"Pasensya na talaga Maxi, pati ikaw nasasali na rin sa mga problema ko" di mapigilan ni Reggie na mapayuko dahil sa hiyang nararamdaman sa kaibigan. Marami nang naitulong sa kaniya si Maxi ngunit pakiramdam niya ay kahit ni-minsan ay hindi pa niya ito nasusuklian, subalit mas dinaragdagan niya pa lalo ito. Kaya hindi niya maikubli ang hiyang nararamdaman sa kaibigan.
"Kaya nga kita naging bestfriend diba? At ano pa bang ginagawa ng mag-bestfriends, edi nagdadamayan! Ganon! Kaya 'wag kang humingi ng paumanhin dahil ni minsan ay hindi ka naging problema o pabigat sa akin, Reggie. Tandaan mo 'yan" sabay lingon ni Maxi kay Reggie.
Sa tuwing magkasama sila, doon niya lamang nakikita ang totoong Reggie. Taliwas sa matapang at pilya nitong personalidad ay ang siyang kabaliktaran nito.
Umiiyak, napapagod at nahihirapang Reggie na nagsisikap para lamang sa ikasasaya at ikakabuti ng kaniyang pamilya. Kaya sa abot ng kaniyang makakaya ay tutulungan niya ito at sabay silang makakaraos sa kaniya-kaniya nilang mga problema.
"Maxi, naman! Ano ka ba! Pinapaiyak mo ulit ako!" Sabay kusot ni Reggie sa mga munting luha na namumuo sa kaniyang mga mata.
"Kahit kailan iyakin ka talaga, Reggie! mukhang ako yata ang lalake dito eh"
Sarkastiko lamang siyang binalingan ng katabi "Siyempre, lalake ka naman talaga!" Sabay tawa ni Reggie.
"Hoy Reggie Faith, maghunos dili ka naman! "
Agad hinawakan ni Reggie ang braso ni Maxi at pinisil-pisil pa ito.
"tignan mo ang biceps mo Maxi oh! Daig mo pang mga jowa ko dati. Ikaw lang ang kilala kong barakong babae!" Halos nagsitaasan naman ang balahibo ni Maxi sa ginawang paghimas ni Reggie sa braso niya.
"Reggie! Ano ba! Lapastangan kang babae ka! " sabay taklob nito sa kaniyang buong katawan lalo na ang boobs kuno nito.
"ikaw lang talaga ang kilala kong baklang Adonis, Max!" Pangaasar ulit ni Reggie dahilan para mauna nang naglakad si Maxi sa kaniya na siyang hindi niya tinantanan hanggang sa narating nila ang gate ng mansyon ng mga Cero.
Kukulitin pa sana ni Reggie ang kaibigan nang biglang may bumusina sa kanilang likod dahilan para mapalingon ang dalawa roon.
"It's been a long time. Good to see you again Kuya Max, Reggie" sambit ng lalake na kakalabas lang sa isang itim na kotse sabay hilig nito sa gilid ng pintuan
"Ezekiel!" tawag ni Reggie at agad nilapitan ang kaibigan.
"Itlog nga ang nauna kesa manok!" kontra ni Niño.
"Hindi nga! Kasi, manok yung nauna! Saan ba galing ang itlog? Diba sa manok, kaya manok nga! Boomerang rin isang 'to oh!" Pagpatol naman ni Dheo.
Kanina pa halos nagbangayan ang dalawa kung ano raw ang nauna, itlog ba o manok, kung sana hindi nalang pinuna ni Aleah kanina ang manok na dumaan sa kanilang harapan edi sana walang gulo ngayon. Kahit kailan talaga mga isip bata parin. Napairap na lamang si Aleah sabay taklob sa tenga nito.
"Eh saan naman galing ang manok? Diba sa itlog! Kaya itlog!" Sabay labas ng dila ni Niño kay Dheo bilang pangaasar.
"Aba---"
"Ate Reggie!" sigaw ni Aleah dahilan para mapabaling ang tatlong nasa kanilang harapan sa kanila.
Agad namang tumakbo si Aleah patungo kay Reggie at agad niyang sinunggaban ito ng yakap, na siyang tinugon naman ng kaniyang ate.
"Hala, sis! Aleah! Ang payat mo pala in person, dapat mag dikit ka dito ng 'Fragile, handle with care' " Biro pa ni Reggie nang kumalas ang dalawa sa pagyayakapan.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 4
Start from the beginning
