Sais

51 2 0
                                    

~ ☆ ~

Nagmadali akong naglakad kahit na hindi ko kabisado ang school. Nagtanong-tanong ako kung saan ang building ng mga STEM at agad naman nilang itinuro.

Mas dumami ang mga estudyanteng palakad-lakad at ilan sa kanila ay nagmamadali. May parking lot ang school pero sa pinakalikod pa iyon.

Traffic tuloy sa gitna ng campus.

Nakarating ako sa field nila at malawak naman. Nagtipon-tipon ang mga estudyante at lumuwa ang aking mga mata nang mamataan na ang dami pala ang nag-aaral dito.

Lahat ng mga ito ay nakauniporme tulad ng akin at ang iba'y uniform yata ng junior. Nagtanong ulit ako sa magkakaibigan na nagkukwentuhan sa gilid ng field.

"Excuse me po, anong nangyayari dito?" Nagtinginan ang mga ito at base sa tingin ko, mga junior high sila.

"Flag Ceremony po ate."

Tumingin ako sa aking relo at 7:05am na. Saktong tumunog ang mikropono at isang babaeng strikto ang aking naaninag.

Agad na naglinyahan ng tuwid ang mga estudyante at inayos ang pagkakatayo. Napatingin sa akin ang mga dalagitang nakausap ko kanina.

"Luminya ka ate. Mapapagalitan ka." Pabulong nitong saad. Papaulitin ko na sana siya pero napuna ako ng babaeng nasa harap.

Lagot.

"You! Wearing a senior high uniform! What are you doing there?" Medyo pasigaw nitong tanong sa akin. Diretso ang kaniyang tingin sa aking mga mata kaya alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Go back to your line! Now!"

Dagdag pa nitong sigaw. Nagsibulungan ang mga estudyante at lahat sila ay nakatingin na sa akin. Pati mga guro ay nakatingin sa akin.

"Ganda pa naman kaso mukhang bobo." Napatingin ako sa bumulong na lalaking taga-junior high. Kaklase ng dalagitang napagtanungan ko kanina.

"Hala ka! Narinig ka yata."

Hindi ko sila pinansin at tumingin ulit sa babaeng nasa harap. Galit na ang mga mata nito kaya naisipan kong sagutin na lang siya.

Wala naman akong kaalam-alam dito. Kung makasigaw naman 'to parang nakapatay na ako ng tao ah?

"Transferee po ako!"

Malakas kong sigaw para siguradong maririnig niya. Pero mukhang hindi niya narinig kaya nagtanong ito sa kaniyang harapan na mga estudyante.

Pagkalipas ng ilang segundo, naunawaan niya rin sa wakas ang nais kong ipahiwatig. Napaubo ito ng mahina bago tinignan ulit ako.

"Even if you're a transferee, you should know where your line is." Medyo maamo na nitong saad.

Saktong linapitan ako ng head teacher ng STEM at sinabihan akong sundan ko siya. Bawat nadadaanan naming estudyante ay napapatingin sa akin at bubulong.

Gold ang section ko. Sa pinakalikod pala ang line ng mga senior high habang junior high ang nasa harap. Ngayon alam ko na.

Methamphetamine (ON-GOING)Where stories live. Discover now