CHAPTER THREE

3 1 0
                                    


Hay,

Kamalasan nga naman. Ice mode na nga si papa ngayon dahil sa akin, nabigo pa akong sundin ang step.

Bpppppppppp!!!

Ayan na naman. I have no choice kundi ang sakyan ang pagsesenti niya dahil kapag sasabayan ko ang init ng ulo niya nako disaster ang kalalabasan.

"Heto na pababa na!" Pag-iimporma ko sa kaniya.

Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng sandwich upang may makain habang papunta sa school.

"Breakfast muna 'nak." Nakangiting bungad ni mama.

"No, okay na 'to. Nagmamadali si papa eh." Sagot ko.

"Hmmm, Tubig." Inabutan niya ako ng bottled water kaya kinuha ko naman, mahirap na baka mabilaukan sa daan.

Bpppppppppppppppp!!!

" See? I must go." Halos takbuhin ko na ang garahe mula sa kusina sa sobrang taranta.

"Ingat. Fighting!" Dinig kong sigaw ni mama.

Tsss. Si mama talaga!

Sa wakas narating ko rin ang garahe. Whew!
Dali dali kong binuksan ang backseat at pumasok.

Spell awkward!

"Hrrm! Ehem! Nagbreakfast ka na pa?"

"Hmmm ayos lang naman kung hindi mo sagutin."

Panu ba 'to?

"Wala kang bagong kliyente?"

"You think?" Sagot ni papa.

Diyos ko po, nakakagulat ang boses niya. Puwede magbigay muna ng signal na magsasalita ka? Nakakapangilabot ang boses niyang sobrang baba.

"Hehe, siguro. Hindi pang-lawyer ang aura mo ngayon eh, sa totoo lang mukha kang killer." Pagbibiro ko. Ngunit sa halip na ma-lessen ang tension sa pagitan namin mukhang mas lumala pa. Tingnan ba naman ako sa side mirror at pandilatan ng mata. Ama kita pero patawarin nawa ako ng Diyos dahil gusto kong dukutin yang eyeballs mo!

"We're here." Sabi niya nang marating na namin ang school.

"Uhhhm salamat." Ni hindi man lang lumingon. "I'll quit playing volleyball."

"Siguraduhin mo."

'Nye Nye'

Nagme-make face ako habang lumalabas ng kotse.

***

"Classmates ko-kolektahin ko na ang ibinigay ko sa inyong hand-outs. Ilalagay ko na kasi sa documentary collection book ko."  
Sabi ni  Cadheifa. Ang class president namin na adik sa documentation ek ek. Siya rin ang may pakana ng wishing thingy na 'yan.

"Blank, akin na ang sa'yo."

"Oh, isaksak mo yan sa balon-balunan mo!" Sigaw ko sa kaniya habang bininibigay ang hand out.

Narinig kong may sinasabi siya pero hindi ko naintindihan.

"Anong sabi mo?"

"Kung nag-cotton buds ka ba pagkatapos mong maligo? Bingi neto, diyan ka na nga!"

"Cheh, magsama kayo ng kaek-ekan mong hindi naman effective!" Sigaw ko ulit sa kaniya.

WISH UPON SEVEN STARSWhere stories live. Discover now