Dose

31 2 0
                                    

~ ☆ ~

Huminga ako ng malalim nang matapos ang tawag. Bumalik ako sa bahay nina Aries na parang walang nangyari at nadatnan ko silang naglalaro sa kani-kanilang cellphone.

"Tagal mo ah?"

Wala sa sariling saad ni Fatima habang naga-attack na naman sa clash of clans. Si Aries naman ay naglalaro ng mobile legends at malapit ng matalo.

Bumuntong-hininga ako at umupo sa kanila. Naalala kong hindi pa pala ako nagsosorry sa kanila. Medyo napanatag na rin ang loob ko dahil alam kong tutulungan ako ni Neil.

"Sorry pala kanina." Simpleng paghingi ko ng tawad.

"Ayos lang 'yun. Natutuwa nga kami sa'yo eh dahil inaalala mo ang bata." Sagot nito at panandaliang sumulyap sa akin. Napangiti ako ng peke. Paano ko hindi aalahanin ang batang iyon kung kapatid ko mismo?

Kinabukasan, nagtungo kami sa school para tumulong sa mga kaklase naming hindi pa natatapos ang dapat na tapusin. May mga ilan ring mga kaklase namin ang nakisleep-over katulad namin.

Hindi ko lang alam kung ganun rin sa kabilang section dahil hindi na namin pa iyon pinagkaabalahan. Pero nakita ko sa messanger ni Aries na mayroong nagmyday na nagsleep-over sila.

Maaga kaming natulog kagabi 'di tulad kahapon na inumaga na kami sa pagtulog. Nakalimutan ko rin palang magpaturo sa kanila kung paano gumawa ng Facebook pero tatanungin ko na lang si Neil.

Didiretso ako mamaya sa bahay nila upang makibalita na rin tungkol sa kapatid ko. Saktong nakita ko si Neil at natingin rin siya sa akin. Sinenyasan ko siyang lumabas ng gym.

Tumango agad siya. Nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako. Medyo sa malayong parte kami ng gym na nag-usap para walang makarini.

"Pupunta ako sa bahay niyo mamaya."

"Sakto may ibabalita ako sa'yo."

"Mamaya mo na lang sabihin para walang makarinig sa atin." Pabulong kong sagot. Saktong may napadaan na mga estudyante at kitang-kita ko ang mapanuri nilang tingin sa amin ni Neil.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at nagkunwaring abala sa aking cellphone na hawak-hawak. Mabuti na lang pala at isinama ko 'to.

Nang makalagpas sila sa amin ay nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Neil. Sinigurado muna namin na wala ng estudyanteng dadaan sa pwesto namin.

"Sabay na ba tayo papuntang bahay?"

Tanong nito. Umiling ako sa kaniya. Napatingin ako sa aking suot na relo at napag-alamang malapit ng maglunch. Isang oras na lang.

"Mauna ka na. Napag-usapan naming sabay kaming maglulunch ng mga kaibigan ko." Napatango-tango siya at nagpaalam na papasok na sa gym dahil hindi pa daw nila tapos 'yung sa kanila.

Nagpaiwan muna ako doon at nag-isip-isip. Pero sana pala hindi na ako nagpaiwan dahil nakita ko si Keano na naglalakad patungo sa aking direksyon.

"Tapos na kayong mag-usap?"

Bigla niyang tanong. May ideya na akong si Neil ang tinutukoy niya pero nagmaang-maangan ako. Hindi naman niya nakita na nag-usap kami ni Neil kaya kampante ako.

Methamphetamine (ON-GOING)Where stories live. Discover now