"I want to see them playing and loving each other, but how? He's fucking married."

Pinunasan ko ang luha ko na sunod sunod nang tumulo.

He sighed and kissed my forehead.

Humiwalay ako at pinaypayan ang sarili ko gamit ang mga kamay ko at nagbaba ng tingin at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Ricci sa parking lot na nakasandal sa kotse niya at nakatingala samin.

"Ricci.." I whispered.

Umayos siya ng tayo at sandali pang tumingin sakin bago pumasok sa kotse niya at mabilis na umalis.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kyle.

"He's jealous."

Awtomatikong tumaas ang kilay ko.

"Kanina ka pa nagsasalita at kanina pa rin siya nakatingin sating dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko at pinaghahampas siya sa braso niya.

"Bwisit ka! Bakit hindi mo sinabi?!" inis kong tanong.

Tawa lang siya nang tawa.

"Sorry na.." tumatawa pa ring sabi niya.

Inirapan ko siya at pumasok nalang ako sa loob para puntahan si Sophia.

Naabutan ko silang nag-uusap ng Lola niya at tawa nang tawa ang nahuli dahil pag nagsasalita ang anak ko ay kung hindi bulol ay kulang kulang ang mga words. Madalas naman siyang magsalita ng maayos pero parang sinasadya niyang ibahin ang way ng pagsasalita niya. Ewan ko ba sa anak ko.

Kinabukasan ay pumunta ako sa kwarto ni Lola para magpaalam.

"Lola, una na po muna kami ni Sophia. Balik nalang po ulit kami mamaya kapag nakabalik na rin si Kyle."

"Sige, apo. Salamat sa pag-bisita niyo ni Sophia." nakangiting sagot niya at tumingin sa likod ko. "Pero nasaan na siya?"

Tumalikod ako at nasapo ko ang noo ko dahil wala na si Sophia sa likod ko. Malamang ay nauna na siyang lumabas.

"Sige po, Lola. Sundan ko na po siya. Mag-ingat po kayo." sabi ko at humalik sa pisngi niya saka nagmamadaling lumabas.

Ang batang 'yon talaga sobrang likot. Napaka mainipin pa. Manang mana ka sa tatay mo, anak.

Narinig ko ang boses ni Sophia sa hindi kalayuan sa pwesto ko kaya sinundan ko kung saan nanggagaling 'yon.

Hindi ko alam kung talaga bang hindi sinasadyang magkita sila o talagang pinagkikita na sila ng tadhana. Dahil ngayon ay nakikita kong nakaupo sila ni Ricci sa may hagdan at nakaupo ang anak ko sa lap niya.

Nagtago ako sa may gilid at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

"He's my Dada and I'm his princess.."

Nakita ko nang matigilan si Ricci at nag-iwas ng tingin sa anak niya.

"Is your Mom married?"

Napalunok ako dahil sa itinanong niya. Alam kong ngayon ay nakakunot na ang noo ni Sophia kay Ricci dahil naguluhan siya.

"What is married?" inosente niyang tanong.

Bahagyang napangiti si Ricci.

"Married? That was your Mommy and I.. before."

Napalunok ako sa sinabi niya at mahigpit kong nahawakan ang bag ko.

We are married before.

"What?" naguguluhan pa ring tanong ni Sophia.

Kinuha ko ang phone ko at pasimple silang kinuhanan ng picture.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now