Chapter 11

13.1K 260 11
                                    

Chapter 11
His Family

"We shouldn't share a room" saad ko kaya napahinto ito sa may hagdanan, lumingon ito saakin at sinilid sa bulsa ang kanyang kamay.

Tumingin ito sa akin na may pag tatanong, napalunok naman ako.

"We don't share a room since then" saad ko, pilit ko ding iniiwas ang mata ko sa kanya, sa tuwing napapatingin ako sa mata n'ya ay para akong na hypnotize ako at parang nalulunod sa mga berde n'yang mata.

"Starting today were going to share a room"

Tumalikod ito at naglakad na paakyat mag pro-protesta pa sana ako ng lumingon ito saakin.

"You can't say no or else I'll eat you" natahimik ako at nag init ang mukha ko, tumalikod ito sa akin na may ngisi sa mukha. Bakit parang double meaning iyon para saakin?

Napailing naman ako at pinakalma ang sarili ko, umakyat na ako sa kwarto 'daw namin' at naabutan ko s'yang naka higa sa kama, hindi ko s'ya pinansin at dumiritso sa closet para kumuha ng damit. Actually kwarto n'ya talaga ito at madalang lang akong maka pasok rito or hindi talaga ako nakapasok.

Nadako ang tingin ko sa maliit na table katabi ng kama, nandon ang weeding picture namin, pareho kaming nakangiti parang happily married talaga pero that was a force smile, akala ko tinapon na to, noon kasing galit na galit ito saakin inutusan n'ya si Manang Milda na itapon lahat ng wedding pictures namin. Hindi naman ako kumuntra doon. Ano bang paki ko at ano bang laban ko.

"Akala ko tinapon na lahat ng wedding pictures?" naisatinig ko iyon,

Bumangon si Venom at napatingin sa picture frame at tumitig saakin, hindi s'ya sumagot pero may emosyon na naglalaro sa mga mata n'ya which is nakakapanibago, parang may gusto s'yang sabihin pero hindi n'ya maisatinig.

"N-nevermind" naiilang na rin ako sa klase ng titig n'ya parang may pinapahiwatig pero hindi ko maintindihan.

Tumalikod ako at pumasok sa loob ng banyo, napahawak naman ako sa sink ng banyo at tumitig sa salamin, napakunot ang nuo ko ng makitang may pula sa leeg ko, tinabingi ko ang ulo ko at hinawakan ito. Nanlaki ang mata ng ma realize ko kung ano ito

Hickey!

Oh god, naalala ko noong nasa sala kami ni Venom, namula ang mukha ko at nag-init ang katawan ko. Venom! paano ko itatago to hindi pa naman ako mahilig sa turtle neck.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising, ayaw kung maunahan n'ya ako, kaya dahan dahan akong bumaba ng kama at inalis ang kamay n'ya na nakayapos sa katawan ko, halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kamay n'yang nasa beywang ko. Naiilang at kinakabahan parin ako. Baka ngayon lang ganito si Venom, mahinahon pero sa paglaon ng panahon sasaktan n'ya naman ako.

Hindi ako papayag kung noon nagtitiis ako pwes ngayon hindi na, hindi ko alam kung kailan mawawala itong takot na to pero sisikapin ko para sa sarili ko na rin.

Pagkababa ko ay tahimik ang sala, wala naman kasing ibang tao rito, dumiritso ako sa kusina at nagulat ako nang maabutan ko ang mag asawang Lennox.

"Tita, Tito" usal ko kaya lumingon ito saakin, ngumiti ang mag asawa at excited na lumapit saakin si Tita Victoria at niyakap ako. I don't called her Mom or whatever like others did, basta Tita and Tito will do kahit pa naman noong bagong kasal kami ni Venom.

"I miss you sweetheart"

Napangiti ako at niyakap rin pabalik si Tita, na miss ko rin sila hindi kasi sila naka dalaw sa New York ng pitong buwan. Humiwalay s'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya.

"Na miss rin kita Tita" saad ko.

"Ako hindi mo ba ako na miss" nadako ang tingin ko at naglakad papunta saamin si Tito Victor, natatawang niyakap ko rin s'ya. Si Tito Victor ay parang si Venom lang pariha ng ugali pariha rin ng mukha, parang carbon copy lang, pero sweet si Tito sa mga malalapit sa kanya lalo na sa asawa nito unlike Venom, malamig sa lahat ng tao.

"Syempre po Tito na miss rin kita" saad ko at humiwalay s'ya saakin.

"Mas gumanda ang Monday namin" napangiti naman ako sa sinabi n'ya, he also does that pati na rin si Tita, they keep telling me I'm beautiful. Kahit noong nawala ang magulang ko, sila ang tumayung magulang ko kaya mahal na mahal ko sila. Kaya nga hindi ko nagawang humindi sa pabor nila at kung bakit ako ng tiis ng dalawang taon sa kamay ni Venom.

"Ay halika ka na, let's have our breakfast" tumalikod si Tita at inayos ang mga kubirtos at nilapag ang niluto nila.

"Maaga kaming pumunta rito as soon as nalaman namin na bumalik ka raw rito" saad ni Tita at tinignan ako na may pag aalala. I know what she mean.

"I will be fine, I won't let that happened again" saad ko.

"Basta iha don't hesitate to call us kung may ginawa yang si Venom" napatango naman ako sa sinabi ni Tito.

"Good Morning world" nabaling ang tingin ko sa entrance ng kusina ng pumasok rito so Venus at umupo sa tabi ko.

Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap, without minding Venom, ganito talaga sila hindi nila ugaling tawagin kung may kulang pa sa hapag.

"Why did you leave me Wife" hindi ko na kailangang lumingon dahil alam kung si Venom iyon.

Nakita kung nagdadabog na tumayo si Venus at tumabi sa ina n'ya, napaigtad ako ng maramdaman kung may malambot na bagay ang tumama sa pisngi ko. Para akong nakutyinte dahil doon.

"You shouldn't leave me from bed Wife" lumingon ako kay Venom at sininyasan s'yang tumahimik dahil nandito ang magulang n'ya, alam kung gulat na gulat sila dahil hindi naman talaga kami nagtatabi ni Venom noon, tatlong kwarto ang agwat namin ng kwarto namin dati.

"Share kayo ng room?" nabaling ang tingin ko kay Venus sa sinabi n'ya, umusog si Venom saakin kaya umusog rin ako palayo sa kanya.

"Yeah is there any problem with that besides she's my Wife" diniin n'ya pa talaga ang wife.

"Wala naman it's just that you guys don't share a room since then" nagkibit balikat si Venus at nagpatuloy sa pagkain.

"Kung ganun nga siguro magkaka apo na kami nito" agad akong nabulunan sa sinabi ni Tita, hinagod ni Venom ang likuran ko at inabot saakin ang tubig pero hindi ko ito tinanggap kundi kinuha ko yung tubig na nasa tabi ng plato ko.

"Are you okay iha" tanong ni Tito kaya tumango lang ako. At inayos ang sarili ko.

"So let's go back, magkaka apo na ba kami nito?" halos takasan ako ng kaluluwa ko dahil sa pinagsasabi nila, hindi pa nga kami mag kaayos apo agad?

"Of course Mom, I'm planing to have ten children" nanlalaki ang mata ko na bumaling kay Venom, nakangisi lang ito habang kumakain.

"Actually I want to have twins" dagdag n'ya pa at may nakakalokong tingin na bumaling saakin.

"That's great I would love that, what do you think Monday" saglit akong napa pikit at awkward na ngumiti kay Tita.

Ano ba tingin nila sa pinag uusapan nila, parang cake na after isang oras ready na, oh god help me.

"Alam mo anak may mga magandang posisyon para bumuo ng kambal" mas nailang pa ako at nag iinit na ang mukha ko dahil sa sinabi ni Tito. Posisyon? Seriously sa harap talaga ng hapag.

"Nasa hapag tayo guys, stop talking like that" hindi nila pinansin ang sinabi ni Venus at nagpatuloy parin sila.

"I am more than willing to do that position Dad, what do you think Wife" naka ngisi nitong baling saakin. Bumuntog hininga ako at mahinang napa iling.

"L-lets just continue eating"

Napapikit pa ako dahil sa mahinang tawa ni Venom, pero tawang walang emosyon.

His Scared Wife

***

His Scared WifeWhere stories live. Discover now