HOUSE OF DOLLS [ONE SHOT]

7 4 0
                                    

Product of the authors disturbing imagination. All stated on this story are pure fiction.

~~~~~~~~~

"Welcome guys sa House of Dolls ko," masaya kong saad sa barkada ko... Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa reaksyon nila... Manghang mangha sila sa 2 storey building na naglalaman ng iba't ibang personalized dolls na gawa ko. "Valiere ang ganda! Iba talaga basta rich kid," saad ni Rose. Binigay ito nila mommy pagkatapos ng debut ko, kasi nakita nila ang hilig ko sa mga manika... "Lavender ok ka lang?" tanong ko sa isang kabarkada ko... kanina ko pa kasi nahahalata na parang kinakabahan siya. "Yeah, its just creepy for me... honestly I'm not into dolls... also sino ba yang lalaking nasa likod mo?" sagot niya. Mahina akong tumawa at pinalapit ang lalaking kanina pang nasalikod ko na walang imik. "Guys this is Siruis, boyfriend ko," lahat sila nagulat sa sinabi ko "Wahh really? Akala ko kanina manika rin siya," namanghang saad ni Jeffrey. Ngumiti ako sa kanila at nilingon si Siruis "Sirs sila yung mga kaibigan ko na gusto kong ipakilala sayo," "Hi... nice to meet you all," walang emosyon niyang saad.

Siruis is not the smiling type of guy, he's also quite and also loves Dolls. Nakilala ko siya sa dati kong school dahil Fine Arts Student rin siya. Nilibot namin ang buong building at pinakita ko rin sa kanila ang inventory ko "That door over there leads to my boyfriend's personal space. Sorry pero kami lang dalawa ang pwedeng pumasok doon kasi masyadong possesive si Siruis," paliwanag ko sa kanila.

Di nagtagal nagmiryenda kami sa baba "Val, anong nangyari sa kaliwang mata ni Siruis?" napatigil ako sa pag-inom ng juice dahil sa tanong ni Claire, I've been waiting for this. Mabuti nalang ay hindi masyado malakas ang pagtanong niya "Well... Naaksidente kami noon ni Sirs, galing kami noon sa Tagaytay dahil sa Doll Exhibit," paliwanag ko "Val can I talk to you?" Iniwan namin ni Siruis ang mga kaibigan ko't pumunta kami sa may kitchen malayo sa kanila "Sino ba sa kanila ang napili mo?" walang emosyon niyang tanong, ngumiti ako "Basta... ako nang bahala," nasulyapan kong papunta na rito ang hinihintay namin kaya hinigit ko sa batok si Sirs at hinalikan. This is a part of our show "Val!--- Oh shoot I'm sorry!" napatakip siya sa mata ng wala sa oras "Shhh wag mong sabihin sa kanila ang nakita mo ha..." pagmamakaawa ni Sirs sa kaharap namin. This will end soon... "May ipapakita pala ako sayo! Nakalimutan ko kanina... regalo ko to sayo!" masaya kong saad sa kaniya.

Pumunta kami sa basement para ipakita sa kaniya ang regalo ko. Napangiti kami ni Siruis sa reaksyon niya, horror and disgust is all over her face... "Renz---" hindi natuloy ni Lavender ang sinabi niya dahil napasuka siya ng wala sa oras dahil sa regalo ko. Nasa harap namin ang matigas na statuwa ng bangkay ni Renz, ang nawawalang jowa ni Lavender. Limang buwan na itong nawawala, tuyo at wala ng kulay ang balat nito pero matibay parin ang katawan niya dahil sa mga kemikal na itinurok namin ni Siruis sa kaniya kaya ngayon mukha na siyang manika na walang kulay. "Kung hindi lang sana pinopormahan ng gagong yan ang prinsesa ko, buhay pa sana siya ngayon," natatawang saad ni Siruis. Ahhh I love his laughter "Anong ginawa niyo sa kaniya!? Nasaan na ang mga mata niya!?" Oh right his eyes...

"Tinanong kanina ni Claire kung anong nangyari sa kaliwang mata ni Sirs ko... sabi ko naaksidente kami... pero yung totoo sinadya niya talagang palitan ang mata niya... He loves anything red... and he adores how red Renz' eyes are kaya ayon... kinuha namin ang mata niya para ilagay sa kaliwang mata ni Sirs... gusto pa sana niya na yung dalawa niyang mata ang papalitan niya pero sabi ko yung isa lang... I love his dark violet eyes," masaya kong sagot.  Tinanggal ni Siruis ang eye patch niya at makikita niyo ang kulay pula niyang mata sa kaliwa "Nasaan ang isa niyang mata?!" Nangingiyak na sigaw ni Lavender sa'min. Just to let you know sound proof tong basement namin "Oh we preserved it for our next masterpiece," natatawang saad ni Siruis. Namutla si Lav nang makita niyang hawak-hawak ko ang isang malaking injection "It's you Lavender... our next Masterpiece," sabay turok ko ng injection na naglalaman ng nakakamatay na chemical sa puso niya.



"Guys sorry kung natagalan kami, si Sirs kasi nanglalambing," nahihiya kong saad sa mga kabarkada kong naghihintay sakin. "Salamat pala sa time guys ha... sa uulitin! Maybe next week ilalabas na namin ni Sirs ang dalawang masterpiece namin," namangha naman ang mga kabarkada ko nang hinatid ko sila sa gate "Hala nasaan si Lavender?" nagtatakang tanong ni Jeffrey "Nagpaalam siya sakin na aalis siya dahil may emergency daw sa kanila," pagpapaalam ko sila.


Pagpasok ko sa building "Baby sana hinintay mo ko! Ang bigat kaya nila," saad ko kay Siruis habang buhat-buhat niya ang manikang si Renz "Its ok baby... kunin mo nalang yung paint natin para makulayan natin siya habang hinihintay nating tumigas yung isa." Masaya akong bumaba sa basement at kinuha ang mga paint at brushes namin "Hmmm bagay ka nga talaga maging manika, Lavender," nginitian ko ang statuwang katawan ni Lavender na naka suot ng tutu habang kagat-kagat ang mata ni Renz "Bulag ka kasi... hindi mo nakikita ang mga kalokohan ng nobyo mo"



"WELCOME TO THE OPENING OF OUR HOUSE OF DOLLS"

I'm Valiere Deguzman and I'm Siruis Wang and we personalize the dolls you dream of...

~~~~~~~~~
Thank you for ready this very short one shot! Let me hear your thoughts😊 Leave your feedbacks at the comment section! To God be the Glory❤

House of DollsWhere stories live. Discover now