"Ate naman!" natatawang tinampal ni Aleah ang braso ni Reggie.

"Charot lang! ano ka ba, sexy mo kaya!" napatingin ulit si Reggie sa kababata niya.

"Nako! Nakaharap yata ako sa salamin ngayon!" Sabay tawa ulit ni Reggie.

"Kahit kailan talaga ate, feeling mo" pagsulpot naman ni Niño sa gilid nila at gulat na napabaling kay Ezekiel.

"kiel!" They did an arm-shake.

"good to see you, buddy" sabay tapik ni Ezekiel sa likod ni Niño.

"Ang laki mo na talaga Aleah parang kailan lang, kinasal ko pa kayo ni Niño sa bakanteng lote, ah!" bungad ni Maxi sabay yakap din kay Aleah. Nang binalingan naman ni Maxi si Niño ay namumula na ito sa hiya at patuloy pa rin na inaasar-asar ni Ezekiel at Reggie.

"kuya Maxi, I miss you!" masiglang tugon ni Aleah. Naging malapit talaga si Aleah kay Maxi. Tinuturing niya itong totoong kuya niya. Kaya sobrang miss na niya ito.

Nang mapabaling siya kay Ezekiel ay yumakap din siya bilang pagbati.

"Well, hindi ko naman na miss 'tong si Ezekiel, we usually meet at clubs and other formal events" sabay nangingiting nakahalukipkip si Aleah.

Kiel just shrugged and smiled "So, hindi mo rin ako na-miss?" Pagbiro pa ni Ezekiel

"oh please, Kiel" sabay irap ni Aleah.

"Hoy ang unfair naman n'yan, palagi kayong nagkikita kami hindi, " may bahid na pagtatampo ang boses ni Reggie.

"Di bale, ate, we'll often meet pag nakabalik na tayo ng Manila" Aleah assured.

Nagpatuloy ang lima sa pagkukumustahan. They seem so happy, just like the old days. Kaya hindi mapigilan ni Dheo na mapangiti habang nakatanaw sa isang sulok malayo sa kanila.

Hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang tawagin silang kaibigan matapos ang nangyari noon. But he's trying to reach out to them, maybe this time, it would be different. Hopefully.

Biglang napabaling ang lahat sa kaniya, isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa kanilang anim. Sa bawat pintig ng kaniyang puso ay ang kabang nararamdaman sa mga posibleng mangyari.

There he saw their reactions. Aleah, Maxi and Niño were smiling while Reggie's lips were in a grim line, while Ezekiel still has his brooding eyes on Dheo. Kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"Dheo, bakit ka nand'yan, halika nga!" Tawag sa kaniya ni Aleah kaya dahan-dahan siyang lumapit doon at sabay lahad ng kaniyang munting ngiti para pagtakpan ang konsensyang pilit na bumabagabag sa kaniya sa nakalipas na mga taon.

"Ahm...kumusta?" Sabay lakbay ng kaniyang tingin sa mga kaibigan na nasa kaniyang harapan.

"Dheo!" sabay yakap sa kaniya ng kaniyang kuya Maxi.

"Maxi..." sabay rahan niya ng ngiti.

Bumaling si Dheo ngayon kay Reggie at Ezekiel subalit agad namang nag-iwas ng tingin si Ezekiel at lumipat sa tabi ng kinatatayuan ngayon ni Niño, mukhang galit talaga sa kaniya ito.

Pagkabaling niya kay Reggie, mag-aamba sana siyang mag-salita pero naunahan siya nito.

"Dheo..." sambit ni Reggie sa seryosong tono. Agad namang lumapit si Maxi kay Reggie at ipanatong ang kamay nito sa kaniyang balikat bilang pagpigil sa kung anong gagawin nito sana.

Tango lamang ang naging tugon nito bago inilipat ang tingin kay Dheo na ngayon ay kabadong-kabado.

Lumapit si Reggie kay Dheo dahilan para mapaatras din ang binatilyo

"R-Reggie..."

Nang mga ilang dangkal na lamang ang kanilang layo ay mariing tinitigan ni Reggie ang kaharap mula ulo hanggang paa bago nito ibinuka ang kaniyang braso upang salubungin ng yakap ang kaibigan.

Nakatunganga lang si Dheo at di lubos nakagalaw " yayakapin mo ako o babalian kita ng buto riyan"

" s-sinong m-may sabing h-hindi? wala k-kaya!" agad na tinugon ni Dheo ang yakap ni Reggie at nang kumalas na sila pareho sa pagyakap ay nginitian siya nito dahilan upang makahinga ng maluwag si Dheo.

"Dheo, Niño, Reggie, Maxi, Aleahna, Ezekiel... pasok na kayo, may inihanda akong munting salo-salo sa loob" sambit ni Valerie sa mga panauhin na kararating pa lamang.

"Good evening, Ma" sabay halik ni Ezekiel sa pisngi ng ina.

"Pasok na kayo, palubog na ang araw"

"Hi Tita Valerie! Grabe, parang di naman kayo tumanda! Ano po'ng skin care niyo?" Tanong ni Reggie na agad lumapit sa ginang at niyakap din ito.

"Ikaw talagang bata ka, di ka parin nagbabago" agad namang sumunod ang ilan at kaniya-kaniyang bati kay Valerie.

Habang papasok na ang lahat, naiwan parin si Dheo'ng nakatanaw sa mga kaibigan na ngayon ay ngumingiti at tumatawa.

Parang panaginip lang lahat kung ituring dahil sa pagaakala na hindi na niya sila muling makikita. Subalit kahit isugal man niya ang sarili para makasama lang sila, ay gagawin niyang muli para lamang maibalik ang kanilang nawasak na pagsasama.


To more adventures! See you in the next chapter ➡

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now