"Tay. Nakakahiya ka." Sabi ko ng mahinang boses.



"It's okay. Dont worry." Ngumiti naman sa akin si Ranz nang pagkatamis tamis.



"Alright so It's settle lets go." Sabi ni Ranz at pumunta na sa loob ng kainan.



Nang makarating kami sa SM ay dumiretso kami sa may inasal para unli rice.



"Nakain ka ba dito Ranz?" Tanong ni tatay kay Ranz.



Tumango si Ranz "Opo. Nakakain na rin po kami ni Jevier dito." Sabi niya.



Tumango naman si tatay at umorder na kami. Naghanap ako ng pwede namin upuang tatlo.



May nakita ako sa pinakdulo pero pang dalawahan yun. Nakakita ako ng kumakaing dalawa pero sa apat na upuan nakaupo.



"Hello po excuse po pede po bang hiramin ung isang table at upuan?" Tanong ko.



Laking gulat ko nang makita ko si Jevier at yung babaeng kasama niya sa may mercury drug.



"Kath?" Napahinto siya. "Sige sige, kunin mo na yung upuan ako na lang magbubuhat nang lamesa." Tumango ako bilang pagsang-ayon.



"Sige salamat Jevier." Ngumti lang siya at bumalik sa table nila. Umupo na lang ako nang maayos kase nakaramdam ko ng konting kirot sa part na iyon.



Baka yun talaga ang tye niya, mga ganyang mga babae atganyan manamit. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila kase tinotorture ko na sarili ko dito.



Ilang saglit ay dumating na sila Ranz at tatay. Para bang tuwang tuwa sa sinasabi sa isat isa.



"Ang haba nang pila nakakapagod." Sabi ni tatay na hinihingal.



Nagkwentuhan sila ng mga bagay bagay. Ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain namin. White? White color ng pinggan ko? Bakit hindi Green?



"Tay hindi unli rice akin?" Tanong ko pero tumawa lang si tatay.



"Hindi. Bibigyan ka na lang ni Ranz o ako pag gusto mo pa. Para tipid sa pera." Tumango ako.



Pwede pala yun?



Kumain kami at galit galit muna para walang pansinan. Ilang oras ay natapos na rin kami at feeling ko si tatay pinakamadamng nakain naka pito ata siyang unli rice sa isang manok!



Umuwi na kami. Nakababa na ako nang tawagin ni Ranz si tatay.



"Tito pede bang mahiram muna saglit ang anak mo?"




Tumango na kang si tatay at dumiretso sa bahay. Hinila namana ni Ranz ang kamay ko papasok sa kotse. Nakita kong dinala ako nito sa munisipyo katulad ng dati, umupo kami doon.



"Kath?" Napatingin namna ako sa kanya.



"Di mo pa ako sinasagot kung pwede ba kitang ligawan? Di mo rin ako pinapansin sa school mga ilang araw na." Napatahimik ako sa sinabi niya.



Ano ba dapat ang sasabihin ko? Oo Ranz pwedeng pwede come here! Ganon? Or bustedin ko na lang siya? Ay ewan ko!


Huminga lang ako nang malalim "Madami pa akong pangarap na kailangang abutin baka sagabal lang ang love sa akin." Sabi ko bago napatingin naman ako sa kanya.



"Di ako magiging sagabal Kath. Susuportahan pa kita sa lahat nang gusto mong abutin." Nakangiti niyang sabi sa akin.



Umiling lang ako. "Baka magalit si tatay pag nagpaligaw ako." sabi ko.



Tumayo ito at nag ayos. "Tara puntahan natin ngayon si Tito." Hinila niya ako habang ako ay gulat na gulat sa sinabi niya.



"A-ano? Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.



Ngumiti lang ito sa akin at pinasakay ako sa kotse niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay.



"This is it." Rinig kong bulong niya.



"Tito?!" Tawag niya kay tatay na nasa loob ng bahay. Nakita kong lumabas si tatay at nagtaka.



"Oh? Bakit ang bilis niyo?" Tanong ni tatay.



Huminga nang malalim si ranz. "Tito. Pede ko po bang ligawan ang Anak niyo?"



Nawindang ako sa sinabi niya.



The hell?!



________________________
Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now