"Magandang hapon po, Aleng Sita" pagbati ni Aleah bago sinalubong ang ginang ng yakap. Parati man itong galit sa kanila noong mga bata pa sila, naging bahagi rin ang ginang sa kaniyang kabataan.

"Aleah!" Sabay tili ng Ale at yakap ulit sa dalaga. Ngayon mas mahigpit pa iyon kesa ginawad niya. Mahinhin na lamang na natawa si Aleah.

"Alam mo, palagi talaga kitang nakikita sa mga commercial sa TV, ineng. Aba, di ko aakalain na makikita kita ulit!" Sabay pa ng munting mga talon ng ginang.

Bumaling naman ulit ito kay Niño at agad ding niyakap ang binatilyo.

"Aba! ang laki niyo na talaga, noong araw naalala ko hanggang balikat ko pa lamang kayo. Masiya akong makita ka muli Niño. Kay gwapong binata mo na!" madamdaming bungad ng ginang habang pinagmamasdan ang dalawang mga bata na dati ay kaniya lamang pinapagalitan at sinusungitan.

"Hmm... parang bagay nga kayong dalawa itong si ineng Aleah, Niño. Ligawan mo na kaya " ani ng ginang.

Bigla natigilan si Aleah at napabaling kay Niño na ngayon ay napaiwas din ng tingin sa kaniya at napapaubo pa.

Si Dheo naman ay tinitgan lang si Niño na parang ineechos ang naging reaksyon nito.

"H-hala p-pasensya! may boypren na pala itong si Aleah. Sino nga 'yon? s-s-seth! Oo, tama, yung Seth! Yung bida sa teleseryeng 'Langitngit ng kama' at endorser ng tinapa! 'yon! Naalala ko na" sambit ng ginang at humingi ng paumanhin.

Gusto sanang pabulaanan ni Aleah ang sinabi ni Sita. Ang totoo niyan, wala na sila ng gagong 'yon. But she's still prohibited in disclosing their relationship status, lalo na ngayong malala pa ang issue nilang dalawa. It might result to series of controversies in the showbiz industry; at kahit nasusuka siya sa tuwing binabanggit ang pangalan ng lalakeng 'yon, ay may respeto parin siya kahit sa trabaho man lang nito, and she chose to respect him.

"O-opo, Aleng Sita" sagot ni Aleah.

Parang may kung anong kumurot sa puso ni Niño sa kaniyang nalaman. Sa tagal niyang pagsunod kay Aleah, ang parteng iyon ang ayaw niyang pag-usapan. parang lahat ng pag-asang natitira sa kaniya ay unti-unting nawawala pero wala sa bokabularyo niya ang sumuko at isa pa may laban naman din siya sa Seth na yon. Di hamak na mas gwapo naman ako 'don.

"Pasensya talaga, hija. Di bale hijo makakakita ka pa ng iba. Sa gwapo mong iyan! Nako baka magkandarapa pa ang mga babae sa'yo" sabay hagikhik ng ginang ng nakabaling kay Niño.

ngumiti lang si Niño at umiling "Loyal ho'to, Aleng Sita" dahilan para mabaling din si Aleah sa direksyon ni Niño.

"Grabe ka Aleng Sita ha, sa tagal kong nag-s-sideline dito sa flower shop niyo, ni minsan 'di niyo pa ako tinawag na gwapo" habang nakahawak pa sa kaniyang puso si Dheo.

"Pangit ka kasi kaya tanggapin mo na!" Pagpatol naman ni Niño na nangingiti pang inaasar si Dheo.

Nagpatuloy sila sa kanilang munting kumustahan at inaya pa sila ni Sita na mag meryenda na muna, kaya napuno ng tawanan at pagbabalik tanaw ang kanilang naging usapan bago nagpaalam at pumanhik ang tatlo papunta sa susunod nilang tatahakin. Ang mansyon ng mga Cero.

"Anak nakalimutan kong sabihin na gusto pala makipagkita ni Ma'am Valerie sa iyo, bilang ikaw ang isa sa tutulong sa paghahanap kay  Blessy, " sambit ni Loring sa anak na ngayon ay tinutulungan siyang magtupi ng kanilang mga damit.

Halos manigas naman sa kaniyang kinauupuan si Reggie. Kaunting pagkakamali lang at mabubulilyaso na ang kaniyang totoong trabaho kung hindi niya maisasaayos ang kanilang mga plano.

"S-sige ma! No p-problem, isasama ko na lang si Maxi roon"

Noon paman ay pangarap na ni Reggie maging pulis na siya namang ikinatuwa ng kaniyang ama, dahil isa ito sa mga pangarap ng kaniyang tatay na hindi nito nagawa nito noong kapanahunan niya, na siyang ipinasa niya na lamang sa kaniyang anak.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now