sikreto kaya ang sinasabi niya? May ngisi pa sa kaniyang labi.

"Cut the bullshit. Hindi ako nakikipaglaro sa'yo."

"It is possible na ang pamilya ng gobernador ang may hawak sa kaniya." Sagot niya. Nagulat ako sa kaniyang sinabi pero hindi ako pwedeng magpauto sa kaniya.

Methamphetamine (ON-GOING)Where stories live. Discover now