Pinag-aral siya ng kaniyang ama ng criminology sa Maynila at nagdoble kayod pa ito para lang maging isa siyang ganap na pulis, subalit hindi na niya ito naituloy sapagkat bumagsak siya sa ilang mga subject at kailangan niya iyong ulitin.
Kung hindi lang sana siya naging pabaya sa pag-aaral at napasama sa mga masamang impluwensya, siguro isa na siyang ganap na pulis ngayon.
Gusto nang sumuko ni Reggie ng mga panahon na iyon lalo pa't malaki na ang naging gastos ng kaniyang ama para sa pag-aaral niya. Kaya nag-eextra siya sa mga palabas at commercials bilang stunt woman o extra para makaipon ng pera at maipagpatuloy ang pag-aaral.
Subalit naging pabalang-balang ito dahil kailangan niyang suportahan ang kapatid sa pag-aaral din nito, kaya mas inuna niya si Niño makapagtapos dahil nakikita niya ang kagustuhan nito na makapagtapos ng computer engineering na siyang 'di pinagtuunan ng pansin ng kanilang ama dahil ang pagpupulis niya lamang ang pinapaburan nito. Kaya kahit anong raket pa iyan ay pinasukan niya para sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang kapatid na si Niño.
Ngayon, nasa ika-apat na niyang taon, at konting-konti na lang ay magkakatotoo na ang mga pangarap niya. Kaya hanggat hindi pa nalalaman ng kaniyang pamilya ang totoo ay mananatili itong sikreto hanggang sa makapagtapos siya at may maipagmamalaki na sa kaniyang ama, na isa na siyang ganap na pulis.
"Masaya akong may kasama kana palagi roon sa Maynila, anak. Mabait na bata iyang si Maxi at suportado namin siya ng papa mo, " may ngiting tugon ng kaniyang ina, dahilan para mapangiti rin si Reggie.
Si Maxi lang ang taong nakakaintindi sa sitwasyon niya, siguro dahil parehas sila ng pinagdadaanan. Nang ibinunyag ni Maxi sa kaniya ang tungkol sa totoo nitong katauhan ay hindi naging iba ang turing at pakikitungo niya sa kaibigan.
Dahil wala naman talagang babaguhin in the first place. Him, coming out was never an excuse for her to forget their friendship. Because Maxi is Maxi. She became friends with him because he is Maxi.
Sa mga taon na 'yon, si Maxi lang ang lagi niyang nahihingan ng tulong, naging sandalan tuwing hirap na hirap na siya, at sa panahong gusto na niyang sumuko. Siya lang ang totoong nagmamalasakit sa kaniya sa panahon na kailangan niya ng karamay. Kaya mahal na mahal niya yang bestfriend niya. Kahit ano mang mangyari, ipinapangako ni Reggie na mananatali siya sa tabi ni Maxi.
"Oh siya, ako na ang magtatapos nito, pumunta ka na roon at tiyak naghihintay na si Ma'am Valerie sa inyo" ani Loring.
"Nay, balang araw, maisasakatuparan ko rin ang mga pangarap ko" wala sa sarili niyang sabi.
"Huwag kang mag-alala anak, ano man iyang pangarap mo ay nandito lang kami para sa'yo susuportahan ka namin ng papa mo"
kahit di man alam ng kaniyang ina ang totoo niyang estado, ay masaya siyang kahit papano ay naririnig niya ang mga ganoong salita mula sa kaniyang ina.
Agad tumayo si Reggie at taas noong nakapamaywang
"Ano ka ba motherland! Ako pa! Si Reggie kaya to! At tutuparin ko ang lahat ng mga pangarap ko!" Habang iwinawasiwas pa nito ang kaniyang kamay na para bang may hawak siyang espada at nakapatong ang isang paa sa kanilang kama.
Natawa na lamang ang kaniyang ina sa pinaggagawa ng kaniyang unica hija.
"Bye, Ma! Babalik kaagad kami!" Sigaw ni Reggie sa ina sabay lakad nina Maxi na magkahawak pa ang mga kamay.
Nang nasa may kanto na sila ay agad din silang napabitaw at kaniya-kaniyang hinga ng malalim.
"Grabe Reggie, parang na-i-stress yata ang bangs ko d'on" sabay hawi ni Maxi sa imaginary bangs niya.
ESTÁS LEYENDO
Our Broken Strings
Ficción General🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 4
Comenzar desde el principio
